Chapter 63 : White Lies

1.9K 42 2
                                    

Chapter 63

Cess's POV

Ayokong maghinala oh magduda sa mga nakikita at nararamdaman ko. Ayokong paniwalaan si Candice. Sobrang mahal ko si Enzo, masyado lang siguro akong nag-iisip ng kung anu-ano. Tuloy  para ba akong napapraning, hay lagi ko na lang itatatak sa kukute ko na mahal nya pa din ako at hindi yun nagbago. Kung anu man tong nararamdaman ko ngayon, hindi ko na lang papansinin para matahimik na ang utak ko.

Tinalikuran ko na ang lahat para sa kanya, sana naman pahalagahan nya yun kahit papano.

" Tigilan mo na kaya si Enzo tutal wala namang namamagitan sa inyo diba?" Candice Said

abala ako sa pagmamaneho kaya di ko sya magawang batukan

"Shut up Candice" sabay irap

"Umuwe na kasi tayo sa New York, wala dito ang career mo!"

"Diba sinabi ko naman na sayo na laos na ako, at wala na akong balak pumasok ulit sa modeling sa New York, i want a peacefull life!" napansin kung tumingin si Candice sa akin

"Spell PEACEFUL?" kinuha ko ang bottle water na nasa harap ko at binato ko sa kanya

"Pababain talaga kita sa gitna ng kalsada na to!" tibakpan ni Candice ang bibig nya

_____________________

Antipolo

"Dito pa rin pala nakatira si Evo?"

takang tanong ni Candice sa akin, sa totoo lang wala naman dapat  akong pakialam sa kanya pero sa tuwing maiisip kung sa iisang Subdivision lang sila nakatira ni Enzo di ko mapigilan at maiwasang magselos sa kanya. Lately kasi pansin kung nagiiwasan na sila ni Enzo, diba dapat maging masaya ako dahil yun naman talaga ang gusto ko...Ang tuloyan silang magaway at hwag magpansinan, pero bakit parang nasasaktan pa rin ako.

"Tinanong ko sya kung gusto nyang lumipat sa Subdivision na tinitirahan ko"

"Anung sagot nya?, Anu pumayag naman ba sya?"

"Ang sabi nya pagiisipan pa daw nya, may sentimental value daw kasi tong bahay na bigay ng Dad nya sa kanya" tinignan ako ni Candice na para bang nagtatanong

"Naniwala ka naman, Cess, imposibleng di mo maradaman diba, ayaw nyang umalis dito dahil kay Evo"

"Hindi totoo yang sinasabi mo, walang namagitan sa kanila kaya hwag kang magisip nang ganyan, nagpanggap lang sila, OK?"  naglakad ako palayo...at naramdaman kung sumunod sa akin si Candice

____________________

"Umuwi kana Candice kung sesermonan mo rin lang ako"

"I'm sorry, nadala lang ako, hindi na mauulit Cess!"

huminto ako sa may tapat ng pinto at kumatok...

Ilang sandali lang nagbukas ang pintuan.

"Good morning" sabay halik ko aa labi nya, at niyakap ko sya ng mahigpit, one week ko syang di nakita dahil pumunta ako sa New York to end my career...

"Kelan ka pa dumating?" tanong nya saka kami pumasok sa loob

"Kanina lang, na surprise kaba?"

tinungo nya ang kusina at sinundan ko sya, naiwan si Candice sa living room bitbit ang mga pasalubong ko kay Enzo.Di na ako nakapagbihis dahil dumirityo agad ako dito galing sa Airport...

_________________

" I heard the news" maiksi at walang buhay nyang sabi

"Wala na akong balak bumalik sa New York"

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon