Chapter 14: Why?

388 5 1
                                    

EJ's POV

Pagkagising ko sa umaga, parang napakagaan ng pakiramdam ko. Iyong tipong wala kang hinanakit sa buhay tapos para kang lumilipad sa alipaap. Napaka-cloud nine pre. Siguro ito ang bunga ng pag-o-open up ko kela mama.

Alam na ng pamilya ko ang tungkol samin. Kinuwento ko lahat lahat. Walang labis, walang kulang. G na g nga si kuya na sapakin si Austin pero napigil ko. Kahit aso't pusa kami ni kuya, handa niya akong protektahan. Gwapo na at protektor ko pa hahahahaha. Huwag niyong sasabihan ng gwapo yun baka lumaki ang ulo.

Pumunta na ako sa banyo at ginawa kong ang morning routine ko. Habang ginagawa ko ang mga ito, kumakanta pa ako hahahahaha. Masyadong masaya ang puso ko ngayon.

Oo nga pala, third day ngayon ng aking suspension. Ang bilis ng oras. Hindi ko namamalayan ang panahon. Siguro kapag masyado kang masaya, mabilis agad lumilipas ang oras. You need to cherish every single moments in your life. Taray! May pa-quotation si mayora hahahaha.

Pakanta kanta pa ako habang pababa ng aking kwarto. Nakita ko sina mama na nakaupo sa aming dining table. Binati ko sila ng magandang umaga at binati nila ako pabalik.

"Parang ang saya saya mo ngayon lil sis. May nangyari ba?" nakangiting tanong ni kuya. Masyado ba akong halata na masaya ako?

"Wala naman kuya. Kailangan talaga may dahilan kung bakit ako masaya?" ani ko sabay kain ng nilutong sunny-side up na itlog ni mama. Parang sumarap 'yong luto ni mama. Siguro, nilagyan niya ito ng magic sarap. What d'ya think?

"Oo, para ka kasing baliw kung ipagpapatuloy mo yan. Pangit na nga baliw pa" harsh na sabi ni kuya. Kala mo talaga walang kapintasan 'to.

"Meanie" naka-pout kong sabi. Alam ko namang mukha akong janitor fish sa inaasal ko pero kiber na. Ganda gandahan lang peg natin.

Tumawa na lang silang silang tatlo sa aking inasal at ipinagpatuloy na ang pagkain.

---

Nasa kwarto ako ngayon at nakahiga. Wala akong magawa. Ayaw ko naman lumabas dahil nakakatamad. Hindi rin naman ako mahilig sa mga movies dahil inaantok ako kapag nakakanood nun.

Ano kayang magandang gawin hmmm? Invite ko kaya si beshywaps dito? Baka may klase pa yun kaloka. Huwag na nga lang.

Napatingin ako sa aking damitan. Tila nagkaroon ako ng ideya kung ano ang gagawin ngayong araw. Maglilinis na lang ako ng aking cabinet tutal hindi pa ako nagtitiklop.

Sinimulan ko na ang pagtitiklop. Na-realize ko ang dami ko pa lang damit na hindi ko na nasusuot. Inuna ko na para maisuot ko sa susunod.

Habang nagtutupi, may isa akong damit na hawak. Ito yung couple shirt namin ni Austin. Kulay black siya tapos may nakasulat na HIS QUEEN. Malaki pa 'yung imprenta sa damit na parang nagsasabing, "mainggit kayo mga single". Ito ay regalo niya nung 6 months pa lang kami. Siya pa yung sweet nung una pero nung patagal ng patagal na, nawawala na yung tamis.

Anong akala niya sa relasyon namin, bubble gum ? Pasabi sabi pa siyang, "I'm his Queen" quotation ek ek na yan tapos namamalayan kong dalawa kaming reyna niya. Sana lahat ng lalaking nagloloko ay maputulan ng wand no?

Konsensya: Baka ang iilan ay maputulan. Gusto mo bang maputulan ang next jowa mo?

Ano ba konsensya! Stop that. Rated PG lang ako no. Hindi pa SPG mygad! Mukha lang SPG pero hindi.

Kahit hindi ko na alam kung ano ang ipinakita saking totoo ni Austin, naranasan kang sumaya. Naranasan kong maging special sa tingin ng ibang tao. Panghuli, na-feel kong ang ganda ganda ko.

Muntik Na Kitang MinahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon