END OF FLASHBACK...

Magmula noon, hindi ko sinubukan at hindi na ako nagtangka lumapit pa at magpakita kay Enzo. For his own seek, hindi ko hahayaang maghirap at maging mesirable ang buhay nya ng dahil lang sa akin. Kahit sobrang sakit, kahit labag sa kalooban ko ang ginawa kung pagiwan at pag-alis noon. Lahat ng naguugnay sa amin noon pinutol ko, nagpakalayo-layo ako, namuhay nang malayo sa pamilya at kaibigan , at sa kanya, at tinuruan ko ang puso kung kalimutan na lang sya.

Hanggang sa tatlong taon na ang lumipas.

"Hoy ok ka lang?" matauhan ako sa ginawang paghampas sa akin ni Lex sa pisngi

"Ah...Uhm ok lang ako!"

"Mukhang hindi ka pa nga talaga naka move-on sa Past nyo ni Enzo, mahal mo pa talaga diba?" hindi ko sinagot ang tanong nya bagkus umalis na lang ako.

____________________

My Office...

Ako na pala ang namamahala ng ng kompanya ng Parents ko, mahirap pero kaya naman, si Mama pala at si Papa nagkabalikan na Last Year. Oh diba di ko inaasahang mabubuo ulit kami. Masaya na ko sa buhay ko, may sarili na akong bahay, Negosyo, Kompanya at mga properties pa, In short nagpakahirap ako ng sobra para marating ko tong kinaruruonan ko ngayon, nagsumikap ako para makatungtung sa toring to.

"Ngayon lang ulit kita nakitang ganyan?" pa nira ng moment naman tong si Nicco eh, kitang ang lalim na ng iniisip ko tapos bigla na lang syang papasok

"Kumatok ka kaya muna bago ka pumasok!"

"Ah kakatok pa ba, oh sige!"

nagmadaling lumabas si Nicco, ilang sandali lang may kumatok sa pinto ng office ko

"Pumasok kana nga dito!" nakangiting pumasok si Nicco sa Office ko

"Hindi pa tapos yung Party umalis kana kaagad!"

"Marami pa kasi akong tatapusin dito sa Office!"

"Magkano ang sinasahod mo sa isang araw para naman mabigay ko na sayo, nang sa ganon mailabas na kita dito!" tumawa ako ng bahagya sa sinabi nya

"Sa tingin ko pwede na sa akin ang chocolate Ice Cream " sabay ngiti

"Anu pang hinihintay natin tara na!" hinawakan nya ang kamay ko then lumabas na kami.

________________

Ang akala ng lahat boyfriend ko si Nicco dahil madalas kaming magkasama nito, pero ako na ang nagsasabi hindi kami at ni.minsan hindi naging kami. Kahit tanungin nyo pa sya.

"Evo will you marry me!"'

"No!"

"Please Marry Me!"

"NO!"

"Let's get married na kasi"

"Hay ang kulit, Ayoko nga"

"Sige ka, pag ako nagdalawang isip baka magsisi ka dyan!" tinapalan ko ng ham burger ang bibig ni Nicco kaya natamimi sya

"Hay naku, mag-sawa kana nga dyan sa kaka-proposed mo sa akin, dahil hindi na talaga magbabago ang isip ko"

"Oo na hindi na" sabay  sip noong nya noong Milk Tea

"Promise yan ah?" tinaas ko ang right hand nya din pinagpromise ko talaga sya, then hinawakan nya ang kamay ko

"Kaya ba ayaw mo ng commitment dahil mahal mo pa rin sya hanggang ngayon?" sa di inaasahang pangyayari binawe ko sa pagkakahawak ni Nicco ang Kamay ko

"Anu bang sinasabi mo?"

"Look matagal nang panahon yun, bakit kaelangan sya pa rin hanggang ngayon, lumayo ka nga ng dalawang taon para mapag-isa at para mahanap mo ang sarili mo pero parang  namang walang  nabago, hanggang ngayon hindi mo pa kinakalimutan" niyuko ko ang mukha ko tapos huminga ng malalim

"Hwag na lang natin syang pag-usap, ikaw na nga ang may sabi, matagal na panahon na yun" kinuha nya ang kamay ko at pinisil ang mga yun

"Bakit hindi mo sya harapin?"

"Para saan pa? Marami nang nagbago Nicco, Sa loob ng limang taon na yun, imposibling hindi sya magbago, lalo na't ako ang nangloko at nangiwan noon sa kanya!" mangiyak-ngiyak akong tumingin kay Nicco

"Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan!"

"Hindi ako tanggap ng pamilya nya, at lalong hindi nya ako matatanggap dahil sa ginawa kung panloloko sa kanya" yumakap ako kay Nicco at doon naglabas ng sama ng loob

"It's Ok, ilabas mo lahat yan, then magiging ok ka rin" 

SPECIAL CHAPTER 1 NXT..

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Where stories live. Discover now