Chapter 8: Speechless

358 7 4
                                    

EJ's POV

You and Lance Joseph Ocampo are now friends.

You and Lance Joseph Ocampo are now friends.

You and Lance Joseph Ocampo are now friends.

Paulit ulit na lang rumerehistro sa utak ko yung katangahan ko. Ugok kasi yung laptop ni Ela talaga argh!

(I-unfriend mo tanga) sabi sa akin ng konsensya ko. Ang taray ng konsensya ko nagsasalita. Wow magic!

I-uunfriend ko sana yung Lance Joseph Ocampo na yun ng biglang siyang nagmessage.

Lance Joseph Ocampo: Hi👋. Thank you for accepting my friend request😊

Hala! Feeling close si kuya. Akala naman niya bukal sa kalooban ko yung pag-accept ko.

You: Welcome po.
Yan na lang sinabi ko kahit labag sa loob ko ang i-accept siya sa Facebook.

Lance Joseph Ocampo changed his nickname into LJ.

LJ: Pinalitan ko para hindi masyadong mahaba hahaha. Sorry kung medyo feeling close ako.

"Buti naman nahalata mo mygad!" bwisit na bwisit kong monologue. Kairita kasi. Imbes yung plano kong "Balik Alindog Program" ang inuuna ko pero ito ako ngayon, may ka-chat ako ngunit hindi ko naman kilala.

At dahil mabait ako (pwe!), pabait muna.

You: Hehe.
Hehe lang yung sagot ko para maramdaman niyang wala akong panahon makipag-chat sa kanya.

LJ: May problema kasi ako. Pwede ka bang makinig?

Gagawin pa akong listener nito. Ano ako DJ.  At dahil mabait ako ngayon, papatulan ko na rin.

LJ: Nagbreak kami ng girlfriend ko. Sumama siya ulit sa ex niya

Panimula niya. Na-curious naman ako sa chinat niya. Mygad! Parang makakarelate ako.

You: Tapos

LJ: I do my best para mapaligaya siya but, my best wasn't enough.

Taray ni kuya lakas makahugot! Parang biglang napaisip ako. Parang ganon ang ginawa ko dun sa hayop na yun. Relate ako mga bes.

LJ: She is man's perfect girlfriend. Nasa kanya na ang lahat. Maganda, matalino, mabait at matangkad kaya she's my everything pero nagawa niya pa akong ipagpalit sa iba.

You: Ang tawag sa ex jowa mo malandi jusko. Kapal naman ng mukha niya para ipagpalit ka eh ginawa mo naman ang lahat.

Gigil na gigil ako. Kahit nasa girlfriend niya na ang lahat, wala pa rin siyang karapatang manakit.

Lance: Don't say that. Hindi siya ganong tao.

Ha! Siya na nga yung niloko pero pinagtatanggol niya pa rin yung jowa niya.

You: Totoo ba?! Kita mo na ngang niloloko ka tapos ipagtatanggol mo pa siya na hindi malandi? Ano siya; ahas, octopus, higad ganern?

You: Galit na galit? Hahahaha.

Tinatanong pa ba yan?! Jusko naman. Imagine, niloko ka na tapos hindi man pang naghiganti. Ang bait sobrang ah.  Sa sobrang bait ng lalaking to, sarap niya ipalit kay Pope Francis.

Magtatype sana ako pero nawala na yung mga salitang akma sa aking nararamdamang inis at gigil sa kanya.

LJ: Siguro, it's just that she falls out of love with me. Nawala na yung sparks.  Our story ends in tragic not in happy ending.

Bakit ganon, parang nakakarelate ako sa kanya? Parang samin lang ni Austin. I expected that our relationship ends in happy but turned into tragic. Ang saklap. Sumisikip dibdib ko.

LJ: Ikaw EJ, naranasan mo na ba na ma-fall out of love ang isang tao sa'yo?

Dahil sa tanong na kaniyang itinipa, it made me speechless. Personalan na ba ito?
---
Hi guys! Thank you sa mga walang sawang sumusuporta sa kwento na ito. Sorry talaga hindi na ako madalas mag-update kasi nagreformat ako ng phone. Nandun lahat ng chapter na ginawa ko pati yung sa APBA😭. Kaya ito,  pilit kong inaalala yung mga scenes. Sorry talaga guys. Thank youuuuu 😍

New cover for MNKM. Hope you like it😍

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon