Ika Tulo

454 19 0
                                    

Chapter Three

NAG mamadali syang tumakbo papasok sa gate ng skwelahan niya. Dahil sa labas pa lang, marami ng mga babaeng iba kung tumingin sa kanya at nagbubulung bulungan pa. Napapamura pa sya dahil may mga nakaharang sa hallway kung saan sya dadaan.

Nag mamadali sya hindi dahil late na sya, kundi dahil sa bawat sulok nang skwelahan na nakikita nya, ay para syang papatayin sa tingin ng mga babaeng nakikita nya.

Ang creepy nila ah. Yung tipong parang isang kalabit mo lang magiging zombie na sila. Eww! Hindi naman talaga sa natatakot sya, naiinis lang sya dahil hindi naman ganito ang mga ito kung tumingin nuon. At alam na nya ang dahilan ng lahat ng ito. Dahil na naman ito sa status na pinost ni Allen kagabi. Bwisit talaga.

Sa dami nga naman ng nagkakagusto rito, alangan naman magpaparty ako kasi ako na naman ang pinag titripan ng ultimately crush nila. Duhh? I'm not like you guys. Don't give the creep!

May iba pa na panay ang irap sa kanya habang may binabasa sa cellphone o kaya sa iPads at tablet na hawak. Tss! Alam ko na yan! Kaya wag nyo akong tingnan ng ganyan! Baka habluyin ko yang mga mata nyo at ipakin ko sa alaga kung si Ulap at si Ube, makikita nyo.!Hmmp!

Pag pasok nya sa classroom ay nandon na ang mga kaibigan nyang nag scroll up at scroll down sa kanya kanyang cellphone. Pati na rin ang ibang mga kaklase nya. Mukhang ang mga nerds lang ata ang walang paki sa paligid nila.

Tumikhim sya ng nakalapit na sya sa upuan nilang tatlo. Agad namang nag angat ng tingin at nag ngiting aso si Alwyn sa kanya. Si Erza naman ay nag pipigil pa sa kilig nito. Kahit halata naman dahil namumula ang pisngi nito sa kakapigil ng ngiti. Pilit lang nitong tinatago sa pamamagitan ng pagtaas nito ng kilay sa kanya.

"Good morning Ms. Eyes Capturer. " naka ngising salubong ni Alwyn sa kanya. Nginiwian nya ito at umupo na aa upuan.

"Bah! Snob ka ineng! Itili mo yan ! Wag mong pigilan baka umutot ka dyan" pang asar ni Erza sa kanya at humagalpak na ang dalawa sa tawa. Binatukan nya lang ang mga ito. Kung ano ano na namang sinasabi ang aga aga.

"Don't start on me Erz. He's not worth to ruin my morning" hindi interisadong sagot nya rito. May isang kaklase naman nilang lumapit sa kanila, kaya tumaas ang kilay nya.

" Shantal, ikaw na pala ang bagong flavor of the week ni Mighty ngayon" nang aasar na wika ni Emily sa kanya. Isa lang ito sa dami ng mga babaeng nababaliw kay Allen.

"Hindi ako interesado sa kabaliwan nya. Ikaw Emily alam ko namang baliw na baliw ka don, bat di nalang ikaw ang mag offer sa sarili mo? Nang sa ganon matahimik yang kaluluwa mo." mataray nyang sabi dito kaya inirapan sya nito at bumalik na sa sariling upuan.

Tsk! Maka pang asar lang ah. Nice.

Agad namang dumating ang teacher nila sa unang subject sa umaga. Ang Math! Great! My favorite subject. Hear the sarcasm in there! Damn it. Ang ganda talaga lagi ng simula ng umaga nya. Nagkaka El Niño agad ang utak nya. Tuyo na tuyo eh.

"Okay, good morning class" panimula ni Sir Sanchez. Nilapag din nito sa mesa ang dalang laptop at white marker.

"Good morning sir" sabay na sagot nila dito. Binuksan na nito ang laptop at ikinonekta na ito sa projector na nandito sa classroom. Bumungad agad ang isang graph sa puting tela na nasa harap nila.

Hahay! Math is boring. Kahit pa napakagwapo nitong si Sir Sanchez eh, di parin nya gusto ang subject nito. Though, di naman ito nagagalit pag dika nakakasagot aa mga recitation nya. Mabait rin naman ito. 25 palang kasi ito at binata pa. Marami rin ang nagka crush kay Sir. Syempre sino bang hindi. Duhh? Uhaw sa mga gwapo ang mga estudyante dito noh.

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now