Chapter 7: Accident

411 12 0
                                    

EJ's POV

"Kumusta beshy? Naging successful ba yung ginawa mong oh-so-gulat-factor-mong-pakulo mo?" panunuya niyang asar sa'kin. Kahit ganyan si Ela, masyado yang supportive sa lovelife ko.

Napatulala na lang ako sa kanya. Hindi ko kasi alam yung sasabihin ko.

"Huwag mo kong tignan ng ganyan! Tomboy ka ba?!" sabi niya. Sinabunutan ko siya.

"Gaga! Hindi ah"

"Bakit nga?! Sabihin mo na! Anong nangyari sa inyo ni Austin? Sinurprise ka ba ng gago or what?!" madaming tanong niya

Nang marinig ko ang pangalan niya, bigla akong napaluha.

"Hoy! Huwag mo akong ganyanin. Anong nangyari?" aniya habang inaalo niya ako. Hearing his name makes my heart in pain.

"Wala na kami besh. Huhuhu. Iniwan niya na ako. Huhuhu" naiiyak kong sabi sa kanya. Pilit niya akong pinapatahan.

---

"Hayop talaga 'yang lalaki yan. Sinasabi ko na nga ba! Hindi 'yan mapagkakatiwalaan" gigil niyang sabi. Kinuwento ko sa kanya lahat ng nangyari. Ito ang nangyari, galit na galit na siya.

"Hayaan mo! Ihahanap na lang kita ng bago" dagdag pa niya.

"Kahit iniwan niya ako, mahal ko pa rin siya" sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko at binatukan niya ko. Sakit ah.

" Bobo ka ba! Pinagpalit ka na nga sa iba tapos sasabihin mong mahal mo pa?! Mygod! Nasaan na 'yong talino mo EJ?" hard na sabi sa'kin ni Ela. Nagpapakatotoo lang naman ako ah.

"Hindi kasi madaling kalimutan yung feelings ko.  Two years din yung tinagal namin. Mahirap kalimutan" madamdaming sabi ko. Hindi ko pa kasi talaga kaya.

"Two years nga yung tinagal niyo pero sigurado ka bang minahal ka nun?" diretsang tanong niya. Napaisip ako sa sinabi niya.

"Hindi ko alam. Hindi" pag-amin kong sabi. Hindi ko na alam kung totoo yung pinakita niya sa'kin.

"See, hindi mo alam. Alam ko na alam mo yung sagot dahil nagpapakatanga ka sa pagmamahal mo sa kanya. Mygod! Okay pa 'yung isang beses magpakatanga pero kapag sumusobra na, aba malala ka na" diretsahang sinabi niya sa'kin. Napatameme na lang ako. Sakit ah. Wala talagang hinto?

"Alam na ba ng family mo ito? Botong boto pa naman 'yun sa manlolokong iyon" tanong niya. Umiling na lang ako.

"Kailangan malaman nila tita ito" akma niyang tatawagan sila mama ng pinigilan ko siya.

"Huwag besh. Nakikiusap ako sayo. Huwag" tinignan ko siya sa mata at nakiusap ako sa kanya. Kahit na hiwalay na kami ni Austin, ayaw ko pa rin mabahiran ng pangit sa paningin nila mama.

"O siya huwag ka ng tumingin sa akin ng ganyan kaloka. Basta kailangan malaman nila tita ito. Okay?" paninigurado niya.

"Oo na boss. Dito muna ako mautulog. Pakisabi kay mama" utos ko sa kanya.

"Wow! Kapal. Sige na nga kung hindi ka lang broken hearted, natadyakan kita" sabi niya at sinunod niya yung utos ko.

"Love you!" paglalambing ko.

"Tse" pagsusungit niya at napahagikgik na lang ako.

---

Nandito ako ngayon sa kwarto. Ginagamit ko actually yung laptop ni Ela at binukasan ko yung Facebook account ko. Tinignan ko yung pictures naming dalawa ni Austin. Hayop siya! Niloko niya ako! Pinagpalit niya ako sa flat na yun. Mas may dede pa nga ako sa babaeng yan.

(Mas maganda, matangkad at sexy naman siya kesa sayo!)
Oo na konsensiya! Mas maganda,  matangkad at mapayat. Sige na ako  na ang mukhang potato mygad! Huhuhuhu. Hayop ka talaga Austin! Hayop.

Hindi ko namamalayan na may mga likidong naglalandas sa aking mga pisngi. Pilit kong pinunasan upang mapawi ito ngunit lalo silang dumadami.

"Kahit sinaktan mo ko, mahal pa din kita" sabi ko habang nakatingin pa rin ako sa timeline niya. Nanlalabo na ang aking mga mata dahil sa mga luha. Haynako! Magiging maga ang mata ko nito huhuhu.

Habang nakatingin ako sa picture ng hitad (Venus), may naisip akong plano.

"Kailangan kong maging maganda para maglaway ang gago. Tama! Ayun ang plano ko bwahahahahaha" parang akong baliw dahil umiiyak ako kanina tapos tumatawa.

Nag-status ako sa Facebook ng "Kapag ako gumanda, who you kayo sakin" at biglang naglag yung laptop.

"Ano ba yan! Kung kailan pa ako ng plano ko, nag-lag pa yung laptop badtrip" bwisit na sabi ko. Habang hinihintay kong gumana ang laptop, nagpipindot pindot ako. Hindi ko alam kung anong pinaggagawa ko.

No'ng okay na ang laptop, may biglang nagpop-up sa Facebook ko. Na-accept ko lang naman yung friend request ng stranger. Mygoooooooood!

Bathalumang Emre, help me huhuhuhu!

-
Hey guys! This is SexyLips143 😘 Thank you for your support and sorry kung hindi makapag-update agad si author. I'll try mag-update ng madalas. Click vote if you liked this chapter and story. Thank you and sorry once again.

xoxo,
SexyLips143 👄

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon