Chapter 11: Battle Between Heart and Mind

311 6 0
                                    

EJ's POV

"Sir, just like what I said earlier, siya ang nagsimula kanina kahit tanungin niyo pa po yung mga tao kanina sa canteen that time" ilang beses ko ng sabi kay sir Leuts.

Bwisit kasing babaeng ito. Ginigiit niya talagang I'm the one who started the fight kanina pa. Ang bait bait ko kaya.

Nyemas! Napapa-conyo ako sa babaeng ito

Nandito kami ngayon sa office ni Sir Leuts. Tinatanong kami about the commotion na nangyari kanina sa canteen. Daming interogations ni sir at gusto niyang step by step ang pagkukwento kaloka. Talagang dinidibdib ni sir ang pagiging OC niya.

Pero on the other hand, infairness sa office ni sir napaka-cozy at maganda ang ambience.

Kasama rin pala namin sa silid sila Austin at Ela. Katabi ko si Ela at magkatabi naman ang magjowang Gemma. Gemmanloloko at Gemanggagamit che! Magka-holding hands pa akala mo nasa park.

Buti sumama siya para naman mai-defend niya ako sa mga allegations ng malanding jowa niya.

Konsensya: Hindi ka niya girlfriend. Sino ka sa buhay niya?

Napalakas mang-realt talk nito ng konsensya ko pero sabagay tama naman siya. Who I am to his life? Isa na lamang akong ex gf niya.

Let me rephrase that, his rebound ex girlfriend.

Kapag naiisip ko yan, sumasakit ang puso ko pero kiber muna. May kailangan pa akong tapusin bago ako umiyak.

"Ikaw ang nagsimula. Matapos mo akong sabihan ng malandi, pokpok at iba't ibang masasakit na salita, sa tingin mo ba hindi ako gaganti?" paawang sabi ni Venus. Argh! Nakakaasar. Sarap sapakin yung mukha. Pigilan niyo ko!

"FYI, ikaw ang nagsimulang magsabi ng manang at boring ako. Sinabi ko lang naman yung totoo. Truth hurts?" sabi ko sa kanya. Ngumiti ako ng nakakaloko don sa huling part. Lakas kong maka-Ivy Aguas.

"How dare you?!" nanggagalaiti niyang sabi pero inismiran ko lang siya. Masyado akong maganda para sa kanya no.

"101 percent. Tigilan mo ko sa kaartehan mo. Hindi bagay sayo" sagot ko sa kanya.

"Talagang gusto mo ng away?" hamon niya sa akin. Akala naman niya hindi ko siya papatulan. Pilit akong pinapakalma ni Ela pero namimihasa na ang babaeng ito.

"Go ahead! Para matapos na itong at mapakuluan na kita sa mainit na tubig" sabi ko sa kanya sabay bigay ng matatalim nga tingin sa kanya. Siyempre magpapadaig ba ang ahas? Siyempre hindi. Binigyan niya rin ako ng matatalim na tingin.

Akma na kaming makikipagbuno sa isa't isa ngunit biglang nagsalita si Leuts.

"Stop that childish acts to the both of you! Mygad! You are old enough yet, you act such like a baby. I'm so disappointed" sabi sa amin ni Dean. Napayuko na lang ako ng ulo.

"Dahil sa mga ginawa niyo kanina, ipapatawag ko yung mga magulang niyo para malaman nila kung ano ginagawa niyo dito sa paaralan na ito" dagdag pa niya.

Nagulat ako sa sinabi niya. Mygad! Hindi pwede ito. First time ko pa lang mapapatawag sa tanang buhay ko bilang estudyante.

"Sir, huwag naman po ganon. Baka pwedeng madaan sa pakiusapan. Please" pakikiusap kong sabi sa kanya.

Lagot ako nito sa magulang ko at baka sabihin nilang pakawala na akong anak mygad!

Si kuya, kapag nalaman niya ito tiyak na lintik lang ang walang ganti. Iniisip ko baka mapahamak yung magsyotang Gemma lalo na si Austin.

Pero on the other hand, pabor sakin yun. Matapos nila akong lokohin at pagtaksilan, hindi sapat ang pisikal na pananakit. Sabi nga sa Hammurabi code, "an eye for an eye, a tooth for a tooth". Kung ano yung ipinaranas nilang sakit sayo, dapat yun din ang katumbas pero mas malala dapat no.

Subalit, may pinagsamahan kami ng tao. Hindi ko pa rin mapagkakaila na meron pa rin. Meron pa rin siyang puwang sa puso, na mahal ko pa rin siya hanggang ngayon. Ayaw ko na makitang nasasaktan ang mga mahal ko especially siya.

Konsensya: Te, ang sarap mong bigyan ng award, best in pagpapakatanga and martir. Hayaan mo siyang masaktan para malaman niya kung ano yung naging dulot niya sayo.

Puso: Huwag ka maniwala sa kanya EJ. Just follow your heart. Huwag pairalin ang galit sa puso mo.

Naguguluhan na ako. My mind has a point. They need to know how much I suffered sa ginawa. Ilang patak ang bumagsak sa aking mata at ilang efforts ang nasayang dahil sa ginawa nilang dalawa.

Ngunit, may punto rin ang puso ko. Ayaw ko pa rin siyang masaktan dahil mahal ko siya. Hindi ko kakayanin na saktan siya ni kuya.

Oo alam kong isa akong napakalaking tanga pero masisi niyo ba ako? Nagmamahal lang ako. Naranasan niyo na yan. Kahit ang sakit sakit na pero pinipili pa rin niyong pahalagan at mahalin ang taong nagdulot sa inyo nito.

I need to take a break. I need to ventilate myself at baka hindi ko kayanin ang lahat ng nararanasan ko ngayon. My body is battling between my mind and heart.

Bakit ba ako dito napunta? Juskoporudeee. Just go with the flow muna EJ. You need to focus dahil mapapatawag magulang mo kaloka.

"She's right sir" pagsang-ayon sakin ni Venus. Wow! First time sumang-ayon sa akin ng gaga. Magpapaparty na ba ako?

"But if you insist on your decision, siya na lang yung patawan. After all, siya naman talaga ang puno't dulo ng sigalot na ito" dagdag pa niya. Talagang ako ang nagsimula.

"Enough Miss Hidalgo! Both of you ay pinapatawan ko because of your misconduct. I expect to the both of you na may kasama kayong magulang. Do I make myself clear as a crystal clear? " sabi ni sir. Napabuntong hininga na lang ako.

"Yes sir" sabay namin sabi at umalis doon sa office.

Lagot talaga ako nito.
---

Kinabukasan, dumating kami doon sa dean's office. Napag-usapan na isu-suspend nila kaming dalawa ni Venus ng isang linggo. Hindi na kami umangal dahil si dean na ang nagpasya.

Habang bumabyahe kami pauwi, tahimik lang ang mga magulang ko. Alam ko, I owe them an explanation pero pinilit ko pa ring itikom ang bibig ko. I decided na sa bahay ko na lang ikukwento.

Pagkarating sa bahay, umakyat muna ako sa aking kwarto. Nagbihis muna ako at nag-ipon ng lakas ng loob

Habang inaalala ko yung nangyari kanina, naiiyak ako. Bukod sa niloko ako ni Austin, na-disappoint sa akin sila mama. Alam ko kung anong hirap ang kanilang dinanas pero anong ginawa ko, gumawa ako ng bagay na hindi nila ikakatuwa.

Nang maramdaman ko ng kaya ko na, bumaba ako sa aking kwarto. Hinanap ko siya sa loob ng bahay. Nakita ko siya sa kusina at nagluluto. Hindi niya ako napansin ng yakapin ko siya sa kanyang likod at nagwikang,

"Ma, sorry" at ako'y napaluha. Hindi ko na kayang pigilan ang mga luhang nagbabadyang bumagsak sa aking mga mata.

Humarap sa akin si mama.

"Okay lang anak. Okay lang" nakangiti niyang sagot at niyakap niya rin ako.

Alam niya na may problema ako. Imbes na pagalitan niya ako, niyakap niya lang ako hanggang gumaan ang pakiramdam ko.

Nagpapasalamat ako na may magulang akong mapagmahal.
~~❤

A/N: Sorry guys at Natagalan ang update. Kahit hindi naabot ang quota,  update pa rin tayo. Napag-isipan ko na ang purpose ko lang naman kung bakit ako gumawa ng stories ay is to share my ideas at kahit saglit, matakasan natin pare-pareho ang reyalidad.

Salamat sa patuloy na nagbabasa :)

Next Update: Saturday
Time: 10pm-11pm
Title: Why?

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon