Kumurap-kurap ako at tumango. Sinulyapan si Nanay Mercy na biglang naging abala. Itinabi ko ang laptop sa gilid at kinuha ang mga paperbag.

"Si Margot po ba, kasama rin?"

"Of course, Julienne. Oo nga pala, madalas ko kayong makita ng binatang anak ng Augustos? Manliligaw mo ba siya?"

"Naku! Hindi ho!"

Tumawa ito. Lumapit at isinalin sa kamay ko ang dalang mga paperbag. Hinawakan ang aking braso at dinala sa loob ng kuwarto ko. "Nasa tamang edad ka na at matanda na kami ng mga Tito mo. Kayo ni Margot, kahit mag-asawa ng maaga, okay lang. Basta kaya kayong buhayin at mahal niyo."

Sinara niya ang pinto at naiwan akong mag-isa sa walk-in closet. Dahil sa mga sinabi niya, sumagi sa isip ko si Frank. Nagawa na namin ang lahat ng ginagawa ng dalawang nagmamahalan. Sinabi ko rin sa kanya ng ilang beses kung gaano ko siya kagusto, ganoon din siya sa akin. Noon 'yon, hindi na ngayon. Ang buong nararamdaman ko sa kanya ngayon ay poot at galit. Wala akong hinahangad sa kanya kung hindi ang paghigantihan. Hindi sapat ang nalaman ko tungkol sa magulang niya, dahil sagad ang sakit sa puso ko ang ginawa niya noon.

Pinagkatiwalaan ko siya, pero sinira niya.

Umiling ako at kinuha ang unang paperbag sa gilid. It's a yellow one sided shoulder dress with a long slit on the side. The second one is too nude and conservative. Kabaligtaran naman ng pangatlo at pang-apat, over decoration. Ayaw ko ng mga sequence, masyadong exaggerated kaya nagmukhang cheap. Kahit pa nakita ko ang brand name nagsusumigaw.

Pinili ko ang dilaw. Bitbit ko 'yon sa veranda nang maabutan ko si Auntie na nakaharap sa laptop ko. Wala na si Nanay Mercy.

"Nakapili ka na?"

Tumango ako. Pinakita ang paperbag na napili ko.

She smiled widely and stood up. "Great! I'll just prepare the rest. You and Margot can relax."

Paalis na sana siya nang magsalita ako, "Akala ko po nasa Bayan kayo ngayon."

From her shoulder she glanced at me. "Uh huh!" Inalog niya ang hawak na mga paperbag. "Nakuha ko 'to ng maaga, kaya maaga rin ako nakabalik."

"Gano'n po ba? Ano po palang party ang pupuntahan natin?"

"It's your Uncle Jonathan's Alumni."

Bakit kailangan ko pang sumama? "Sige po. Salamat sa gown na 'to, Tita Daniella."

She nodded before gracing out of my sight. I heaved a long sigh. Sayang, hindi na natuloy ni Nanay Mercy ang sinasabi niya. Ano nga kaya ang ginawa ni Daddy? May kinakalaman kaya 'yon sa pagkawala ng mga bata noon? Bakit tinawag na kulto sila mama?

My attention drifted on my laptop. I got shocked when I noticed where the cursor being pointed. It's with Nanay Mercy. My last card!

Sumulyap ako sa pintong nilabasan ni Auntie.

Did she saw this?

Nang gabi ay isinama ako ni Margot sa mansion ng Montmeyer. Umalis ulit si Auntie, isinama naman ni Uncle Albert si Lola sa Owl City. Si Calum Villa-Real ang sumundo sa amin.

Hindi sana ako sasama kung hindi kay Margerine. "Sa Friday pa uuwi si Kuya. Sising-sisi nga siya na wala ngayon. Kung alam niya lang na sasama ka, umuwi sana siya ng maaga."

That draw my attention. Nagtagal ang titig ko sa kanya. Hindi lingid sa akin ang pinapahiwatig ng magpinsang Clifford at Calum. Noong party palang ramdam ko na ang lagkit ng mga titig nila sa akin. Clifford is a boy next door model while Calum had the foreign physique, though they both had the totoy effect with me. Kaedad ko sila, bagay na dapat ay kapalagayan ko ng loob. Kaso hindi ko alam sa sarili ko, wala talagang dating.

The UnnoticedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon