Chapter 21 : Hala, Lagot

2.9K 56 1
                                    

Chapter 21

Lex's POV

Talagang walang kadaladala tong si Evo akalain mo ba naman nag-absent lang sya para samahan si Shon sa compitition nito, aba nahihibang na talaga sya ah. Kaya naman kumukulo tong dugo ko dahil hindi sya nakikinig sa amin.

" Nababaliw na talaga yung Evo na yun. Habol sya ng habol kay Shon akala mo kung may mapapala sya" nanggagalaiti kung sabi noon habang kumakain kami ni Seph, Ako, at Sol

" Hindi ka pa ba sanay doon..Dalawang taon nya ng ginagawa yan," Sagot ni Sol

" Ang ibig nyo bang sabihin may gusto si Evo kay Shon?!" Tumango si Sol at ganoon din ako."Diba may Girlfriend yun?!" Maang kaming tumingin noon kay Seph as in nagtaka kami

" Walang girlfriend yun anu kaba Seph!" Sabi ni Sol sabay irap kay Seph

" Matagal na naming kilala si Shon at dahil yun kay Evo, ni hindi nya nababanggit sa amin na may girlfriend sya,.ni walang napabalita na may niligawan yun eh kaya paano sya magkakagirlfriend?!"

" Hindi sa hindi ako naniniwala sa inyo ,pero ang  alam ko talaga meron eh, Hindi ko na halos matandaan, kasi dati pa yun" nagkatinginan kami ni Sol,.pati sya hindi din naniniwala kay Seph

" Sigurado kaba sa sinasabi mo?!" Tanong ko kay Seph

" Oo na hindi, Ah basta nakalimutan ko na eh" napansin ko ang kalitohan nya at halata ring naguguluhan sya.

" Kung meron man, Bakit kaelangan nyan itago diba? Basta naniniwala ako na wala syang girlfriend at kung meron man eh di mas ok para maman matigil.na sa kakapantasya yung Evo na yun kay Shon" Pinagpipilitang sabi ni Sol

_____________

Ilang sandali lang ay dumating na rin  si Enzo at halatang puyat.

"Kumusta naman ang dinner date nyo? kayo ah kung hindi dahil kay Shon hindi namin malalaman kung anung nangyari sa inyo kagabi ni Evo" Kininkilig na sabi ni Sol ng maupo sa tabi namin si Enzo

" Kaya pala kumalat agad sa buong campus. Alam nyo na pala, At kayo ang may pakana ng pagkalat no?" Inaantok na sagot ni Enzo ...namumula ang mata, Naantok at hikab ng hikab, diba puyat nga

" Anu kumusta ang pag-uusap nyo ng Papa ni Evo at maganda ba talaga yung Set-up? Share mo naman oh, Kwento no sa amin" nangungulit na sabi ni Seph noon kay Enzo

" Kita nyo to?!" may hawak syang isang maliit na bagay at tinaas nya yun,  USB pala  at saka nya winagayway habang nakataas habang kami nakatingin at parang tanga na nagaabang kung anung ibig sabihin nya

" Hindi kami bulag para hindi namin makita yang hawak mo no! Pasuspense pa kasi eh!" Nahihiwagaan kung tanong habang naghihintay pa rin ng sagot ni Enzo

" Nasa akin ang copy noong nangyari sa amin ni Evi kagabi.GUSTO NYO BANG PANOORIN?!" Hala paingit ba naman sa amin, para tuloy kaming batang iniingitan ng candy.

"Talaga may Copy ka? Dala ko yung laptop ko tara gusto naming panoorin oh.!" nauutal na sabi ni Sol kay Enzo habang pilit na inaagaw yung USB sa kanya.

" AYOKO NGA_!" Nakabusangot kaming tatlo at naasar sa sinabi nyang yun .

" Sige ipagkakalat namin na may nangyari na sa inyo ni Evo!" Tinakpan agad ni Enzo ang bibig ni Seph kaya halis lahat ng mata , Sa amin nakatingin.

" Papatayin ako ni Evo pag ginagaw mo yan. At baka hindi lang ako ang mamatay pati na rin kayo, ako lang dapat ang may copy nito at wala ng iba" Hinampas ko sya gamit ang bag ko

" Eh bakit sinabi-sabi mo pa na may copy ka kung di mo rin lang pala esheshare sa amin?!"

" Ang damot mo ah."Dugtong  ni Sol at Seph

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon