Chapter 4: Preparation

435 5 0
                                    

"Gumising ka na EJ! Tanghali na" sabi saken ni mama.

"Hmm. 5 more minutes pa" bagot kong sabi sa kanya.

"Kanina pa yung 5 more minutes mo ah. Anong oras na?! Ayaw mo talagang gumising ah" paghahamong sabi ni mama.

Hindi ko na lang pinansin si mama. Napuyat kasi ako dahil sa hubby ko. Hihi. Kinikilig pa rin ako.

Pagkarating kasi niya doon, tinawagan niya ko. Tapos bumabanat siya ng mga sweet pick up lines. Eh ako naman itong si marupok, kinilig ng bongga hanggang sa hindi nakatulog ng maaga.

May nararamdaman na lang akong tubig. Napakalamig na tubig. Para akong nalulunod. Bigla akong gising.

"Buti naman nagising ka na. Kumilos ka na!" utos ni mama sabay labas ng kwarto.

Napatingin ako sa orasan. Dafuq! Anong oras na. Kailangan ko ng magmadali.
---
Binilisan ko na lang yung kilos kanina. Jusko! Anyway highway, nandito ako ngayon sa school. Hindi ako sinundo ni jowa kasi busy pa sila sa thesis nila. Kaya, forever alone ako dito.

"Beshy! Anyare sa mukha mo? Pangit ka na nga mas lalo ka pang papangit" harsh na sabi saken ni beshy.

"Salamat sa panlalait ah! Bilisan na natin. Malelate na tayo" pagmamadali kong sabi sa kanya.

"Beshy! Nasaan nga pala yung jowa mo?" sabi ni ela habang naglalakd kaming papuntang room.

"Hindi kami sabay dahil gagawin niya yung thesis nila" tugon ko.

"Thesis. Nek nek niya! Nakita ko nga sila ni V-" napahinto niyang sabi. Hindi ko narinig yung huling sentence. Napatingin ako sa kanya.

"Ano sinasabi mo? Pakiulit" parang may hindi ako nalalaman.

"Wala! Ang sabi ko hiwalayan mo na yung gagong yun. Jusko!" here we go again. Paulit ulit niya na yang sinasabi kapag ang topic namin ay si Austin.

"Ewan ko sayo beshy! Hindi ba napag-usapan na natin 'to" pagpapa-alala ko sa kanya.

Napabuntong hininga siya. Ganyan naman siya lagi.

"Bahala ka. Binalaan na kita. Basta huwag kang iiyak kapag niloko ka ni gago" babala niya.

Bakit parang nakaramdam ako ng kaba?

*Erase* *erase* Hindi ako lolokohin ni Austin. Nangako siya sa akin.

"Btw, tulungan mo naman ako sa paghahanda para sa anniversary namin bukas" pag-iiba ko ng topic. Naaapektuhan ako sa mga sinasabi ni Ela bwisit.

"Sige. Pasensya ka na talaga besh kung lagi kong ipinapaalala ko sayo ah" paghingi niya ng tawad sa'kin.

"Okay lang 'yon. Basta tutulungan mo ako mamaya"

"Oo na po boss" sabi niya hanggang nakapasok na kami sa room.
---
"Bilisan mo na pumili besh. Pare-pareho lang naman yan e" reklamong sabi sakin ni Ela.

"Kailangan pumili tayo ng best bes. Chillax ka lang" sabi ko sa kanya habang namimili ng manok.

Nandito kami ngayon sa mall. Namimili ako ngayon para sa gagamitin kong rekados.

"Ewan ko sayo. Bilisan mo marami pa tayong bibilhin" aburido na sabi niya.

"Aye aye captain!" sabi ko at pumili na ako.
---
"Ano pa ba kulang dyan?" tanong ni beshy sa'kin. Tinignan ko yung listahan. Mga balloon pa pala.

"Mga lobo besh" tugon ko.

"Nadaanan na natin yun. Ikaw na lang pumunta doon. Dito muna ako. Nagkakaroon na ng paltos ang paa ko" sabi niya sabay hilot ng kanyang paa.

"Sige besh! Saglit lang ako" sabi ko sa kanya.

Masaya kong tinahak papunta sa mga lobo. Hindi ko kasi mapigilan ang excitement para sa anniversary namin bukas. Magti-third anniversary na kasi kami.

Ano kaya magiging reaksyon ko bukas? Hays! Excited na ako.

Habang masaya kong pinupuntahan kung saan nakalagay ang mga lobo, parang may nakita akong pamilyar sa peripheral vision ko sa gawing kanan.

Tinignan ko ang mga ito. Wait! Si Hubby yun ah. Tumitingin ng mga isda. Napahagikgik ako dahil alam ko na kung bakit siya nandito. Hihihi.

Pero nawala ang saya ko nang makita kong hinalikan ng isang babae ang boyfriend ko sa pisngi.
---
"Hoy! Okay ka lang? Kanina ka pa malungkot ah?" tanong sa'kin ni Ela.

Napatingin ako sa kanya ng dahan-dahan sabay ngiti ng kakatakot.

"Huwag naman ganyan! Nakakatakot ka!" takot na takot na sabi niya.

"Hahahahaha. Wala lang ito. Tara na pumasok na tayo sa bahay. Dito ka matutulog ah?" paninigurado kong sabi sa kanya.

"Oo na" aniya.

Tuluyan na kaming pumasok ni Ela. Tuloy tuloy lang siya dahil parang anak na turing nila mama
kay Ela. Nilagay na namin sa kusina yung mga pinamili namin.

Pagkatapos ng aming ginawa, nagpaalam akong maliligo sa kanya.

Habang binubuhusan ko ang aking sarili ng tubig, hindi pa rin mawaglit sa aking isipan ang nangyari kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali. Pamilyar na pamilyar ang babaeng humalik sa boyfriend ko. Siya ay si...







































Venus Hidalgo.

To be continued...

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon