Final Chapter Part 1 : In Danger

2K 38 0
                                    

Final Chapter

Evo's POV

"Pagod na ako!" sabi ko noon kay Cess habang akay-akay nya ako

"Malapit na tayo sa exit ng Condominium na to, tiisin mo na lang!" hinawakan ko ang kamay nya na nakapagpahinto sa aming dalawa

"Mauna kana, iwanan mo na lang ako!" bumitaw ako at naupu sa tabi

"Nababaliw kana ba Monster Girl, papatayin ka nya pag nakita nya dito!" ngumiti ako at tinitigan ko sya

"Sige na umalis kana," tinulak ko sya nang akma nyang hawakan ang kamay ko

"Ayokong umalis na hindi ka kasama, Oo galit nga ako sayo dahil ikaw ang mahal ni Enzo at Hindi ako, pero pwede ba kalimutan muna natin yun, hindi ko naman matitiis na iwan ka dito ng basta-basta, may konsensya din naman ako ah" tumayo ako at hinawakan ko ang pisngi nya

"Makinig ka, kung isa sa atin ang aalis at hihingi ng tulong sa pulis, mabubuhay tayong dalawa, pero kapag nagpumilit ka sa gusto mo, pareho tayong mamatay, naiintindihan mo?"

niyakap ako ni Cess ng mahigpit

"Babalik ako, magtago ka kapag alam mong may parating ah, babalikan talaga kita" i nooded then tinulak ko na sya

"Umalis kana please" tumakbo agad sya palayo tapos nagtago ako

_________________

Hindi ko pa rin maigalaw ang kanang braso ko dahil sa ginawang pagpokpok ni Emil sa akin kanina, sobrang nanghina ako kaya ako nakatulog ng matagal, pero sa ngayon parang kaya ko na ring maglakad.

Akmang tatayo na sana ako ng may biglang humampas sa akin ng kahoy sa braso.

"Pinahirapan mo pa kami!" kinaladkad ako ni Emil sa kalsada

"Bitawan mo nga ako!" nagpumiglas ako pero talagang malakas si Emil at mahina na ako.

"Akala mo ba matatakasan mo ako, pwes nagkakamali ka!"

isang malakas na sampal ang pinakawalan ko na sa pinsngi na  lalong nagpainit ng ulo nya

"Ginagalit mo ko talaga no?" sinampal nya rin ako, at sabay sinabunutan

"Itong tatandaan mo, hindi mo ako kaya kahit anung gawin mo dahil babae ka lang"

"Hwag mo kung mamaliitin dahil hindi mo alam kung anung kaya kung gawin sayo Emil!" binitawan nya ako at pinagtawanan

"Mahina kana, kaya kung ako sayo magmamakaawa na lang ako at luluhod na tigilan na ang pagpapahirap sa akin!" tumingin ako doon sa isang kasama nya, wala naman silang mga dalang baril oh ni kahit anung armas, kaya lang masyado silang marami at siguradong ikapapahamak ko kung kakalabanin ko silang lahat.

"Boss, tataposin na ba namin sya?" namulta ako sa tanoong noong isang tauhan nya

"Hwag muna, hanapin nyo yung kasama nya si Cess at dalhin nyo sa akin, bilis na!" umalis agad yung limang tauhan nya at dalawa na lang ang natira pangatlo sya.

______________

Tinakpan nya ako ng jacket para di ako makita noong guard, hindi ko naman magawang sumigaw oh tumawag ng tulong dahil sa may nakatutuk na patalim sa tagiliran ko

"Isang sigaw mo lang mamatay kana!" napilitan akong manahimik para na rin sa kaligtasan ko

"Hayop ka talaga kahit kelan Emil" bumulong sya sa tenga ko

"Ilang oras na lang at mamamatay kana!"

"Siguraduhin mo lang!" isang lalaki ang nakatingin sa amin, sa palagay napansin nyang may banta sa akin

My Monster Girl is a Gangster (PART 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon