Bullet 23

303 15 0
                                    

[Aya]
Inis kong binaba ang ballpen ko matapos ko itong paglaruan. Nakanguso naman akong napatingin sa kasama ko dito sa office ko, si Thunder.

Magkasama kasing lumabas si Agent X at Zander. Lalo akong nainis dahil naalala ko na naman si Zander.

Pakiramdam ko kasi ay iniiwasan ako ni Zander at ilang araw na niyang ginagawa iyon sa hindi ko malamang dahilan, nung isang araw naman ay okay naman kami, nginingitian pa nga niya ako.

Thunder. Tawag ko kay Thunder na abala sa laptop niya. Gulat naman niya akong tiningnan.

A-anong s-sabi mo Aya? Nanlalaking matang tanong nito sa akin. Marahil nagulat siya kasi tinawag ko siya sa pangalan niya at hindi "Agent M".

Thunder. Pag-uulit ko sa pagtawag ko sa kanya.

P-paano mo nalaman? Gulat parin niyang tanong.

Ahhmm... gaya ninyo nag research din ako. Kalmado kong sabi.

Ibig sabihin alam mo din ang kay—

Zander? Oo. Pagputol ko sa dapat itatanong nito. Don't worry hindi ko kayo tatawagin sa pangalan ninyo sa harap ng ibang tao. Nakangiti kong sabi dito. Tumango nalang ito bago binalik na ulit ang atensyon sa laptop niya. Uhmm... Thunder? Muli itong tumingin sa akin.

Yes? Kunot-noong tanong nito.

Galit ba sakin si Zander? Nahihiya kong tanong dito kaya mas lalong nangunot ang noo nito.

Si Aze? Aze? Yun ba yung nickname niya? Hindi naman, bakit mo naman natanong kung galit siya sayo? Tanong nito at tumingin saglit sa laptop niya.

Wala naman. Naghalumbaba naman ako sa mesa ko. Bumalik na si Thunder sa ginagawa niya kaya hindi na ako nagtanong pa.

Bigla naman bumukas ang pinto ng office ko at bumungad samin ang nagngingitiang si Agent X at Zander.

Napaiwas naman ako ng tingin at nagulat ako ng mapansin na nakatingin pala sa akin si Thunder. Teka! Akala ko ba nasa laptop ang tingin niya?!!

Naupo na sila Agent X at Zander sa may upuan kung saan nakaupo din si Thunder.

Nagpanggap naman akong may binabasa, psh! Para akong sira sa ginagawa ko!

Agent X samahan mo ako i check natin ang cctv room. Napatingin ako sa nakatayong si Thunder.

Ha?! Kaya mo na iyan Thunder nag type pa ako eh tsaka—

Halika na. Hindi na natapos ni Agent X ang dapat sasabihin niya dahil hinatak na siya ni Thunder. Nakatanggap naman siya ng hampas sa braso mula kay Agent X.

Nang makaalis sila ay nabaling ang tingin ko kay Zander na abala sa laptop niya.

Napabuntong hininga naman ako at palihim na sinisilip siya.

Do you need something? Nagulat naman ako at natatarantang binasa ang papeles na hawak ko dahil bigla siyang tumingin sakin at nagsalita.

Sumilip ulit ako pero agad nanlaki ang mata ko nang makitang seryosong nakatingin pa pala sakin si Zander.

Tss. Iyon lang ang sinabi niya bago binalik ang tingin sa laptop niya.

Napabuntong-hininga naman ako, itatanong ko na ba? Paano kung hindi niya sagutin? Hay! Bahala na nga!!

Za—

We're back! Malakas na sabi ni Thunder kasama si Agent X na bagot na bagot.

Love and BulletsWhere stories live. Discover now