Chapter 10: Confrontation

300 10 4
                                    

EJ's POV

"Oh hi EJ nandyan ka pala. Sorry hindi kita napansin. My bad" maarteng bati sakin ni Venus a.k.a Ether; ang reyna ng kakatihan.

Kalma EJ. Huwag kang magpatalo dyan sa hitad na yan. Maganda ka. Huwag kang magpakabog.

Huminga ako ng malalim. Inhale. Exhale.

"Oo naman. Kanina pa ako nandito. Paano mo kasi ako mapapansin eh hindi mo naman ako kauri" nakangiti kong sabi sa kanya. Kahit gigil ko ng upakan ang babaeng ito, kailangan kong magpigil.

Maganda ka EJ. Maganda ka.

"Sabagay, hindi ka talaga kapansin-pansin. Boring at manang ka kasi. Oops. Ang bad ng mouth ko" nakangisi niyang wika. Excuse me, ako manang? WTF.

Isa pang kanti at makakatikim na ito.

"Babe let's go" sabi ni Austin kay Venus. Gusto ng pigilan ni Austin si Venus pero ang bruha, hindi magpapaawat.

"Hindi iyon ang ibig sabihin ko. Hindi naman kasi ako malandi at makati na katulad mo" nakangiti kong sabi sa kanya.

Nakita ko na nakayukom na ang mga kamay ni Venus sa inis pero pilit niya pa ring ngumiti. Isa pang inis dito, gyera na 'to.

"Hahaha. Kahit tawagin mo pa akong malandi, higad, pokpok, o iba pang masasakit na salita,   sa tingin mo may nag-iba ba? Sa tingin mo mahal ka pa rin ni Austin? Hell no" nakataas na kilay niyang sabi.

Napapansin kong dumadami na yung mga tao.

"Walang mag-iiba pero nakakabit na sa mga pangalan mo ang mga salitang iyan. Tandaan mo Venus: Ako ang una. Ako ang original" paalala ko sa kanya.

Tumawa siya at ako'y napakunot ng aming kilay. Baliw ba itong babaeng ito?

"Sorry hindi ko mapigilang matawa pero ano sabi mo? Ikaw ang original? Hahahaha. Bakit hindi mo alamin ang katotohanan kung sino ang original. Austin babe, tell her para malaman na niya ang katotohanan. Tignan natin kung sino ang original" mapanghamong utos ni Venus kay Austin. Huh? May hindi ba sinasabi sa akin si Austin sakin?

Napatingin naman ako sa kanya pero iniwas niya ang kanyang tingin. May hindi ba siya sinasabi noon kaya ganyan ang reaksyon niya?

"Venus let's go" pagpapahinto ni Austin kay Venus. Akma niyang hihilain si Venus ngunit nagpapigil naman ito.

"Babe masyado ka namang hot. Kalma ka lang. Atsaka hindi mo ba nasasabi sa ex girlfriend mo? Or should I say, your rebound ex girlfriend?" diin niyang sabi sa bandang huli.

Nang sabihin niya yun, hindi ko mapigilang mapahinto yung mundo ko. Ginawa lang akong rebound ni Austin?

Hindi ko namamalayan na nakalapit siya sa akin.

"Oo, you heard it right honey. You're a rebound. Niligawan ka lang niya dahil sakin. Nakipaghiwalay kasi ako sa kanya before kaya niligawan ka niya. Ito ka namang si tanga nagpahulog ka naman sa bitag niya" paninimula niya.

"Venus stop it. Huwag kang mag-eskandalo dito. Tara na" pagalit na sabi ni Austin kay Venus.

Hindi pinansin ito ni Venus at pinatuloy niya pa rin ang pagsasalita.

"Ha ha ha. Nagpauto ka kasi sa mga mabulaklak na salita kaya ayun, nakuha ka  niya agad"

"Tapos naalala mo tuwing anniversary niyo ay wala siyang surprise ay dahil sakin. Pagkatapos mo siyang i-surprise, umaalis siya diba? Hindi mo alam na magkasama kami at magkayakap sa ibabaw ng kama. How sweet diba? " pangangasar niya sa akin.

Hindi ko maiwasang maiyukom ang aking mga kamao at tumalim ang aking mga titig sa kanilang dalawa.

Tumingin ako na nagsasabing "Tell me the truth or else mawawala yung magic wand mo p*ta ka! " kay Austin.

Nababahiran na sa mga mata ni Austin ang pag-aalinlangan na sabihin ang katotohanan. Mas lalo ko pang tinaliman ang mga tingin ko sa kanya para magsabi siya ng totoo.

Huminga naman siya ng malalim.

"Totoo yun EJ. Ginawa lang kitang rebound. Akala ko mahal kita pero si Venus pa rin pala ang mahal ko. Sorry Ej. Sorry." hingi niya ng paumanhin.

Akma niyang kukuhanin ang aking mga kamay upang mahawakan ito ngunit binantaan ko na.

"Huwag mong subukang hawakan ang aking kamay. Baka magkaroon ng gyera dito"

Tumingin naman ako sa babaeng hitad. Yung matalim na matalim. Yung tingin na nakakasugat.

"Alam mo ba ang iniisip ko ngayon?" tanong ko sa kanya.

Napakunot siya ng noo at nagwikang, "Huh, wala akong pakialam. Sa tingin mo ba may paki ako sayo?" mataray niyang sabi.

"Ilang beses na kitang pinapatay gamit ang bread knife at 'yung mga lamang-loob mo, ginawa kong papaitan. Kaya kung ako sayo, umalis ka na" sabi ko sa kanya ng nakangiti.

"Oh I'm scared. Sa tingin mo ba matatakot ako sa mga banta mo? Isa ka lang naman na tupa" nanghahamong sabi niya. Hindi talaga siya natatakot sakin.

"Ituring mo na lang na isang warning yun Venus. Hindi ako isang tupa. I'm a wolf in a sheep's clothing. Don't underestimate me. Kaya kong paduguin yang bunganga mo" sabi ko sa kanya.

"EJ, Venus stop it! Masyado na kayong gumagawa ng eksena" pagpapahinto sa amin ni Austin pero wala talagang nagpapatalo saming dalawa.

Kahit ngayon lang, poprotektahan ko yung sarili ko. Masyado na nilang tinatapakan yung pride ko bilang isang babae.

"Kaya ka hiniwalayan ni Austin ay dahil pang-squatter yang ugali mo. War freak!"

"Oo. Alam ko. Hindi ako magsasawang pairalin sa mga katulad mong makakati!" angil ko sa kanya.

Hindi ko talaga ugali mang-away pero dahil sa babaeng ito kaya kong pairalin ang pagka-beastmode ko.

"Gusto mo talaga ng away?" nagbabantang sabi niya sakin.

"Wala akong panahon sa'yo. Hindi ako bababa sa level mo. Malandi" sabi ko sa kanya.

Ayokong makipag-away ngayon. Gutom na ako. Baka kasi ano pa magawa ko sa kanya kapag gutom ako.

"Hindi pa tayo tapos! " gigil na sabi niya.

Akma na akong aalis nang biglang hilain niya ang buhok ko.

"Sumosobra ka ng babae ka! Naghahanap ka ng away, pwes gyera ang ibibigay ko sayo!" sabay sabunot ko din sa kanya. Inaawat na kami ni Austin pero walang bumibitaw.

Habang nag-aaway kami ni Venus, nagpapalitan din kami ng maaanghang na mga salita sa isa't isa.

"Manang ka kaya pinagpalit ka ni Austin"
"Malandi ka! Ang bagay sayo pinapakuluan"
"Boring ka kaya naghanap ng excitement sa iba"
"Ahas. Nababagay ka sa gubat!"

Hindi ko namamalayan na nandyan na pala si Ela para awatin kami. Narinig ko na lang na hinihila na ako ni Ela sa babaeng hitad.

"Oh my gosh! Frenny stop that. Venus, let her go" utos samin ni Ela

"Hindi ko bibitawan 'to. Ipapamukha ko lang dito sa kaibigan mo na manang at boring siya" sabi niya sa akin sabay sabunot ng malakas sa akin.

Aray! Ang sakit nun.

Bigla ko ding sinambunutan siya ng malakas. Walang nagpapatalo sa amin kahit nararamdaman ko ng sumasakit ang anit ko.

Patuloy pa rin kaming nagsasakitan ni Venus at ang pag-aawat nila Ela at Austin hanggang sa may isang taong nagpatigil samin.

"HIDALGO! ADVINCULA! GO TO MY OFFICE NOW" gigil na utos sa amin ni Dean Leuts.

Uh oh! Patay ako nito huhuhuhu.
~~~

A/N:
Guys! Do me a favor. Please kindly vote this chappy for me to inspire to write. I will update soon if this chappy have 5-10 votes. Thank you👄

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon