Ika Biente Dos

256 12 0
                                    

Chapter Twenty Two

"KUMUSTA ang--- anong nangyari sayo Eve?" nagtatakang tanong ni Nay Lucy sa kanya pagdating nya sa bahay nila.

She looked so messed because of what happened.

"Wala po nay, napuwing lang po ako. Akyat na po ako sa taas" di paman nakakasagot ay naglakad na sya papunta sa kwarto nya. Kahit narinig pa niya ang Nanay Lucy nyang tinawag sya ay di na nya ito nilingon.

Gulong gulo ang isip nya. She couldn't believed in what Lina told her. She knows it! Her mom loves her dad so much. At ganon din ang daddy nya.

Good thing na wala pa ang mga ito sa bahay nila. Tumawag ang mommy niya kanina na bukas pa ng gabi ang mga ito uuwi. Tumawag rin si Shanon kanina upang kumustahin sya.

Di nya mapigilang umiyak dahil sa nangyari sa kanya ngayong gabi. She didn't expect those things to happen. She really thought that Allen will get engage with Lina. Instead, its the other way around.

Tinanghali sya ng gising kinabukasan dahil hindi agad sya nakatulog kagabi pag dating nya. Marami syang iniisip. At isa pa, hinihintay nyang tumawag o magtxt si Allen sa kanya. Pero nakatulog nalang sya ay walang dumating. Maybe he's busy in fixing the problem that they made in there.

Agad rin syang naligo at nag ayos para makapag almusal na sya. She's starving. Its brunch na nga eh.

"Oh, Eve, kumain kana. Tinanghali ka. Wala ka bang lakad ngayon?" nabungaran nya si Nay Lucy na nag hahain ng pagkain nya sa living room.

"Wala po nay. Pagod po ang mga kaibigan ko, kaya di kami gagala" ngumiti naman sya rito tsaka naupo na rin upang kumain.

"Oh sige. May aayusin lang ako sa library hah. Tawagin mo nalang si Yna kung may kailangan ka ha" saad nito sa kanya pero agad naman syang umiling dito.

"Kaya ko na po Nay. Wag na po kayong mag alala, salamat po" tsaka nya pinag patuloy ang pagkain nya.

Tumango nalang din ito sa kanya at lumabas na ng living room. Nakita nya sa glass window si Yna na naglilinis sa swimming pool nila. Si Marie naman ay namataan nya sa may garden. May tinatanim sigurong bagong bulaklak.

Pagkatapos kumain, ay napag pasyahan nyang maliligo nalang sya sa swimming pool ngayon. Maganda naman ang sikat mg araw. Para na rin gagaan ang pakiramdam nya.

Agad syang nagbihis ng black two piece at pinatungan ito ng puting roba. Bitbit ang cellphone, laptop, sunblock cream ay lumabas na sya patungo sa swimming pool area. Sakto namang tapos na rin si Yna sa paglilinis.

Pinatong nya muna ang mga dala nya sa mesa na nandoon at nagpadala na rin ng tubig at chocolate cookies para sa snack nya.

Lumalangoy sya ng marinig nyang tumunog ang laptop nya, kaya agad syang umahon upang tingnan ito.

"Yes Rix?" bungad nya sa kakambal nyang napakaseryoso ng tingin sa kanya. Naka Skype sila ngayon.

"What's this I've read in social media Shantal Eve?" kunot nuong tanong nito sa kanya. Kaya napakunot rin ang nuo nya dahil sa tanong nito.

"What? I didn't brows yet. What is it about?" takang tanong nya ulit rito. Tumiim lang ang bagang nito na mas lalong ikinadepina nito.

"Check it. Call me after. Make sure that you can fix that. Don't let mom and dad saw it" seryosong utos nito sa kanya tsaka pinatay ang tawag.

What was that? Tsk! Shanon Evrix and his mysteriousness!

Nag brows nalang rin sya dahil naco-curios rin sya sa sinabi ng kapatid nya.

Shantal Eve Clemente ruined my engagement party Friday night! That bitch and her talent! She really can't accept the fact that Mighty is going to marry me soon! She can't get over with him that's why she made her way!

Yan ang unang nabasa nya na post ni Lina. Agad na kumulo ang dugo nya dahil sa pinost nito. Ang kapal nga naman. Napakarami ng nag comment nito at nag react rin.

'Ow? Is that a girl that Mighty's flirted months ago?

'Oh my god! She's really a bitch huh! Nagawa nya talagang manira ng engagement party.

'Ang kapal nya ah. Akala ko pa naman iba sya. Sus! Wala rin pala to eh.

At marami pang mga negative comments na nabasa nya tungkol sa kanya. Galit at inis ang nararamdaman nya ngayon. Wala man lang ginawa si Allen dito. Tapos hindi pa rin ito nagtext sa kanya! Di na rin lang sya nag comment dito. Wala rin namang silbi. They really hooked by Lina's drama.

Tenext nalang nya si Shanon pagkatpos nyang mabasa ang post ni Lina na wag nalang sabihin sa parents nila ang nangyari. And she will surely fix it.

Buong weekend nya ay inubos nya lang sa pag tambay sa bahay nila. Umuwi ang Mommy't daddy nya sabado ng gabi pero bumalik ring ng maaga kinabukasan dahil sa mga inasikaso ng mga ito. Di na nga sumama ang kambal nya sa pag uwi eh. Nakakatampo tuloy. Di man lang ba nya ako namimis. Tsk!

Pagpasok pa lang nya sa gate ng university ay marami na syang narinig na usap usapan.

"Talaga? Hindi na tuloy ang engagement party nina Lina at Mighty?"

"Yeah! And it's because of Shantal"

"Kawawa naman si Lina"

"Grabe! Nagawa ni Shantal yon?"

"Grabe! Nilandi raw ni Shantal si Mighty don sa venue eh"

Masama ang tingin nyang ipinukol sa nagsabi non sa kanya. Agad naman napaiwas ang mga ito at naglakad palayo sa kanya. Nagpatuloy nlang sya sa paglalakad patungo sa classroom nila.

Naabutan nya ang dalawang kaibigan na may kung anong kinakalikot sa sari sariling cellphone ang mga ito. Kaya nilapitan na nya ito at naupo sa upuan nya. Agad namang bumaling sa kanya si Erza.

"You read Lina's post right?" tanong nito sa kanya at tinanguhan nya lang.

"Yet, you didn't comment or something about it?" tanong din sa kanya ni Alwyn na kunot ang nuo.

"What do you want me to do then? I am really the reason why the engagement is off" suko nya sa dalawa.

"But you should explain yourself! Its Mighty and not you who did it!" giit ni Alwyn sa kanya pero seryoso lang sya.

Ang tumatakbo sa isip nya ay ang sinabi ni Lina sa kanya nong gabing yon. That her mother ruin Lina's mother engagement party too. That my mom loves his dad. Is it really true?


⏳🐇

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now