Chapter XXVII

Magsimula sa umpisa
                                    

Bawat salitang binibitawan ni Elyas ay punong-puno ng galit at pagkamuhi. Hindi niya matanggap na natalo siya ni Brien Latter gamit lamang ang isang atake noong naglaban sila. Dahil sa kaniyang pagkatalo at kahihiyan, ang ibang miyembro ng Burning Seven ay nabawasan na ang paghanga at respetong ibinibigay sa kaniya. Kahit na hindi ito harapang ipinapakita at ipinaparamdam sa kaniya ng kaniyang mga kapwa miyembro, alam niyang para sa kanila, hindi na siya ang kanilang iniidolo.

Nang marinig ito ni Brien Latter, hindi niya mapigilang matawa ng malakas. Hinahamak at minamaliit niya si Elyas dahil sa mga salitang binitawan niyo. Mapanghamak siyang tumingin sa binata at nakangising nagwika, "Kung iniisip mong isa kang talentadong adventurer, para sa akin ay isa ka lamang basura. Isa ka lamang ordinaryong adventurer sa kahariang ito at hindi ka karapatdapat na tawaging talentado. Dahil naaawa ako sa'yo, bibigyan kita ng pagkakataon."

"Umalis ka sa harapan ko at iisipin ko na lang na hindi ka kailanman lumitaw sa daan ko." Mayabang at mapagmalaki niyang pagpapatuloy.

Namula naman sa sobrang galit si Elyas, "Anong karapatan mong maliitin ako?!"

Dahil sa sobrang galit, napalibutan ang kaniyang buong katawan ng sobrang init na apoy. Nagbato siya ng hindi mabilang na nag-aapoy na suntok patungo kay Brien Latter ngunit madali lang itong naiilagan ng binata.

Napuno ang buong paligid ng apoy at ang lupa ay mayroong bakas ng mga kamao. Malakas ang mga atake ni Elyas ngunit wala na siyang kontrol sa kaniyang sarili. Masyado siyang nagpalamon sa kaniyang emosyon kaya naman wala siyang ginawa kung hindi ang magbitaw nang malalakas na atake. Kahit na hindi siya ang pinakamalakas na batang adventurer sa buong kaharian, para sa kaniya walang sinuman ang may karapatang maliitin siya ng ganito.

Dahil nakatuon lang ang kaniyang atensyon sa pag-atake, hindi niya inaasahang pasugod na pala si Brien Latter sa kaniya. Napansin niya ang ngiti ng binata at ang kamao nito na papalapit kaya naman agad niyang iniharang ang kaniyang dalawang braso.

Creak!

Ilang mahihinang tunog ng nababali at nagkakadurog-durog na buto ang narinig ni Brien ng tumama ang kaniyang malakas na suntok sa braso ni Elyas.

Napahiyaw at napangiwi sa sakit si Elyas dahil sa atake ni Brien kaya naman hindi niya inaasahang mulis siyang marahas na aatakihin ng binata.

Dinakma ni Brien ang braso ni Elyas at bumwelo. Malakas niyang ibinato ang binata nang patungo sa malaking puno.

Tumama ang katawan ni Elyas sa malaking puno. Muli siyang napaungol ng dahil sa pagtama ng kaniyang likod sa puno. Hirap na hirap siyang tumayo habang ang kaniyang dalawang kamay ay namamanhid sa sobrang sakit. Hindi niya na maigalaw ang kaniyang kamay dahil sa pagkakapinsala ng kaniyang buto kaya naman hindi na niya makukuha ang kaniyang armas mula sa kaniyang interspatial ring.

Unti-unti namang lumapit ang nakangising si Brien kay Elyas at may panghahamak na pinagmasdan ang kalunos-lunos na kalagayan ng binatilyo.

Dadakmain niya na sana ang leeg ni Elyas ngunit bago pa man dumampi ang kaniyang kamay sa leeg ni Elyas, dalawang malakas na suntok ang tumama sa kaniyang tagiliran na naging dahilan ng pagtilapon ng kaniyang katawan sa malayo.

"Hindi lang isa ang kalaban mo rito , Brien Latter." Mayabang na giit ng isang binatilyong nakasuot ng kayumangging roba.

Ang mukha nito ay mayroong malalaking peklat na halos takluban na ang buong mukha nito. Masama rin ang hitsura nito habang nakatingin sa nakahigang binatilyo sa lupa. Mapapansin ding sa tabi ng binatilyong ito ay isang kalansay na manika na naglalabas ng masangsang na amoy. Ang binatang ito ay si Odin ng Soul Puppet Sect, kahit na pareho silang nasa 6th Level Scarlet Gold Rank, mas malakas siya ng kaunti kay Elyas.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon