Chapter Eleven

3.2K 149 39
                                    

#CYECChapter11


PAGKABALIK namin ni Hope sa loob ng bahay ay natanaw ko na si Adam na pababa pa lang ng hagdan. Nakaputing sando lang siya at blue boxer shorts kaya agad akong napatingin kay Chas.

Napakunot ang noo ko. Sabi ko na nga ba, 'yong mga mata na naman ni Chas.

Medyo magulo pa ang buhok ni Adam at halatang kagigising lang. Wala pa nga siya sa sarili habang bumababa ng hagdan kaya hindi niya pa nararamdaman ang presensya namin. Nang ilang hakbang na lang sa hagdan ay agad siyang napatingin sa 'min.

Para bang nawala ang antok niya nang makita niya ako at agad na lumapit sa 'kin para halikan ako sa pisngi. "Good morning," nakangiting bati niya sa 'kin.

"Ano ba 'yan, 'di ka pa naliligo humahalik na agad sa 'kin," reklamo ko kaya napangisi siya. "Parang 'di kita hinahalakan dati kapag bagong gising ako, ah? Sabi mo pa nga ang bango-bango ko kahit kagigising lang."

Mahina ko siyang hinampas sa braso. "May mga ibang tao. Napakaingay naman nito."

Humalakhak siya at napatigin sa mga kasama ko. "Hey, thanks for coming," bati niya sa kanila at nakipagkamay naman siya kila Sandro at Hope. No'ng bebeso sana sa kanya si Chas ay agad kong hinila si Adam papalapit sa 'kin kaya nagtataka siyang tumingin sa 'kin.

"Layuan mo 'yan. Pinagnanasaan ka niyan," natatawang sabi ko kaya inirapan ako ni Chas.

"Napaka-judger mo! May boyfriend na kaya ako!" reklamo niya saka siya dumikit lalo kay Hope kaya nagtawanan kami.

Tinawag na kami ni Tita sa dining area kaya nagpunta na kami doon para kumain. Tulad ng dati, si Adam ang palaging nag-aasikaso ng uupuan ko.

"Thanks," sambit ko at nginitian niya naman ako.

Nakakatuwa kasi nakita ko agad na halos lahat ng nakahain sa mesa ay 'yong mga paborito kong luto ni Tita.

Napapaisip tuloy ako kung sino ba talagang may birthday, ako ba o si Tito? Syempre, biro lang. Mamayang gabi pa panigurado ang celebration namin para sa birthday ni Tito. Simpleng lunch time pa lang naman ito.

Tulad ng dati ay si Adam ang naglalagay ng mga pagkain sa plate ko. Pinipigilan ko nga siya kasi nakakahiya kila Tita. Baka isipin nila, hindi na nga kami ni Adam tapos nagpapaasikaso pa ako.

Nakipagkuwentuhan sila Tita kila Chas habang kumakain. Nagkasundo rin sa mga bagay-bagay sina Sandro, Hope, at si Tito habang nagkukuwentuhan. Mabait talaga ang buong family ni Adam. Maayos silang makisama at masaya silang kasama.

Bahagya akong napatingin ay Adam at nahuli ko siyang nakatitig lang sa 'kin.

"Matunaw naman ako," I complained, laughing.

"I just can't believe you're here with us again," he said, flashing me a genuine smile.

"'Di pa kasi kayo magbalikan?"

Sabay kaming napatingin kay Adlei na nakatitig sa 'min ni Adam. Dumistansya tuloy ako ng konti kay Adam at umiwas ng tingin kay Adlei. Hindi ko rin kasi alam ang isasagot ko.

Saktong pag-iwas ko ng tingin kay Adlei ay nagtama ang paningin namin ni Hope. Daldal ng daldal si Chas sa tabi niya pero 'yong paningin niya ay nasa 'kin. Hindi ko tuloy alam kung nakikinig ba talaga siya kay Chas, o talagag nasa'kin ang atensyon niya? Pero bakit naman niya itutuon sa 'kin ang atensyon niya? Hindi naman ako ang girlfriend niya.

"Ciem, anak, bakit hindi ka na lang dito sa 'min tumira? Sabi sa 'min ni Adam ay mag-isa ka lang daw sa bahay. Mas okay dito, Ciem, para marami kang kasama. Nandito rin naman si Adlei. Kaysa mag-isa ka. Mahirap kaya kapag nagkakasakit tapos mag-isa ka lang. Dito, maraming mag-aalaga sa 'yo," nakangiting sabi ni Tita.

Palihim akong napakapit sa boxer shorts ni Adam sa ilalim ng mesa, senyales na humihingi ako ng tulong sa kanya dahil hindi ko alam ang isasagot ko kay Tita.

"Mom, she's not as immature and dependent as Adlei. Kaya naman ni Ciem 'yong sarili niya. And lagi ko naman siyang pupuntahan sa bahay niya para masigurado kong okay siya. If she'll allow me," saad niya saka siya bumaling sa 'kin.

Napalunok ako dahil sa sinabi niyang iyon. Seryoso ba siya? Bakit naman siya mag-aabalang puntahan ako palagi? Masyado na siyang maraming pinagkakaabalahan at ayaw ko nang dumagdag pa.

"You don't have to do that, Adam," sagot ko.

"Please?" pakiusap niya sa 'kin habang nakatitig sa mga mata ko.

Iyan na naman siya sa ganiyang tingin niya sa 'kin. 'Yong gan'yang titig niya ay 'yong mahirap tanggihan.

Napabuntonghininga tuloy ako saka ako napatango. "Okay," sagot ko. Agad na lumapad ang ngiti niya pati na rin nila Adlei.

Nang mapatingin ako kay Hope ay natigilan ako. Madiin siyang nakatitig sa 'kin na para bang hindi niya nagustuhan ang sagot ko. Ano bang problema niya?

Pagkatapos naming kumain ay kinuha ni Adam ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Ligo lang ako," paalam niya kaya napataas ang kilay ko.

"Bakit nagpapaalam ka pa? Nandito lang naman ako."

Napangiti siya at tumango bago siya tuluyang umakyat sa taas.

"Does he know?" said by a voice behind me. Slowly, I turned around and saw Hope, crossing his arms above his chest while leaning on the wall.

"About your Somniphobia. Does he know?" ulit niya.

"He doesn't need to know."

"He needs to know."

"Bakit ba naningialam ka?" inis kong sabi. Naiirita na talaga kasi ako sa kanya dahil hindi ko maintindihan 'yong mga kilos niya pati ang mga lumalabas na salita mula sa bibig niya.

"You won't let me help you. You won't let anyone help you. Lahat ng gustong tumulong sa 'yo, tinatanggihan mo. You should at least let your ex know about your Somniphobia. He might help you."

Now I regret telling Hope about my story. He knows how I rejected all the treatments that I need.

"You don't understand, and you'll never understand," madiin kong sabi. Kaming dalawa na lang ang naiwan dito sa dining area kaya kami lang din naman ang nagkakarinigan.

"It's either you tell him, or I will," seryosong sabi niya kaya nanlaki ang mga mata ko. Bago pa ako makasagot ay umalis siya sa harapan ko at dirediretso siyang lumapit kay Chas na nakikipagkuwentuhan kila Adlei at Sandro.

Napabuntonghininga ako.

Why do you care, Hope?

Close Your Eyes, CiemWo Geschichten leben. Entdecke jetzt