Chapter 3: Venus Hidalgo

530 7 0
                                    

"Bilisan mo na girl. Nagugutom na ako" sabi ko sa aking beshy. Nakalimutan ko pala ipakilala.

Siya ay si Noella Santiago. Ella for short. Since Grade 7 kami magkaibigan nito.

"Wait lang inaayos ko yung bag ko bruha. Tom Jones na rin ako" aniya habang inaayos niya ang kanyang bag.

"Baka naghihintay na sa'tin si Austin. Bilisan mo girl!" pagmamadali kong sabi.

"Haynako! Kaya ka pala nagmamadali. Ewan ko ba sayo kung bakit mo pinatulan si Austin" iritang sabi niya.

You read it right. Tutol po si beshy sa relasyon namin ni Austin. Pinapakitaan naman siya ng kabaitan pero deadma lang ang mudrakels mo.

"Babaero yang kumag na yan. Haynako! Kung hindi lang kita beshy, sinipa ko yang hunghang na yan" gigil na sabi niya.

Ayaw niya sa kanya dahil babaero daw. Sinabi ko naman kay Austin pero nangako siya na ako raw ang mahal niya. Lakas makaganda!

Hindi na ako nasasaktan kapag pinagsasalitaan niya ng ganon ang boyfriend ko. Nagkausap na rin kami kaya happy happy na.

"Ikaw talaga. Tara na" at sabay na kaming pumuntang canteen.
---

Nandito na kami sa canteen. Hinahanap ko kung nasaan yung boyfriend ko. Hindi ko siya mahanap dahil ang dagsaan yung mga estudyanteng bumibili ng pagkain.

"Tignan mo besh. May kausap yung LOYAL mong boyfriend" sabi saken ni Ella. Napatingin naman ako sa sinabi niya.

May babaeng nakaupo sa tapat ng boyfriend ko. Nagtatawanan sila at hindi lang 'yon, hinahampas ng babae ang boyfriend ko.

Hindi naman ako nagseselos dahil secured akong mahal ako ng boyfriend ko. Pinagkibit-balikat ko na lang.

"Hubby" tawag ko sa aking boyfriend. Napatingin sila sa akin. Nawala yung ngiti ng babae.

"Wifey, come here" nakangiting pagpapalapit niya sa'min. Lumapit kaming dalawa sa kinauupuan ng boyfriend ko.

Napatingin ako sa babae. Napa-angat yung kilay niya. Hala?! Anong meron?

"I would like to meet you my classmate Venus. Venus this is my wifey, EJ and her friend Ella" pagpapakilala sa'min sa kaklase niya.

Nag-hello ako sa babae pero tanging tango lang yung reply niya sa'kin.

"Austin, I need to go. Gagawin ko pa yung thesis natin" pagpapaalam ni Venus.

"Sure! Kain lang ako. Pakisabi kay Tofer na susunod ako" bilin ni Austin at umalis na yung babae.

"Wait lang. Order lang ako para makakain na tayo" tumayo na si Austin at umorder na ng pagkain.

"Alam mo besh, I hate that girl" sabi ni Ella

"Huh? Bakit naman? Nagkakilala na ba kayo before?" takang tanong niya dito. Bakit naman siya magagalit kay Venus?

"Feeling ko may gusto yun Austin. She's trying to get Austin away from you. Mag-ingat ka doon sa babaeng yun" babala niya sa akin.

"Hindi naman ata gagawin niya yun. Classmate lang turing doon ni Austin. Atsaka, tiwala ako kay Austin na hindi niya papatulan yung babae. Ako kaya mahal niya" paninigurado ko kay Ella. May tiwala ako sa hubby ko.

"Ah basta, ingatan mo pa rin yung boyfriend mo sa babaeng yun. Tandaan mo, maraming ng ahas ang naglipana sa mundo. Hindi mo namamalayan na kaharap mo na pala" makahulugang sabi niya.

"Haynako! Ewan ko sayo. May tiwala ako sa boyfriend ko. Atsaka, baka gutom lang iyang pinag-iisip mo besh. Hintayin na lang natin si Austin"

Nakita namin na papalapit na dito si Austin.

"Eto na yung pagkain. Teka, bakit parang ang seryoso mo naman Ella?" tanong niya.

"Nagugutom lang hubby. Tara kain na tayo" tugon ko at kumain na kaming tatlo.
---
"O sige besh, aalis na kami. Hindi ka ba talaga sasabay?" pagpapaalam ko sa beshy ko.

"Oo nga Ella sabay ka na sa'min" segunda ng aking boyfriend.

"No thanks na lang guys. Parating na yung sundo ko kaya don't you worry" paninigurado niya.

"Okay beshy. Ingat ka" sabi ko sabay beso sa kanya. Habang umaandar yung sasakyan, nagwave ako kay Ella. Ganun din naman siya pabalik.

Nang mawala na siya sa aking paningin, tinigil ko na ang aking ginawa.

"How's the school wifey?" tanong sa'kin ng aking boyfriend.

"Okay lang as usual. Masyadong maraming gagawin pero keri" tugon ko sa kanya.

Hinalikan niya ako sa noo. Napapikit ako. Kahit lagi niyang ginagawa sakin ito, hindi pa rin nakakasawa. Ang sarap pa rin sa feeling.
---
"Tara pasok ka muna" anyaya ko sa kanya.

"Next time na lang wifey. T-in-ext ako kasi ni Venus na kailangan na nila ako. Gagawin pa namin yung thesis namin sa kanila" paumanhing sabi niya

"Sige po. Text mo ko kung nandoon ka na. I love you" paalala ko sa kanya.

"Opo. Love you din" sabi niya at umalis na rin siya lulan ng kanilang sasakyan.

Hinintay ko pang mawala sa'king paningin yung sasakayan bago ako pumasok ng bahay.

Naalala ko pa rin yung sinasabi ni Ella. Haynako EJ! Gutom lang yan. Ipinagkibit balikat ko na lang at kumain na lang upang mawala yung sinabi niya.

--😘

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon