Chapter 6: Bittersweet

348 4 3
                                    

EJ's POV

Paalis na ako ng condo ni Austin habang umiiyak. Hindi ko matanggap na magagawa niya sa'kin 'to. Akala ko ako lang. Akala ko..

"Babe, let me explain" sabi ni Austin sabay hatak ng kamay ko.

"Bitawan mo na ako please. Bitawan mo ko sabi!" pakiusap ko sa kanya sabay hatak ng kamay ko sa kanya.

Hindi ko maalis 'yong kamay ko dahil ang higpit ng hawak niya sa'kin.

"Babe, let me explain. Please" mahinahon niyang sabi.

"Explain! Ie-explain mo kung paano ka nakapatong sa kanya?! Kung paano mo naatim na maki-apid sa iba habang may karelasyon ka huh?! Austin naman, huwag mo na akong gawing tanga! Nakita na ng dalawang mata ko. Alam ko na lahat. Ano ba?! Bitawan mo na ako" pasigaw na sabi ko sa kanya habang hinahatak 'yong kamay ko sa kanya. Habang hinahatak ko, umiiyak ako. Hindi ko kasi alam kung bakit niya ginawa sa'kin ito.

"Bakit ginawa mo sa'kin ito?! Hindi naman ako nagkulang ah. Binigay ko naman sayo lahat?" sabi ko habang pinagsasapak ko siya sa dibdb.

Pilit niyang hinahawakan 'yong kamay ko. Alam ko masakit na 'yong pinaggagawa ko sa kanya pero hindi ba mas masakit 'yong nararamdaman ko ngayon?

Nang kumalma na ako ng kaunti, doon na siya nagsimula magpaliwanag.

"Aaminin ko. Oo! Ginawa ko 'yon kay Venus. Napaka-boring na kasi ng relasyon natin! Hindi ko na kaya. Iyon at iyon na lang nangyayari. Paulit-ulit na lang na parang sirang plaka 'yong nangyayari sa atin. " pagdadahilan niya. Dahil sa dahilan niya, napatingin ako sa kaniya ng masama.

"Huh?! Boring ako?! Austin naman! Boring ba sayo 'yong ginagawa ko?! Ginawa ko naman lahat ah para hindi maging boring 'yong relasyon natin. Lagi akong may surpresa sayo. Lagi akong naghahanda kung ano kakainin natin kapag monthsary at anniversary natin. Ako 'yong laging nagse-set ng date natin tapos ako pa gumagawa ng sweet moments natin.Austin naman! Kahit minsan hindi ako nasusuklian, hindi ako nagrereklamo tapos sasabihin mo kong boring?! May puso ka pa ba?" pagtatatanong ko. Ang sakit lang sa pakiramdam na ginawa mo naman ang lahat para mas tumatag kayo pero ito lang ang igaganti sayo?

"Sorry. Siguro na fall out in love sayo EJ. Hindi na kita mahal. Si Venus na mahal ko" sabi niya. Dahil sa mga narinig ko, para akong nabingi. Huminto ang lahat na parang kami lang dahil sa mga salitang 'Hindi na kita mahal'

Dahil sa mga nasabi niya, hindi ko maiwasang ipagtatapon sa kanya 'yong mga ginawa kong surpresa ko sa kanya.

"Hayop ka! Hayop ka! May puso ka pa ba?! Huh?! Austin naman, sinayang mo 'yong relasyon natin na umabot ng dalawang taon. Anong akala mo sa relasyon natin pagkain? May expiration date?! Ano bang nakita mo sa kanya at nagawa mo akong ipagpalit sa kanya?!" galit na tanong ko sa kanya. Parang sasabog 'yong puso ko sa galit.

"Mas siya kung ikukumpara siya sayo. Mas maganda siya. Mas matalino. Mas sexy. Mas mabait. Kung ikukumpara ka sa kanya walang wala ka! At higit sa lahat pinagbibigyan niya ko ng s*x" sabi niya sabay sampal sa kanya. Hindi ko matanggap na lahat ng nasa iyo binigay mo pero may mas hihigit pa.

"Hayop ka talaga! Hayop ka talaga! Mas masahol ka pa sa hayop p*t*ng*n*m*ka!" habang pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya.

"Dahil sa s*x ipinagpalit mo ko?! Kung hanap mo lang ay init ng katawan, dapat shinota mo 'yong cooler g*g* ka! Hayop ka talaga?!" patuloy kong sabi. Marami ng tao ang nagtitinginan pero wala akong paki sa kanila. Ang gusto ko lang ay maiparamdam ko 'yong galit sa kaniya.

"Alam ko pero anong magagawa ko? Salamat EJ sa lahat pero si Venus na 'yong mahal ko. I'm breaking up with you" sabi ni Austin sabay pakawalan ng mga kamay ko at lumakad na papaalis sa harap ko.

Napaluhod ako at napaiyak sa nangyari. Ano ba ang ginawa kong mali? Imbes na magiging masaya itong araw na ito, tila ito ay naging bangungot sa'kin. Simula sa araw na ito, wala ng Austin sa buhay kong ito.

To be continued...

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon