My Monster Girl is a Gangster

23.2K 315 7
                                    

Ang kwentng ito ay pawang kathang-isip lamang, hindi pinapahintulutan ang sinuman na kopyahin oh ankinin eto. ^_^

Eto po ang unang kwentong ginawa ko. Kaya po mapapasinin nyo po ang mga pagkakamali ko po hindi lang spelling kundi pati na ring po grammar at marami pa po. Hinihinge ko po ang inyong pangunawa at pagintindi. No bodies perfect po. At wala po akong sapat na oras para mag-edit. Sobrang haba po kasi.

To all Reaaders and Followers maraming, maraming , maraming salamat sa pagsuporta at pagtangkilik sa MMGIAG.

_____________

Evo's POV

Pauwe na ako sa bahay ng harangin ako ng apat nakalalakihan.

Bumaba ako para harapin sila. But i was suprised ng bigla akong suntukin noong guy na nasa mismong harapan ko.

Napansin kung may dugo ang labi ko sa ginawa nya.

"Tae ka ah, bakit mo ko sinuntok?" saka ako dumura sa gilid.

"Ang yabang mo ah!" akmang susuntukin nya ulit ako ng bigla syang pigilan noong mga kasama nya

"Pare, relax ka lang muna, masyado kang mainit eh!" mahinahong sabi noong lalaking may hawak na kahoy sa kaliwang kamay.

Describe ko lang sila ah, para malaman nyo kung anung klasing mga tao tong nangharang sa akin.

Apat sila, medyo pamilyar yung isa na umawat, pero yung tatlo parang ngayon ko lang din nakita, may kanya-kanya silang dala. Yung isang singkit may dalang malaking bato, yung mataba naman may dalang mahabang tobo, yung sumuntok naman sa akin may dalang bote,.at yung umawat may dala-dalang kahoy.

"Tsk,.uhm anu bang kaelangan nyo sa akin?" Tanong ko, parang nainip ako bigla, kaya umupo muna ako sa gilid noong kalsada

"Ibang klase ka rin no!" napatingin ako doon sa matabang lalake

"Ang bilis mo namang makalimot!"sabat noong sumuntok sa akin

"Birthday mo ba? Sorry ah kung nakalimutan ko, Happy Birthday na oh!" litanya ko doon sa sumuntok sa akin.

"Aba G---ago ka pala eh" hinila nya ang suot kung jacket so napatayo ako bigla.

"Tumigil ka na nga Mike!" bigla nyang inalis yung kamay noong Mike na yun sa jacket ko at pinagpagan pa nga nya ako yun eh, kaya nginisian ko sya ng nakakaloko

"Tsk, Anu ba talagang kaelangan nyo sa akin?" seryoso kung tanong doon sa lalaking umawat doon sa kasamahan nya

"Naalala mo yung binugbog mo noong nakaraang gabi sa mismong lugar na to?" seryosong tanong nya sa akin, biglang nagbago ang awra nya ng mga oras na to, kitang-kita kung ang sama ng tingin nya sa akin.Well naalala ko pa nga yung binugbog ko dito,Tsk, hindi ko kasalangan yun.

"Hindi ko akalaing matandain ka pala, kung di ako nagkakamali ikaw yung sakay noong gabing yun diba?!" (chuckled)

"Mabuti naman at naalala mo pa!" Nakakonoot noo nyang litanya

"Oh anung pakialam ko doon huh?" sarkastiko kung tanong

"Bakit ba ang yabang mo? Eh babae ka lang, kayang-kaya ka naming apat dito!" sabat noong Mike sa usapan namin noong lalaking di ko kilala na umawat doon sa kasamahan nya

"Eh anu naman kung mayabang ako, kung babae ako at wala akong pakialam kung apat man kayo, kung gusto mo eh magtawag kapa ng kasama mo eh!" pangiinsulto ko sa kanya at lakas loob kung paghahamon sa kaila

"Mukhang tama nga sila, Monster ka nga talaga" sabat noong mataba

"Oh san mo naman nabalitaan yan? Ganoon pa ako kasikat ngayon?" taas kilay kung tanong

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon