Chapter 15: Senyales?

292 7 1
                                    

Dani's POV

Dear Charo,

Makalipas ang dalawang araw, naging maayos-ayos naman ang naging kalagayan subalit may mga pilit talagang mga paepal.

Unang una, natatandaan niyo ba yung napilayan ako at dinala ako kanila Aling Teria? Imbes na gumaling ako, mas lalo pa atang lumala.

*Flashback*

"Ungh~" ungol ko. Hindi dahil sa sarap kundi sa hilot ni aling Teria kalokaaa. Kelan ba matatapos yung kalbaryo ko? Huhuhu

"Ayan, tapos na" wika ni Aling Teria.

Tumayo na kaagad ako sa akmang lalabas.

"Bago ka umalis, uminom ka lagi ng halamang gamot na ito para lalo kang gumaling" sabay abot ng gawa-gawang echos na herbal medicine. Jusme! Kailangan ko ba talaga tikman 'to?

"Kung hindi epektibo, magpahilot k--" pinutol ko na yung sasabihin niya dahil jusmee, magkakaroon ng torture part 2.

"Sige po. Gagaling na po ako dito. Maraming salamat po" pagpapatuloy ko at lumabas na agad. Hindi ko na keri mag-stay dun mga teh.

***

Sa awa ng Diyos, gumaling ako. Amen!

Bukas na at papasok na ako. Hindi ko alam kung ano mararamdaman ko. Matutuwa ba ako kasi papasok na ako o mabubwisit dahil maaari kong makita ang mga higad. Mygaaad! Ano ba yan! Naii-stress na agad ako.

Speaking of the stressor, hindi ko alam kung tuloy pa ba yung pakape ni Austin. Hindi ko alam kung kakayanin kong harapin yung taong nanakit sakin. Alam kong wala na kami pero yung pilat na iniwan niya sa akin, ang hirap burahin sa sistema ko. Hays, bakit kasi kailangan lahat ng faithful ay naloloko? Wala naman kaming ginawang masama? Masama bang ibigay ang pagmamahal na sa tingin namin ay nararapat sa kanila?

"EJ, magpatulog ka naman. Ingay ingay mo! Akala mo maganda ka?" asik sa akin ni kuya. Bwisit! Nagmo-moment ako tapos sisirain ng kumag. Epalogs talaga.

"Sorry na. Matutulog na" ani ko at natulog na ako ng mahimbing.

---

Nandito ako ngayon sa harap ng school. Hindi ko alam kung papasok ako or what. May feeling kasi ako na merong masamang mangyayari.

"Hoy teh! Ano na? Bilisan mo dyan kaloka" ani ni Ela. Oo nga pala, kasama ko ang aking beshy.

"Eto na te. Gogora na" at sumunod na ako sa kanya.

"Te, wiwiwi lang ako. Samahan mo ko" pakiusap ni Ela.

"Hindi ako te naiihi. Ikaw na lang. Dito na lang ako"

"Sure ka? Sige bahala ka" at pumasok na siya sa CR.

Habang tumitingin sa aking orasan, may biglang kumalabit sa aking braso. Napatingin naman ako sa taong iyon. Hindi ko siya matignan ng diretso sa aking mga mata.

"Please EJ. Sana makapunta ka sa ating tagpuan ng 5:00pm. Maghihintay ako sayo. Magpapaliwanag ako" sabi niya.

Hindi ko pa rin siya tinigtignan. Ayoko na makita niya akong in my most vulnerable state at baka mag-breakdown ako.

"Please EJ, I need your answer" pagsusumamo nito. Wala siyang nakuhang sagot sakin.

"Hoy! Bitawan mo yung kamay niya cheater. Kung hindi, may mapuputol sayo" napatingin ako sa nagsalita. Si Ela.

"Ela, huwag kang makialam dito. Si EJ ang pakay ko. Hindi ikaw" saad ni Austin.

"Huwag mo akong matawag tawag na Ela dahil hindi tayo friends in the first place kupal. Makikialam ako dito dahil ako spokesperson ng kinakausap mo ngayon" giit na sabi ni Ela. Kailan ko pa siya naging spokesperson?

"Hindi ka pa rin ba aalis manloloko ka? May kutsilyo talaga ako ngayon sa bag at mapuputol talaga 'yang sayo!" dagdag pa niya.

Hindi ito pinansin ni Austin. Tinignan niya ako sa mata.

"Aasahan kita EJ. Aasahan kita" wika nito at ito ay umalis.

"Hoy ikaw babae!" napatingin naman ako kay Ela at ngayon ay parang primadona ang anyo ngayon.

"May kailangan ka pang ipaliwanag sa akin" aniya at hinila niya ako papasok ng silid aralan.

---

"Sinasabi ko sayo EJ, huwag kang pupunta doon sa pinag-usapan niyo at baka mabiktima ka ng power trippings ng lalaking yun. Marupok ka pa naman" payo sa akin ni Ela pagkatapos kong ikwento sa kanya ang lahat. Pauwi na kami ngayon at ilang oras na lang magkikita kami ni Austin.

"Besh, gusto ko na tapusin 'to. Gusto ko na masagot ang lahat ng bakit ko" sabi ko sa kanya. Gusto ko ng maliwanagan kung bakit- bakit niya nagawa sa akin iyon. Bakit hindi niya maintindihan 'yun?

"Ano ba ate? Tangang tanga ka na ba sa lalaking iyan? Besh, gamitin mo utak mo. Huwag mo naman pairalin ang puso mo jusme!" inis na sabi niya.

"Sige nga, magbigay ka ng isang rason kung bakit ayaw mong makipagkita ako sa kanya?" hamon ko sa kanya.

"Niloko ka niya ganon ka simple. Hindi pa ba sapat ang rason na iyon para hindi mo siya siputin? Besh, come on. It's 2018 na. Hindi na uso ang mga martyr. Sa mga cheap na palabas lang nangyayari iyon" pagbibigay niya ng katwiran.

May punto siya pero kasi, gusto kong malaman ang lahat. Gustong gusto. Gusto kong malaman kung bakit niya ako sinaktan at sino ba si Venus sa buhay niya? Hindi ba ako sapat? Hindi ba ako kamahal mahal?

Nasagot ko siya sa pagluha. Hindi ko mapigilan. Niyakap na lang ako ni Ela.

"Alam ko na kating kati ka na malaman ang lahat pero sa ngayon, huwag muna. Pahingahin mo muna ang puso mong lumuluha. Huwag muna" dahil sa nasabi niyang iyon, ako ay napahagulgol ng malakas.

---
Pagkatapos ng eksena naming iyon ni Ela, nandito ako ngayon sa kwarto at nagmumuni-muni.

Susundin ko ba si Ela sa nais niya o sa puso kong gusto puntahan ang lalaking puno't dulo ng lahat ng aking pagdadalamhati?

Hindi ko na alam.

Kanina pa ako paikot ikot sa aking kwarto. Hindi ko na mawari kung ano ang dapat kong gawin. Pupunta ba ako o huwag na?

Dalawang oras na lang at matutuloy na ang aming pagkikita. Hindi ko alam kung sisiputin ko si Austin.

Bigyan mo ko ng sign Lord kung pupunta ako sa nasabing pinag-usapan.

Habang naglalandas ang aking mata sa bawat sulok ng aking silid, may napansin akong pulang kahon na may pusong disenyo. Kinuha ko iyon at tinignan ang laman.

Puro litrato namin ni Austin ito. Simula't sa nililigawan niya ako hanggang sa ika- dalawang anibersaryo namin. Tinignan ko ito ng matagal, ito na ba ang senyales na aking hinihingi?

Isang oras na lang at magkikita na kami ni Austin, tumayo na ako at naghanda.

"Siguro, kailangan ko na itong tuldukan" ang aking nasambit sa sarili.

--*

Author's Note:
Hey guys! It's been a while. I know na marami na akong na-missed na chapters dito sa story ko. Masyado lang busy sa buhay kolehiyo. Here's my short update guys! Hope y'all like it. xoxo

-SexyLips123

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon