Bullet 20

321 18 0
                                    

[Aya]
Abala ako sa pagscan ng mga proposal sa table ko. Nastress na ako sa tambak na trabaho ko. Agad akong napahilot sa ulo ko at agad tinabi ang kakatapos ko lang basahin na proposal.

Napatingin naman ako sa kasama ko dito sa office na abala mag type, si Agent X. Lalo tuloy akong na stress. Ilang araw at linggo na ang lumipas nung halikan ako ni Zander pero ramdam ko umiiwas siya sa akin. Lagi siyang abala, kaya si Thunder at Agent X ang nagpapalitan para bantayan ako.

Psh! Hahalik-halikan niya ako tapos iiwasan niya ako. Sira ulo ba siya?!!

Inis naman akong bumalik ulit sa pagbabasa ko ng mga proposal. Agad kong binuklat ang kasunod na folder.

Natigilan naman ako ng mabasa ko ito.

Choi Group of Companies.

Pagbasa ko sa pangalan kung kanino galing ang proposal. Agad kong pinindot ang intercom sa tabi ko para tawagin ang secretary ko.

Miss Aya?! Agad kong inangat ang folder na naglalaman ng proposal ng CGC.

Kailan mo nareceived ang proposal na ito? Tanong ko kay Shane.

Last week Miss Aya. Dinala po iyan ng secretary ni—

Okay. Pagputol ko sa sinasabi niya. Nakatingin na kasi si Agent X sa amin. Ito lang ba ang sinadya ng secretary niya? Agad naman nilabas ni Shane ang tablet niya at nagpipindot ito.

Nag set po sila ng appointment sa inyo 3 days from now. Pagbasa nito sa schedule ko. Tumango naman ako sa kanya at nagpasalamat. Bumalik na ito sa labas para gawin ang mga utos ko sa kanya.

Napahinga naman ako ng malalim at titig na titig sa folder na hawak ko.

May problema po ba Miss Aya? Tanong sa akin ni Agent X ng may mapanuring tingin.

W—wala naman. At binalik ko ang tingin sa folder na hawak ko at inumpisahan basahin ito.
————————————————
Nang matapos ako ay agad kong binaba ang ballpen na hawak ko. Kakatapos ko lang pirmahan ang mga dapat kong pirmahan at tapos ko na din basahin ang mga proposal.

Napako naman ang tingin ko sa folder na galing sa CGC.

Should I accept their proposal?

Napapikit naman ako habang sinadal ko ang sarili ko sa swivel chair na inuupuan ko.

Ramdam ko ang mapanuring tingin ni Agent X sa akin. Malamang ay tinitingnan niya kung may problema ba ako.

Agent X? Nagulat naman ito ng bigla ko siyang tingnan at tawagin.

M—miss Aya?!

Anong oras darating si Agent K at Agent M? Seryoso kong tanong.

Mamaya po siguro. Hindi po ako sigurado Miss Aya. May iuutos po ba kayo? Umiling naman ako.

Can you call them na dumiretso dito sa office after ng ginagawa nila. Tumango naman ito at agad ginawa ang sinabi ko.
————————————————
8pm iyan ang oras sa orasan na nasa table ko. Hanggang ngayon ay pinag-iisipan kong mabuti ang dapat kong gawin. Hindi ako pwede magpadalos-dalos ng desisyon. Naputol ang pag-iisip ko ng biglang bumukas ang pinto ng office ko at bumungad sa akin sila Zander.

Tumayo naman ako at agad naglakad papunta sa conference room. Follow me. Agad naman silang sumunod sa akin.

Nang makarating kami sa conference room ay agad kong nilock ang pinto at inactivate ang sound-proof ng room.

Love and BulletsWhere stories live. Discover now