Ika Siyam

275 15 0
                                    

Chapter Nine

MAAGA syang nagising dahil sa pangbubulabog ng kambal nya sa labas ng kwarto nya. Damn! Inaantok pa ako dahil halos madaling araw na silang natulog kagabi dahil sa mga catch ups na ginawa nila. May pa welcome party pa rito kagabi kaya paniguradong pagod rin ang mga kaibigan nya dahil kagabi.

Di maawat awat ang kwentuhan nila kagabi. Si mommy, si daddy, si Nay Lucy, ang mga kaibigan nya, tsaka ang ibang relatives nila ay panay ang kwentuhan, kaya ito ang resulta. Para syang Zombie!

Nakabusangot nyang tinatanggal ang seatbelt nya. Binuksan naman ni Rix ang pintuan nya tsaka sya bumaba.

"Oh, thank you Rix, susunduin mo ako ulit mamaya hah! Pambawi mo sakin" nakasimangot nyang sabi rito tsaka nya ito hinalikan sa pisngi at nag paalam ng papasok. Pero sumabay ito sa kanya papasok. Tinaasan nya ito ng kilay.

"Uh uh? I'm going to escort you in your room. Dahil sa oras na may humarang na manliligaw mo. Alam mo na kung ano ang mangyayari" nakasimangot ring sabi nito sa kanya.

"Duhh? As if I have. I don't have a suitor Rix." irap nya saka nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa gilid naman nya ito tsaka ito ang nag dala ng bag nya. Parang nakakakita ng multo ang mga estudyanteng nakatingin sa kanila. May mga babaeng halos mabali na ang leeg kakalingon sa kanila kahit nakalagpas na sila sa mga ito. Umirap nalang sya nangyayari.

Seryoso lang na naglalakad si Rix sa tabi nya. Minsan hinahawakan ang beywang nya tuwing may mga nakakasalubong kami.

"Oh my! Ang gwapo nya! Boyfriend ba yan ni Shantal?" rinig na rinig nyang bulungan ng mga babae sa hallway. Naka ilang irap na sya sa araw na nato.

Bumulong kapa ineng! Eh naka megaphone ka naman pala!

"Oh my gee! Sino yan? Ang gwapo nya!"

"Luhh! Ang gwapo! Boyfriend ni Shantal yan?"

"Pre, boyfriend ni Shantal oh. Wala kanang pag asa! Hahaha" rinig nyang asaran ng tatlong 4rth year student.

"Diba nanliligaw si Mighty sa kanya.? Bat sya nagpaligaw kung may syota naman pala sya?" rinig ulit nyang usapan sa tabi tabi.

Kung makapag usap parang wala kami rito ah! Tae nyo! Tiningnan nya ang kambal nya pero kunot nuo lang itong nakahawak sa beywang nya habang bitbit nito ang bag nya. Napangiti tuloy sya sa nakikita nya. Ang gwapo gwapo pero bag nya ang bitbit.

Pagdating sa classroom nila ay agad lumingon ang mga kaklase nya dahil may ibang tumitili ng makita sila. May ibang napapanganga pa habang nakatingin sa katabi nyang snob.

"Dito na Rix, salamat sa pag hatid" kinuha nya na ang bag nya rito at hinalikan naman sya nitong sa nuo nya.

"Wag matigas ang ulo ah" pinat nito ang ulo nya tsaka bumulong sa kanya.

"And don't let anyone court you" nakangising bulong nito sa kanya kaya kinurot nya ang gilid nito.

"Hi Rix, morning" bati ni Alwyn at Erza dito. Nakatayo ang mga ito sa likuran nya sa entrance ng classroom nila. Tinanguhan nito ang mga kaibigan nya.

"Don't let anyone court her, Wyn and Erz" tugon nito sa mga kaibigan nya. Tumatango tango naman ang dalawa.

"Aye aye! Roger that, Captain" hagikhik ng dalawa. Tsaka ito nagpaalam na aalis na. Tinanguhan nya lang ito tsaka pumasok na ng naglakad na ito paalis.

Salita ng salita naman si Erza at Alwyn sa gilid nya ng naka upo na sila. May isang kaklase pa silang lumapit sa kanila para lang maki usyoso. Tss!

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now