Chapter 17 : Bipolar Monster

3.2K 79 5
                                    

Chapter 17

Seph's POV

Nakauwe na ako galing Cebu dala ang magandang balita kay Enzo. Ang buong akala nya at hindi na nakapasok ang mga larawan na kuha nya doon sa Resort...Pero ang totoo nya sya ang bagong holder ng championship belt...joke hindi naman talaga belt eh...It was a cash na para sa charity nya..Antagal nyang pinagipunan and charity nya na yun para sa mga batang nangangarap maging isang tulad nya. 10 million cash at trophy...Matutuwa yun pag nalaman nya to, may Victory Party sa kanya ang Chairman ng CCB na si Mr. Yap,surprisa yun ah kaya naeexcite na talaga ako.

__________

Enzo's POV

Dapat ba akong manghinayang sa iniwan ko sa Cebu...Binaliwa ko ba ang charity na balak kung bigyan ng bagong pag-asa sa buhay? Marami pa namang Photo Exhibit na mangyayari, babawe na lang siguro ulit ako. Kasama ko ang Bipolar na si Evo ngayon...Ewan ko ba ang sungit nya ngayon..Samantalang noong isang gabi eh akala mo kung pusang sobrang amo at may paiyak-iyak pa sya ah.

" Gusto mo bang kumain?!" tanong ko sa kanya habang minamasahe nya ang ulo nya dahil masakit pa ..

"Masakit pa ba ulo mo?!" tanong ko ulit pero hindi naman sya sumasagot. " Bili kita ICe Cream! Gusto mo?" hala lumingon agad-agad..tapos nag-pacute pa sya sa akin...

" Tara kain tayo ICe Cream oh!" tumayo sya agad at kinuha ang gamit sa lapag...Bipolar talaga...

" Anu kaya kung sa cafeteria na lang?!" humaba agad ang nguso nya tapos pinandilatan pa nya ako ah

" Kape? Ok ka lang?!Ang init ng panahon oh...Heatstroke abutin mo nyan...Tara na sa Ice Cream Center...Balita ko mas masarap daw doon eh"

" Wala naman hindi masarap sayo pag Ice Cream na ang pinag-uusapan" kinaladkad nya ako...

Nasanay na kami sa kapaligiran namin...Emmune kung baga.

______

" Enzo!" I just turn my back at nakita kung tumatakbo palapit sa akin si Seph at hinihingal.

" Teka? , Kelan kapa dumating?" tanong ko kay Seph

" Bro may problema tayo" napatingin ako kay Evo noon..Parang nagtatanong din kung anu yun

" Anu bang nangyari?" mahinahon at seryosong tanong noon ni Evo kay Seph

"Tara sumama na lang kayo sa akin" Hinila kami pareho ni Seph kaya wala na kaming nagawa ni Evo.

__________

"AVR"

Dito kami dinala ni Seph..Bakit kaya...?!

"Sandali lang maghintay lang muna kayo dyan sa labas..." I nooded...At binaling ko ang atensyon ko sa nakangusong si Evo...nagmomokmok sa isang tabi

" Alam mo pwede ko nang isabit tong bag ko dyan sa nguso mo sa sobrang haba nyan" pinisil ko ang pisngi nya ba agad naman nyang kinainis sa akin

" Tumigil ka nga..Hindi ka nakakatawa!" inakbayan ko sya...sobrang sungit nya ngayon eh...Para lalo syang mainis

" Bakit ba ang sungit mo, siguro __ah alam ko na, may anu ka ngayon no?!" inirapan nya ako at siniko.Kaya naman natawa ako sa reaksyon ng mukha nya sa tanong ko...

" Ang manyak mo talaga kahit kelan kaya itong sayo" Inapakan nya ang paa ko...kaya naman namilipit ako sa sakit...grabe parang nadaan ako ng gulong ng mason sa sobrang sakit. Anung paa ang meron tong monster na to!

" Anung paa yan?...Halos baliin mo ang buto sa paa ko sa ginawa mo...At syaka Miss hindi po ako manyak..Napaka anu mo no...Hay kakaiba ka talaga sa lahat..."umupo ako sa sobrang sakit...

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon