Ika Napulo

279 9 0
                                    

Chapter Ten

ISANG buwan ng nakalipas mula nong nagpunta si Rix sa skwelahan nila. At mula non ay di na nya masyadong nakikita si Allen. At sa loob ng isang buwan na yon ay parang may hinihintay sya sa cafeteria twing kakain sila at twing tumatambay rin sila sa soccer field. Pati na rin sa pag uwi nya ay di nya maiwasang mag expect na may nag aabang sa kanya. Pero lagi rin syang umaasa sa wala. Ni hindi na nga sila nagkausap matapos yung nangyaring yon.

Asan na yong sabi nyang manliligaw sya sakin? Sus! Hanggang salita lang talaga! Nakikita pa nya ito minsan pero kasama naman palagi si Lina tsaka ang mga kaibigan nito. Sinunggaling eh!

Nandito sila ngayon sa court ng volleyball dahil P.E class nila ngayon. Kalaban nya sina Alwyn at Erza dahil nasa kabilang grupo ang dalawa. Pano ba naman kasi, nung nag counting para sa gruopping ay magkatabi silang tatlo. Dalawang groupo lang kaya 2 si Alwyn at Erza, sya lang tuloy ang 1.

"Ok, sa group 1 yung bola. Clemente, unang serve." agad nagsimula ang laro.

Makalipas ang labin limang minuto, lamang na ang grupo namin ng limang puntos. Pagod ako dahil di maganda ang pakiramdam ko. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Ako ang sasalo sa bola na malakas pinalo ni Alwyn dahil sakin ito naka sentro.

Titirahin ko na sana ang bola pero biglang umikot ang paningin ko. Tumama sakin ang bola dahil sa hindi ko ito nasalag. Nagdidilim narin ang paningin ko. Naririnig ko pang sumigaw si Alwyn at Erza, pero bago pa ako nawalan ng malay, ay may sumalo na sakin para di ako tuluyang bumagsak sa lupa.

Nagising sya dahil sa sobrang lamig na nararamdaman nya. Bumangon sya ng bahagya at humilig sa headrest ng kama. Nilibot nya ang tingin sa paligid at nakitang nasa clinic sya ng school.

Teka! Bat ako nandito?

Bigla namang bumukas ang pintuan ng kwarto ng clinic kaya nabaling ang tingin nya roon.

"Mabuti at gising kana, how's your feeling?" tanong ni Allen sa kanya. Anong ginagawa nito dito.

"I feel a lil'tle cold. " sagot nya rito. Seryoso lang ito habang nilalapag ang plastic na dala nito sa maliit na mesa sa gilid ng kamang hinihigaan nya.

"Kumain kana para mainum mo na tong gamot" sabi pa nito ng di sya tinitingnan. Bigla naman syang nakaramdam ng sakit sa dibdib nya dahil sa pinakita nito.

"Where's Alwyn and Erza?" Tanong nalang nya rito kaya binalingan sya nito. Kunot ang nuo nitong seryosong nakatingin sa kanya. So intimidating.

"May klase pa, bakit may kailangan ka?" seryoso parin nitong tanong sa kanya. I can't take this! Deym!

"Uh! Okay. So, where's my things?" tanong nya ulit rito. Kailangan nya ang cellphone nya. Tatawagan na lang nya si Rix para magpasundo rito.

"Nasa classroom pa. Dadalhin nalang raw nila Erza mamaya. Why?" Balik tanong nito sa kanya.

"Uh, I need my phone. Tatawagan ko lang si Rix para masundo nya ako rito" sagot nya. Bigla namang umigting ang panga nito. Anong problema nito sa kanya. Bigla bigla nalang nagagalit.

"I can bring you home if that's what you want !" Matigas na saad nito. Pero umiling lang sya. Ayaw nya munang magkalapit sila lalo ng ganito ang trato nito sa kanya. Its like he doesn't know her. Ang lamig. Mas lalo pa tuloy syang nilamig dahil sa trato nito sa kanya.

"Hindi na, magpapasundo nalang ako. Ayaw kong maka abala ng ibang tao" sagot nya rito.

"So, ibang tao na pala ako ngayon sayo, Shantal" mapanuyang sabi nito sa kanya habang nakatiim bagang pa rin ito. Tinagilid naman ang ulo nya dahil sa sinabi nito.

"Its not what I mean. I just don't want to disturb you. You also have a class. Bat ba ikaw ang nandito?" Tanong nya rito. Masama ang tingin nitong tingnan sya.

"At sinong gusto mong nandito? Yung Rix mo? Well, deal with me, coz I'm the one whose here!" Galit na sabi nito sa kanya. Binuksan na nito ang plastic na dala kanina. Sopas ang laman nito.

"Pagkatapos mong kumain, inumin mo tong gamot mo. Wag kanang maghanap ng iba, dahil ako ang nandito" galit na sabi nito sa kanya saka nilapit sa kanya ang tray na nilagyan ng pagkain nya, gamot at tubig. Tinanggap nya naman ito. Kahit wala syang ganang kumain ay di na lang nya ito pinansin.

Umupo ito sa plastic chair na nasa tabi ng kama nya. Dahan dahan lang ang kain nya dahil wala talaga syang panlasa. Damn fever!! I need Rix now! Gusto ko ng umuwi! My god! Giniginaw talaga ako rito eh. Dagdagan pa ng pagtrato ni Allen sa kanya.

"Ahhm," kuha nya ng pansin rito habang seryoso itong nagbabasa. Tiningnan lang sya nito kaya napakagat labi sya. Deym!

"Ahmm, may I borrow your phone?" Tanong nya rito. Kumunot ang nuo nito at nagsalubong ang kilay dahil sa sinabi niya. Kaya agad nyang dinagdagan ang sinabi.

"I just want to text Alwyn to get my bag and bring it here." Dagdag nya rito.

"Why? Because you're going to text that Rix? Para magpasundo? Diba sinabi ko nang ako ang maghahatid sayo pagkatapos mong kumain? Bakit kailangan mo pang magtext don?" inis na tanong nito sa kanya. Teka nga! Nakakainis na to ah!

"Kung ayaw mong magpahiram EDI sabihin mo! Di ako mamimilit. Di yung ang dami mo pang sinasabi! " inis na bulyaw nya rin dito. Nakakailan ka na ah!

"Because you keep on saying that you're going to text him!" sigaw nito sa kanya. Mas lalo tuloy nag init ang ulo nya rito.

"Ano bang problema mo sa kambal ko? Hah! Inaano ka ba ni Rix? Wala naman yata ah. Kung makapag salita ka dyan parang ang laki ng atraso nang kambal ko sayo ah! Bakit? Kasi twing pumupunta sya rito, naagaw ang atensyon ng mga babaeng humahanga sayo? Then, fuck your ego!" Sigaw nya rito. Ito naman ay nakatingin lang sa kanya na parang may sinabi syang mali.

Kahit giniginaw at medyo nahihilo pa sya ay tumayo na sya. Sya na mismo ang kukuha ng bag nya. Lintik ang dami pang satsat eh. Kung ayaw edi wag! Padabog nyang sinara ang pintuan ng kwarto at iniwan dun sa loob qng baliw na sigarilyong yon.

"San ka pupunta Shantal. May lagnat ka!" hinabol sya nito at hinawakan ang kamay nya. Nandito na sya sa labas ng clinic ng abutan sya nito. Buti nalang at wala rito ang nurse na nagbabantay.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako!" Singhal niya rito tsaka hinawi ang kamay nitong nakahawak sa kanya. Hinarap nya ito at tiningnan nang sobrang talim. Hilong hilo na ako at gusto ko nang umuwi!

"Where are you going? I said I drive you home." Mahinahon na nitong sabi sa kanya. Pero galit parin sya dito. Galit sya rito dahil galit ito sa kambal nya dahil lang sa naapakan nitong pride.

Lintik na pride na yan! Dapat pinanglaba yan eh, hindi inuugali!

"Hindi ako magpapahatid sa taong kinasusuklaman ang kambal ko dahil lang sa naapakang ego mo! I will never let you go near to my twin brother! I will never let you hurt him just because of that damn pride! At hinding hindi ako magpapahatid sayo!" mapupungay ang mata nitong nakatitig sa kanya. Pero sinuklian nya lang ito ng galit na tingin.

"I'm sorry " mahinahong sabi nito.

"I'm sorry for what? Tss! F*ck your sorry!" sigaw nya ulit dito tsaka sya dumiritso sa pag akyat papunta sa classroom nya.

⏳🐇

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon