Chapter Fifteen

3K 170 81
                                    

#CYECChapter15


WHILE I was munching a pizza, I couldn't take my eyes off him. Hindi niya naman kamukha si Calizo pero bakit katulad niya ng paraan ng pagkilos si Calizo? He resembles him in the way he acts. And it's starting to bother me.

"I thought you're not interested in me?" taas kilay niyang sabi kaya agad akong umiwas ng tingin.

He demanded for a food after helping me for the whole day so we ended up eating here at Buono.

"Bilisan mo nang kumain," reklamo ko sa kanya, maya't maya ang pagtingin ko sa relo ko. Kailangan before 9PM nasa bahay na ako para masimulan ko na 'yong Netflix series na papanoorin ko.

"May date ka?" tanong niya saka niya tiningnan ang repleksyon ng sarili niya sa glass wall na katabi namin.

Iyan ang pinagkaiba nila ni Calizo. Si Calizo ay hindi mahilig tingnan 'yong sarili. Hangga't maaari nga ay ayaw ni Calizo na nakikita ang sarili niya. Pero itong si Hope, halos maya't maya talagang tinitingnan 'yong sarili niya kahit saan siya makahanap ng pagkakataon.

"Oo," sagot ko sa kanya para wala na siyang masabi. Napataas ang kilay niya at tumango-tango.

"Chas broke up with me."

Agad akong natigilan at napatitig sa kanya. Seryoso ba? Bakit naman nakipaghiwalay sa kanya si Chas? Kaya ba siya hindi pumapasok ilang araw na?

"And it's not because of you, don't worry," he added, taking a sip on his lemon juice.

I wonder why Chas broke up with him. She looked so in love with him, so why would she leave him?

Hindi na ako ulit kumibo pa at hinayaan ko siyang tapusin ang pagkain niya. Kanina pa ako tapos kumain, at ewan ko ba sa kanya kung bakit napakatagal niya.

"CR lang ako," paalam ko sa kanya at hindi ko na siya hinintay pang sumagot. Agad akong tumayo at naglakad papuntang CR dala-dala ang bag ko.

Buti na lang ay may bottled water ako sa bag kaya nakainom ulit ako ng pills ko. Halos hindi ko na nabilang kung ilan ang naibuhos ko sa palad ko dahil diretso ko nang ininom lahat ng 'yon.

Pagkabalik ko sa mesa namin ni Hope ay hinintay ko pa siya nang matagal dahil uminom pa siya ng beer. Napapailing na nga lang ako habang pinagmamasdan siya. Halos kalahating oras na ulit ang nakalilipas at talagang nauubos na ang pasensya ko. Hindi ba siya makaramdam na nagmamadali na ako?

Magrereklamo na sana ako sa kanya pero natigilan ako nang maramdaman ko ang biglaang pagsikip ng dibdib ko. Napakapit ako sa mesa dahil nahihirapan akong huminga. Nang mapatingin sa 'kin si Hope ay pilit kong tinago ang hindi magandang nararamdaman ko at saka ako pilit na umayos ng upo.

Tumahimik na lang ako at hinayaan siyang uminom ng uminom. Wala na rin kasi ako sa kundisyon para tumayo agad at maglakad dahil nararamdaman ko na ang bahagyang panghihina ng katawan ko kasabay nang mahirap na paghinga.

Nang sa wakas ay magsawa siya sa iniinom niya ay siya na mismo ang nag-aya na umuwi pagkatapos naming magbayad.

"Thanks for the treat, Ciem," he said, flashing me a smile. He's clearly drunk. His cheeks are all red, and he couldn't walk straight at all. Ang hina niya naman uminom? Nakailan lang naman siya kanina. Napailing tuloy ako at napasapo sa noo ko.

"Saan ka ba nakatira? Ihahatid na kita," madiin kong sabi dahil sa itsura niya pa lang ay baka madatnan na lang siya ng mga tao kinabukasan sa kalsada, mahimbing na natutulog.

He shook his head and waved his hands dismissively. "You don't have to do that. I'm not that drunk."

"Oh really?" I raised a brow at him.

"Yeah. Thanks again for the treat," huling sabi niya bago niya ako tinalikuran. Magkaibang way pala kami nang dadaanan. Nasanay akong kasabay ko siyang maglakad papunta sa bahay ko. Napailing na lang ako nang maisip ko 'yon saka ako nagsimulang maglakad pauwi.

Malapit na ang Pasko pero halos napakadilim pa rin ng dinadaanan ko. Sa ibang mga lugar ay maliwanag ang mga daanan sa gabi lalo na kapag malapit na ang Pasko. Bakit ba kasi nandito ako sa lugar na 'to? Walang kabuhay-buhay maski 'yong mga nakakasalubong ko.

Dumaan na muna ako sa convenience store na palagi kong tinatambayan at bumili ako ng dalawang Delight saka ng tatlong Pringles na iba't ibang flavor. Kailangan ko 'to para sa panonood ko mamaya.

Papalabas na sana ako ng convenience store pero may nakabanggaan ako. Nag-slowmo sa paningin ko 'yong pagtilapon sa sahig no'ng mga binili ko. Sa lakas no'ng pagkakahulog ay talagang humiwalay sila sa plastik. Napabuntonghininga ako. Akmang pupulutin ko na sana ang mga 'yon pero natigilan ako nang makaramdam ako ng biglaang pagsakit ng tiyan ko.

I closed my eyes in pain. Why am I feeling this way? Kumakain naman ako sa oras palagi. I never failed to look after myself when it comes to food dahil doon lang din naman ako nakakakuha ng lakas.

"Here . . ."

May biglaang nag-abot sa 'kin no'ng mga nahulog ko sa sahig kaya nag-angat ako ng tingin at agad naman akong natigilan nang makita ko siya.

"Calizo . . ." gulat na sambit ko. Bakas din sa mukha niya ang pagkagulat nang makita niya ako. "H-Hey," bati niya sa 'kin.

Matagal-tagal na rin pala simula no'ng huling kita namin at hindi ko alam kung matutuwa ba ako na nagkita kami ngayon o kung kailangan ko bang umiwas sa kanya dahil alam niya ang kalagayan ko.

"Are you alright?" tanong niya sa 'kin nang mapansin niyang nakahawak ako sa tiyan ko kaya agad akong bumitaw doon at umayos ng tayo. Tinanggap ko 'yong inaabot niya sa 'kin saka ako tumango.

"Yeah. Okay lang," tipid na ngiti kong sabi. Hindi siya kumibo at nanatili lang siyang nakatingin sa 'kin.

"Sorry for leaving you like that the last time we've met," I said, flashing him an apologetic smile. "I didn't mean to treat you that way. I was just . . . out of it, that's all."

Tumango lang siya at ngumiti. "I know," sagot niya.

"Do you want to hang out?" dagdag pa niya pero agad akong umiling.

"Maybe next time," sagot ko. "I'll call you when I'm free."

"Yeah, sure," nakangiting sagot niya.

Before I could even say good bye to him, I halted when my eyes darted to his watch.

It's the same watch Hope was wearing, and I don't feel good about this.

Something is up . . .


___

What do you guys think is going on between Calizo and Hope? Please don't forget to vote and comment. Thank you!

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now