Malalim at taimtim ang paghanga na ibinibigay ni Lore Lilytel kay Finn Doria. Kahit na nakakaramdam siya ng kaliitan sa harap ng binata, masaya at natutuwa pa rin siya dahil tama ang kaniyang desisyon na kaibiganin na lang si Finn Doria. Isa itong malaking oportunidad at kailangan niya itong panghawaka at pangalagaang mabuti.

Magkahalong ekspresyon naman ang nararamdaman ni Ashe Vermillion. Inggit, inis, paghanga ngunit sa likod ng lahat ng ito, malinaw pa ring makikita sa kaniyang mga mata ang determinasyon.

Masyado pang maaga upang sumuko si Ashe, isa pa, bata pa siya at malawak ang mundo ng mga adventurers. Marami pa siyang pagsubok na pagdadaanan at alam ni Ashe na isa lang ito sa maraming pagsubok na kailangan niyang malagpasan. Isa siyang babaeng may mataas na pangarap at malaki ang kaniyang dignidad. Tiwala rin siya sa kaniyang sarili na hindi man niya malampasan ang talento ni Finn, makakaya niya naman itong sabayan. Gusto niyang maging positibo at gusto niyang gawing Hindi niya hahayaang magpakain sa inggit at takot ng dahil lang sa mayroong mas malakas sa kaniya ng sobra.

Syempre, bawat isa sa kanila ay mayroong kani-kanilang paraan kung paano hahawakan ang pagsubok na ito. Mayroong napaupo na lamang sa sahig habang nakatulala sa lupa. Mayroon din namang napako na ang kanilang mga paa sa kanilang kinatatayuan.

Seven Great Faction Games? Kalokohan! Kung sa simula pa lang ay ipinaalam na ni Finn Doria ang kaniyang totoong antas ng lakas, siguradong wala ng magaganap na Seven Great Faction Games. Ang Cloud Soaring Sect na agad ang mananalo.

Ano nga bang dahilan ng kompetisyong ito? Iyon ay upang malaman kung sino ang may pinakamalaking potensyal na maging malakas sa hinaharap. Pero ngayong bigla na lang lumitaw si Finn Doria, hindi na kailangang humanap pa ng iba dahil siya na ang pinakaangkop na kandidato. Kahit ang pinakatalentadong Adventurer ng Sacred Dragon Family ay hindi maikukumpara sa antas ng lakas ni Finn Doria.

Matapos ang ilang minutong pagkagulat at pagkabigla ng lahat, iba't ibang reaksyon ang ibinigay ng mga batang adventurer. Nakatingin pa rin sila kay Finn Doria ng may takot at kilabot na para bang isang halimaw ang nasa kanilang harapan.

"Bangungot! Isa lamang itong masamang bangungot! Hindi ako naniniwalang isa kang Profound Rank Adventurer dahil nagmula ka lang sa isang ordinaryong angkan!" hindi makapaniwalang sigaw ni Azur habang dinuduro si Finn Doria.

"Hmph." Mas lalo namang nilakasan ni Finn Doria ang kaniyang aura at pinuntirya nito si Azur na naging dahilan ng pagtilapon nito sa hindi kalayuan. Mabilis na nabalot ng galos at mga sugat ang kaniyang katawan at halos nalilgo na rin siya sa sarili niyang dugo. Nawalan din ito ng malay ng dahil sa lakas ng pwersa ng aura ni Finn kaya naman mayroong naglakas loob na lumapit dito at pinakain agad ng Recovery Pill.

Nang masaksihan ito ng lahat, nanginginig silang napaatras ng dahil sa takot. Si Tiffanya naman ay napatulala at natahimik habang ang kaniyang dalawang tuhod ay nangangatog. Lahat ng kaniyang kumpiyansa sa sarili ay bigla na lamang naglaho.

Anong Sky Ice Pathway? Kalokohan! Sa harap ng talentadong si Finn Doria, isa lamang itong kalokohan. Maaaring maabot niya ang Sky Rank sa hinaharap ngunit kayang-kaya rin ito ni Finn Doria at siguradong makalipas ang limang taon, siguradong isa ng ganap na Sky Rank Adventurer si Finn Doria at tatagurian siyang pinakabatang Sky Rank Adventurer sa buong kasaysayan ng Sacred Dragon Kingdom.

"Ngayon, sinong gusto pang lumaban? Pwede kayong sumugod isa-isa o maaari rin namang sabay-sabay na kayo." Malumanay na wika ni Finn Doria habang inihahayag ang kaniyang kamay.

Mas lalo pang napaatras ang mga batang adventurer na kabilang sa ibang faction. Habang ang iba naman ay nawalan na ng ganang tumugon pa. Nakaupo pa rin sila habang nakatulala sa sahig. Kahit pa sabay-sabay silang sumugod, alam nilang wala silang pag-asang matalo o masugatan man lang si Finn Doria.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon