Ika Upat

416 14 0
                                    

Chapter Four

ALAS singko ng hapon na ng nakarating sya sa bahay nila. Nagtaxi lang sya kasi nagpunta pa sila ng mall kanina kasama ang dalawang kaibigan.

Bumili kasi sya ng bagong pocket book sa national book store. Bumili na rin sya ng ibang gamit dahil ubos na yung iba. Namili naman ng damit si Alwyn at Erza.

Kumunot ang nuo nya pagka baba ng taxi dahil may nakapark na isang shining convertible sky blue Lamborghini sa harap ng gate nila. At naka hilig dito ang isang Mighty Allen De Vinci habang tinitingnan syang naglalakad palapit sa gate nila. May dala pa itong bouquet of purple and white roses. Tumayo naman ito ng maayos ng nakalapit na sya. Salubong ang kilay nyang tumigil sa harapan nito.

"What are you doing here?" tanong nya agad dito. Naku! Baka maabutan kami ni Mommy o daddy dito. Ano nalang ang sasabihin non! Na may nanliligaw na sa akin! My god!

"Kanina pa kaya akong alas tres dito. Ang tagal mo namang umuwi" nakangusong reklamo nito sa kanya. He look so cute in that gesture. But it didn't change the fact that he's a f*ckboy!

"I didn't tell you to wait me here. Bat di ka umuwi kung kanina ka pa pala. And I don't have time to tell you my whereabouts, dahil diko yun obligasyon" irap nya rito kaya mas lalo itong napanguso. Inabot nito sa kanya ang bulaklak na dala.

"Oh' kahit pinaghintay mo ako ng matagal, may bulaklak ka parin galing sakin. Tsaka tanggapin mo yan dahil alam kong paborito mo yan. Di ka allergic dyan. Wag kang mag palusot." San naman kaya nito nalaman ang impormasyong yan.

"Tanggapin mo na kung hindi di ako aalis rito." Banta nito sa kanya. Napalaki ang mata nya dahil sa narealize.

My god! Baka pauwi na si mom o kaya dad! Baka makita sila ng mga ito. Kaya dali dali nyang inabot ang bulaklak na hawak nito.

"O sige na! Alis na ! Bilis!" Pagtataboy nya rito. Tinulak pa nya ito patungo sa driver's seat.

"Bat mo ba ako pinapaalis" reklamo nito sa kanya pero pinagtutulak nya parin ito.

"Just go, my parents might see us! Baka ano pang sabihin ng mga yon!" Sagot nya rito at nakapasok na ito sa saksakyan

"Does it matter? Mas mabuti na yon, sasabihin kong manliligaw ako sayo" nakangisi nitong pahayag. Natigilan naman sya at nanlalaki ang mata nya dahil sa sinabi nito. Sinapak nya ito kaya napahawak ito sa batok nito.

"Tigilan mo ako sa mga trip mo Allen! Umalis kana nga!" napapakamot ito sa ulo tsaka pina tunog ang sasakyan nito.

His convertible sky blue Lamborghini is very much like him. Ang bilis maka agaw ng pansin. Sa sobrang ganda nito, hindi lang mapapa second look ang makakakita nito, mapapatitig talaga at susundan ito ng tingin hanggang sa mawala ito sa paningin mo. At alam mong mamahalin ito sa unang sulyap palang. Parang di mo na yang abutin ito.

Sobrang katulad ng may ari nito. Nakaka agaw ng pansin twing dumaan o nakikita ito. Sa gwapo nito at tangkad, dimo mapipigilang mapalingon at mapatitig dito. At sa sobrang sikat, parang ang hirap makipag lapit dito.

Napahawak sya sa bintana nito. Bigla naman kumunot ang nuo nitong nakatingin sa kamay nya. Kaya binitiwan nya ang bintana. Pero hinawakan nito ang kamay nya at tinitigan ng mabuti.

"Who did this to you?!" galit na tanong nito sa kanya. Napatingin naman sya sa kamay nya. Nakita nya ang namamaga at medyo violet ng kulay ng pulsuhan nya. Damn! Nagkapasa nga.

"Bwisit! Nagkapasa na pala. Ang gaspang talaga ng kamay ni Lina. Kasing gaspang ng ugali nito. Tsk!" napapailing nyang tiningnan din ang pulsohan nya. Tahimik nang pinagmasdan nito ang kamay nya tsaka ito nagpaalam na sa kanya.

"Sige na nga, aalis na ako. Sa ngayon pagbibigyan muna kita. Pero sa susunod hindi na" seryosong sabi nito tsaka nagpaalam at umalis na. Asa ka namang may susunod pa. Neknek mo Allen.

Diritso sa kwarto at nilapag nya ang bulaklak na bigay ni Allen sa kanya kanina sa study table nya. Napatitig sya rito. Ang ganda gandang tingnan ng purple at white roses na pinaghalo. Nakakagaan ito sa pakiramdam nya twing nakakakita sya ng ganito.

Nagbihis muna sya ng short shorts nya at tinernohan ito ng itim na racer back bago niya nilagay sa flower vase na nasa kwarto nya ang mga bulaklak. Sayang naman kung pababayaan nya ito. Ang ganda pa naman. Natapos na nya itong nilagay sa vase at nag bukas na sya ng laptop nya para magsimulang gumawa ng assignment nila sa math.

Tatlong minuto na nyang tinitigan ang graph na nasa harap nya. Natatawa tuloy sya twing pumapasok sa isip nya yung sinagot nya kanina sa recitation. Di nya rin alam bakit ganon yung sinabi niya eh. Napalingon sya sa pintuan ng kwarto nya ng may kumatok dito.

"Eve, labas kana. Mag didinner kana. Naghanda na ako" tawag sa kanya ni Nay Lucy. Nasa 50s na si Nay Lucy, at matagal na itong naninilbihan sa kanila. Sabi ni Mommy, mula nong dalaga pa raw sya ay naninilbihan na si Nay Lucy sa kanila. At ito raw talaga ang nag aalaga sa kanya nuon pa man. Kaya ng mag asawa na si mommy ay pinili nitong dito na rin manilbihan sa kanila.

"Opo nanay, lalabas na po ako." agad na sagot nya rito at naglakad na palabas ng kwarto nya. Nasa dining table si Nanay Lucy at nag lalagay ng sabaw sa bowl nya.

"Nay, wala pa po ba sina Mommy't daddy?" tanong nya rito ng sya lang ang nasa mesa.

"Mamaya pa ang dating ng mommy mo Eve, ang daddy mo naman ay nasa Villaberde pa raw. May inasikaso sa flower farm. Kumain kana" wika nito habang naglalagay rin ng adobong manok sa isang pinggan.

"Sabay kana po sakin nay" yaya nya rito. Ngumiti naman ito at tumango ito. Kumuha muna ito ng sariling pinggan at kutsara bago umupo sa harap nya. Nag simula na syang kumain at ganon din ito.

"Oo nga pala Eve, may lalaki kanina na naghahanap sayo. Allen raw ang pangalan nya. Gwapong binata. Kilala mo ba?" nag angat sya ng tingin dito dahil sa tanong nito. Tumango sya rito at nilunok muna ang kinakain nya.

"Ah, school mate ko po yon nay" sagot nya rito. Nagpatuloy naman ito sa pag subo.

"Di ba yon manliligaw mo?" tanong ulit nito sa kanya na ikinasamid nya. Titigan sya nito nang maigi dahil sa pagka samid nya. Agad naman syang uminum ng tubig. Hinimas himas pa nya ang dibdib nyang naninikip kanina. Tae! Mamamatay ata ako nito eh.

"Nay, hindi ko yon manliligaw! Tsaka may girlfriend yon" agad nyang sabi dito. Bah! Tinaasan pa sya ng kilay nito. Hmmp!

"Oh? Bakit may dala dala pa iyong bulaklak. Tsaka sabi nya sa labas nalang daw nya ka kamo hihintayin para mabigay agad sayo ang bulaklak" pang iimbistiga nito sa kanya. Napakamot naman sya sa ulo nya.

"Eh nay, wag ka pong maniwala don. Loko loko yun sa school. Tsaka wag nyo ng pansinin yon kung pupunta ulit yon dito ah" tugon nya rito. Dahil baka kung ano ano naman ang sasabihin non dito kay Nay Lucy at malalagot ako kina mommy nito.

"Sigurado ka ba dyan? Naku ! Wag ka munang mag nobyo ah. Kung mag nonobyo ka man, nobyo lang muna" pangaral nito sa kanya. Tumango nalang sya para di na humaba ang usapan pa nila. Nagpatuloy naman sila sa pagkain. Kinukumusta naman sya nito tungkol sa pag aaral na agad naman nyang sinasagot. Nagpaalam na sya rito pagkatapos nyang kumain dahil may tatapusin pa syang assignment sa kwarto nya.

⏳🐇

Painful Sceneries-COMPLETED (UNEDITED)Where stories live. Discover now