Ika Unom

323 12 0
                                    

Chapter Six

NAKATAMBAY na naman sila sa ilalim ng puno dito sa soccer field dahil alas tres na ng hapon. May mga nag papraktis ng soccer pero wala si Allen don. Pati na rin ang iba nyang kaibigan. Sabi ng ibang estudyanteng tsismosa ay nagpapraktis raw ito ng archery. Di naman nagpumilit ang mga kaibigan nya na magpunta ron.

Bakit ko nga ba naman iniisip ang isang yon? Kinwento rin nya sa dalawa ang nangyari kahapon pag uwi nya. Parang mga pusang di mapaanak ang dalawa dahil sa di umano'y kilig na kilig sila. Sus! Anong nakakakilig don? Ang babaw talaga ng mga babae dito eh.

"Walang hiya ka talaga Shantal!" napalingon silang tatlo dahil sa sigaw ni Lina. Galit na galit ang mukha nitong lumapit sa kanila. Ano na naman ang problema ng isang to? Saltik lang eh?

"Ang kapal ng mukha mo para magsumbong kay Mighty na sinaktan kita! Ang kapal kapal mo!" sigaw ulit nito sa kanya. Dinuro duro pa sya nito. Pero tiningnan ko lang sya ng na bobored na tingin. Halos umusok naman ang ilong nito dahil sa ginawa nya.

Hmmp! Wag mo akong ma turo turo dyan! Kagatin ko yang daliri mo may rabies pa naman ako. But I change my mind. Baka rin may virus ka eh. Ewws!

"Hoy Ateng! Totoong sinaktan mo naman talaga si Shantal ah' kita mo, sa gaspang ng kamay mo naging pasa ang paghawak mo sa kanya kahapon! Lakas maka kapal ah!" asar na sagot ni Erza dito.

Di naman nito binalingan ang kaibigan nya dahil sa kanya ito nakatingin. Ang talim ng titig mo Ateng! Dukotin ko yang mata mo! Gusto mo? Patuka ko agad kay Ulap at Ube ! Yung sisiw kung kulay violet at sky blue. Ang cute pa naman non.

"Wag kang oa Lina. Hindi ako ang tipo ng babae na magsusumbong sa mga nangyayari. Wag mo akong itulad sayo" humikab pa sya matapos sabihin yon. Kaya asar na asar lalo ito sa kanya. Mamatay ka sa asar dyan.

"Sinabi nya sa akin na sinabi mo na sinaktan kita! Ang kapal ng mukha mo!" sigaw parin nito sa kanya.

Na badtrip na sya ah! Naka ilang kapal na to sa kanya ah. Baka pwede ko na yang ipa bookbind sa kapal. Libro lang Ateng!

"Wag mo akong itulad sayo Lina. Hindi ako katulad mo na parang inagawan ng candy kung makangawa dyan. At wala akong paki alam sa inyo ng sigarilyo mo! Magsama kayo. Duhh?" inis na irap nya rito.

"Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Mang aagaw ka!" Bigla naman syang sinabunutan nito. Kaya hinawakan nya rin ang buhok nito at hinila rin.

To the rescue rin ang mga alipores nito kaya pati mga kaibigan nya ay nakipag hilahan na rin ng buhok. Lamang sya rito dahil mas matangkad sya rito. Pati na rin ang mga kaibigan nya. Dalawang kalmot sa braso ang tinamo nya dahil sa haba at talim ng kuko nito. Humapdi agad ito. Shit!

"Bitawan mo ako! Shit!" sabi nya sabay hila ng mas malakas sa buhok nito. Nahila nya rin ang blouse nito kaya natanggal ang tatlong butones at kita na ang bra nito, dahilan ng maarti nitong pag tili. Tumitili rin ang mga alipores nito.

"Shit! Ouch! Bitawan mo ako!" Maarte na sambit ng kasama nito. Hinila siguro ng mga kaibigan nya.

"WHAT'S GOING ON HERE!! EVERYBODY THAT INVOLVES IN THIS CAT FIGHT! GO TO THE DISCIPLINE OFFICE NOW!" sigaw ng isang guro na nakakita sa kanila.

Ang lakas ng pintig ng puso nya dahil sa pakikipag sabunutan nila. Ang init init ng pakiramdam nya. Gulo gulo rin ang buhok nila. Ang mga kaibigan nya ay parang binagyo rin ang buhok, samantalang para namang dinaanan ng napakalakas na buhawi ang hitsura ng mga alipores ni Lina. Pati na rin ito.

"Ano pang hinihintay nyo! Now!" Sigaw ulit Mrs. Castro. Nauna na itong naglakad. Padabog na sumunod sya at ang kaibigan nya rito. Habang nagpupuyos naman sa galit ang grupo ni Lina. Binunggo pa sya nito at naunang pumasok sa D.O. Sarap sabunotan uli ah!

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now