Chapter 33 : Rumors

2.4K 50 0
                                    

Chapter 33

(Parking Lot)

Lex's POV

Wala ako sa sarili dahil sa nalaman ko kay Candy .Halos hindi ako makapaniwala na magagawa nila ang bagay na yun.Hindi ba sila nag-iisip man lang , Anu ba naman Evo akala ko ba walang sukuan ng bandera bakit binigay mo agad kay Enzo, hay mababaliw ata ako sa kakaisip sa mga nangyayari, hindi ko malaman kung pagagalitan ko ba sya at susugurin oh magoobserba muna ako bago ko sila komprontahin, hay magkukunwari na lang akong walang alam, malay ko baka mag-open sa akin tong si Evo. Ganyan naman madalas na mangyari sa pelikula at sa tunay na buhay, pag may problema saka na sila mag-oopen up sayo kaya hihintayin ko na lang muna siguro yun bago magwala.

" Hi ?!" bungad noong lalaking nakatayo sa harap ng kotse ko, so binuksan ko ang bintana ng kotse ko, di ko sya pinansin kaya kinalabog nya ang harapan ng kotse ko

"Anu bang problema mo?!" tanong ko sa  sabay tingin ko sa kanya

"Anung problema ko? Niloloko mo ba ako Lex? At tyaka nakikita  mo ba yun pilang yun?" Sabay turo nya sa akin at na amaze ako dahil sobrang haba nya ng pila ng mga sasakyan papunta sa parking area

"Anu ba yun?!" bigla akong hinila ni Xander palabas ng kotse ko

hala kinaladkad ako bigla

"Are you out of your mind, Nakaharang ang kotse mo sa entrance ng parking lot na to" sigaw nya at doon ko lang napansi na nasa entrance nga ako ng parking area. At doon ko rin lang sya namukahan

" Xander?! teka lang ha, At pasensya na medyo hindi masama lang ang pakiramdam ko eh?!"

Pumasok agad ako sa loob ng kotse ko at kinabig ko ang manobela paatras ng sa ganoon makadaan ang mga sasakyan papasok sa parking lot.

"Anu bang nangyayari sayo Lex! "

Bumaba na ako sa sasakyan at hindi ko na pinansin si Xander, feeling ko mag-aaway lang talaga kami eh.

"Lex sandali lang"

Hindi ko na sya pinakinggan pa basta mabilis  na lang akong naglakad dahil nakatingin sa akin yung mga nakapilang sasakyan at mukhang galit pa sila sa akin

________________

(Foodcourt)

"Ang weird mo Lex!" sabi ni Sol na abalang kumakain ng pizza  foodcourt habang ako titig na titig sa kinaroroonan nila Evo at Enzo

" Himala atang hindi nakisabay sa atin si Evo at Enzo!" Tanong ko kay Sol noon

" Ewan ko nga dyan masyadong moody" Maiksing sagot ni Sol sabay abot pa nya noong pizza sa akin pero tinangihan ko sya dahil wala pa akong ganang kumain eh

" At ang takaw pa kamo, parang lagi pang gutom" tumingin ako kay Seph noon na halatang asar din kaya naman lalo tuloy akong naghinala kay Evo

"Natulog nga lang yan doon sa first subject  natin eh!" sabat naman ni Nicco na kauupo lang din sa mesa namin kakarating nya rin lang eh.

" Talaga tapos anu pa?" takang tumingin sa akin yung tatlo, kaya naman tumawa ako nang sa ganoon hindi nila ako mahalata "I mean anu pa yung mga kasunod hehehe!" Huuh pinagpawisan ako doon ah.

"Mukhang nakakapanibago sila, ang sabi nga ni Enzo sa akin kanina eh nag-enjoy daw sila ni Evo kahapon sa Enchanted" Napamaang kaming tatlo at nakapamaywang pa tong si Sol habang punong-puno ng pizza ang bibig nya

"Enchanted__pumunta sila ng hindi mang lang nila tayo inaya, grabe makasarili talaga sila, Paano nila naatim na hindi tayo yayain" galit at asar na sabi ni Sol kaya hayon magtalsikan yung pizza sa bibig nya

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon