Chapter 16: Bakit ang Sakit?

188 7 0
                                    

EJ's POV

Nandito ako ngayon sa pinag-usapan namin ngayon ni Austin. Maaga akong dumating sa nasabing usapan. Naghanap ako ng mauupuan. May lumapit sa aking waiter.

"Good afternoon po ma'am. Ano po order niyo?" nakangiti nitong tanong.

"Ah mamaya na lang. May kasama kasi ako"

"Sige po ma'am" at umalis na ito.

Naghintay pa rin ako hanggang umabot na sa nasabing oras ng aming pagkikita. Lumapit ulit sa akin ang waiter. Umorder muna ako ng kape. Nakakahiya na kasi isang oras na ako naghihintay dito.

Ang tanging naiisip ko na lang sa oras na iyon ay, "Huwag mo na akong biguin Austin".

Naghintay pa rin ako hanggang ika-pito ng gabi. Natapos ko ng basahin mga libro na available sa coffee shop pero wala pa rin akong nakikitang anino ni Austin.

Sa sobrang tagal ng aking paghihintay, maraming dahilan ang pumapasok sa aking isip para magtagal pa ako doon. Naiisip ko, "Siguro may sorpresa siya sa akin kaya natagalan siya". Alam kong malabo pero hoping dahil nangako siya.

Pagpatak ng alas otso, patuloy pa rin akong naghihintay. Umorder ulit ako ng kape at tinapay dahil gutom na gutom na ako. Lagi akong tumitingin sa pintuan para makita ko agad siya. Nakikita ko lamang ay ang mga bulto ng hindi pamilyar na tao.

Marami ulit na dahilan kung bakit siya late sa usapan. Sa sobrang dami, pinipilit ko na lang sarili ko na maghihintay pa ako at baka wala ako kapag dumating siya.

"Pagpatak ng 10pm, ito na ang huling pagpapakatanga ko sa yo Austin" mahina kong sambit sa aking sarili.

Pinuntahan ako ng waiter ng coffee shop at sinabihan akong magsasara na sila. Lumabas na ako ng coffee shop at doon na lang naghintay. Nararamdaman ko na ang presensya ng hangin na bumabalot sa aking katawan.

Alas nueve y' media na ngunit wala pa rin siya. Naiiyak na ako. "Austin naman, sana huwag mo naman ako biguin ngayon" ito na lang tanging pumapasok sa isip ko ngayon.

9:45 na pero wala parin akong maramdamang presensya ni Austin. Nilalamig na ako dito pero tinitiis ko. Dahil alam ko, magiging worth it ang lahat kapag pumunta siya dito.

Pumunta na ang malaking kamay sa labing isa. Limang minuto na lang.

"Austin, nasaan ka na ba? Kanina pa ako nandito"

9:59pm

"Nasaan ka na ba? Ayokong masayang lahat ng pambabalewala ng payo sa akin ni Ela. Sana naman siputin mo ko"

Trenta segundo na lang nalalabi:

"Pwede bang mahinto ang oras? Parang ayaw ko pa magising sa realidad ng buhay? "

15 segundo:

"Na hindi na ako ang dahilan ng pagngiti mo. Hindi na ako ang magpapaligaya sayo kapag malungkot ka. At hindi na kailanman na magiging akin"

Limang segundo:

"Nakikiusap ako"

Pumatak na ang aking orasan sa ika-sampu at wala pa rin akong nakikitang Austin. Ang aking luha ay nagpupumilit kumawala pero pinigilan ko. Hindi dito. Pinal ko nang iiwanan dito ang aking pinanghahawakan- natitirang pag-asa para sa aming dalawa.

----

Nakauwi na ako sa bahay. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Pumasok na ako sa aking kwarto. Nakahiga, nakatingin sa kisame at natulala lang aking nakagawa sa aking silid. Hindi ko pa rin akalain sa pangalawang pagkakataon, nabigo na naman ako.

Nabigo ako dahil sinunod ko na naman ang puso ko. Bakit ang tanga tanga ko? Bakit ba ako nagpauto sa kanya? Bakit ko pa siya nakilala?

Hanggang sa naging bottomline ng aking bakit ay

"Bakit mahal ko parin siya kahit ang sakit sakit na?"

Dahil sa aking naiisip nung araw na iyon, kumawala na ang luha na puno ng pighati at sakit.

Biglang nag-vibrate yung phone ko. May isang mensahe para sa akin. Si LJ.

"Kumusta na EJ? Tagal na natin hindi nagkakausap"
Kinuha ko ang aking phone at nagtipa:

"Bakit kapag nagmahal tayo ay may kaakibat na sakit?

---*
Sorry fam. Em so busy talaga huhuhuhu. Hindi ko masingit dahil busy bilang isang mag-aaral. Salamat sa pag-unawa. 🤗

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon