Chapter 60 : Helpless and Hopeless Enzo

2K 49 0
                                    

Chapter 60

Enzo's POV

May mga oras na gusto ko syang makasama,Namiss ko na nga yung pagkain namin ng Ice cream eh, Pati si Mon-mon nangungulila sa kanya ngayon.Pwede palang mangyari ang ganito, Yung parehong mo silang gustong makasama...Yung kapag hindi mo makita yung isa sa kanila eh para ka nang masisiraan ng bait.Ewan ko ba, maski ako di ko rin maintindihan tong puso at isip ko.

"Enzo!" tinapik ako ni Seph mula sa likuran, nasa Training Center ako at inaayus ko ang mga gamit ko doon kakatapos lang ng klase namin eh

"Oh Seph, bakit hindi pumasok kanina?" maang kung tanong kay Seph, sabay napahikab pa sya ah

"Wala tinamad lang ako!"

"Teka lang ah, Puyat kaba? medyo napuna ko ngang puyat sya dahil sa laki ng mga eye bugs nya at panay pa ang hikab nya.

"Si Evo kasi di maawat hayon nagpakalasing kaya eto napuyat kaking lahat!" bigla kung tinigil ang pag-aayus ko noong mga gamit ko at hinarap ko si Seph

"Diba may sakit sya?"nag-aalala kung tanong

"Teka nga lang paano mo alam? Pinuntahan mo ba sya kahapon sa Clinic?" natamimi ako sa tanong na yun ni Seph..."Nag-usap kayo?!" I nodded " So ok na kayo ulit"

"Dumating si Arj kaya hindi kami nakapag-usap ng matagal!" pinatong ni Seph ang dalawang kamay nya sa balikat ko at niyogyog nya ako

"Anung nangyari? Inaway nya ba si Evo?" umiling-iling ako paano biglang bumikas ang pinto at dumating si Arj

"Mukhang seryoso atang pinag-uusapan nyong dalawa dyan?"

Binitawan agad ako ni Seph at naupo na lang na parang walang nangyari

"Hindi naman, Uhm kumain kana ba?" tanong ko noon kay Arj

"Tapos ako, Halika sasamahan na lang kita, masyado kang abala sa ginagawa ko kaya hindi kana nakakakain eh!" Hinawakan agad ni Arj ang kamay ko

"Gusto mong sumama Seph?" Tanong ko kay Seph.pero umiling sya

"Tataposin ko muna to, mauna na kayo?"

Hindi ki na sya pinilit dahil alam ko namang ayaw nya lang makasabay si Arj eh...ayoko sanang maging ganito kami ni Seph pero i have no choice...kaelangan kung samahan si Arj...

___________________

Cafeteria...

Hindi naman ako gutom sadyang gusto ko lang magkape, hindi na kasi ako nakapagkape kanina sa bahay eh.

"Baka magka-ulcer ka ulit sa ginagawa mo?" bahagya akong napalingon kay Arj

"It's chocolate kaya ok lang to!" natawa sya ng mahina, humanap kami ng upuan at pumila na ako sa cashier. Nagulat ako nang biglang may sumingit sa linya.

"One Black Coffee Please!" Pati yung kahera eh nagulat, mabuti na lang at walang pila dahil kung meron man siguradong makakarinig to ng masasakit na salita dahil sa pagsingit nya

"Miss Ito na po yung Black Coffee nyo" inabot noong sumingit na babae yung bayad nya sabay kuha noong inorder nyang Black Coffee doon sa cashier saka iniwan ang sukli

"Miss yung sukli mo po!" hindi na narinig noong babaing sumingit yung sibi noong kahera kaya kinuha ko yun at ako na mismo ang magbibigay sa kanya

______________

"You forgot your change--!" nagtama ang mga mata namin at.doon ko lang napansin na si Evo pala kaya kinuha nya sa kamay ko ang pera

"Ok na, nakuha ko na pwede ka nang umalis!" kapansin-pansin ang mamumugto ng mga mata nya at parang namumulta pa sya

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon