Chapter Two

5.7K 187 211
                                    

#CYECChapter2


"W-WHO'S in there?" kinakabahang sabi ko.

Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang naglalakad ako papalapit sa aparador. Kanina pa ako may naririnig na kaluskos mula roon at ayaw akong patahimikin nito.

Nang makalapit ako sa aprador ay ipinikit ko ang mga mata ko. Mabilis ang kabog ng dibdib ko at gustong-gusto kong buksan 'yong aparador pero nangingibabaw ang takot ko. Paano kung may makita na naman akong . . . f*ck. Bakit ba? Ano ba ang kinatatakutan ko? Sa ganitong mga oras ay kailangan kong magpakatatag para protektahan ang sarili ko. Wala akong ibang kakampi kundi ang sarili ko. Walang ibang tutulong sa 'kin kundi ang sarili ko. Sarili ko lang.

Akmang bubuksan ko na sana 'yong aparador pero natigilan ako nang may marinig akong umiiyak mula sa likuran ko. Nagpigil akong magpakawala ng malalim na hininga dahil ayaw kong mabakasan niya ako ng kahit kaunting takot.

Unti-unti akong lumingon sa likuran ko at mabilis akong napaatras nang makita ko ang isang babaeng umiiyak doon sa kabilang sulok ng kuwarto ko.

Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatabunan ito ng mahaba niyang buhok pati ng mga braso niyang nakayakap sa kanyang mga tuhod.

Nagsimula akong umiyak nang makita ko ang dugo sa sahig ng kuwarto ko at mabilis akong umakyat sa kama ko para umiyak.

"P-Please, go away!" basag na boses kong sigaw. Paulit ulit na lang na nangyayari 'to sa 'kin at napapagod na ako. Nahihirapan na rin akong huminga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

Kailan ba matatapos ang lahat ng 'to?

Kailan ko ba mararanasang maging payapa ang buong araw at gabi ko?

"Go away!" sigaw ko pa ulit.

Gulat akong napabangon mula sa pagkakahiga. Naghabol ako ng hininga at dahan-dahang iginala sa paligid ang paningin ko. Maliwanag na sa labas at pumapasok na rito sa kuwarto ko ang sinag ng araw.

F*ck.

F*ck no.

No f*cking way.

F*ck. I fell asleep.

I f*cking fell asleep!

Paulit-ulit akong napamura sa isip ko nang mapagtanto kong nakatulog ako. I shouldn't have slept! Those f*cking nightmares felt real and I hate it! God, I hate it! I hate it so much!

I cried for hours because I couldn't accept the fact that I've fallen asleep.

No'ng mapagod ako kaiiyak ay tumayo na ako mula sa kama at nag-ayos ng sarili. I still have to go to work despite all the sleepless nights. I have no choice but to earn money and support myself financially. Wala namang ibang gagawa no'n para sa 'kin dahil ako na lang mag-isa.

I wore my navy-blue shirt paired with a high waisted pants. Ito ang uniporme ko sa trabaho.

Kahit nakatapos naman ako ng kolehiyo ay wala akong makuhang matinong trabaho. Palagi akong natatanggal sa trabaho dahil palagi rin akong wala sa sarili. And that proved me that life's f*cking unfair after all.

I'm a graduate of Business Administration major in Financial Management, worked for three different companies in a year but ended up getting fired over and over again. So here I am, working as a bookseller in a small bookstore located near my house. Ito na ang pinakanagtagal sa 'kin na trabaho at nakakatatlong buwan na ako rito.

Pagkapasok ko sa Paria, isang maliit na bookstore dito sa Briena town, binati ako nila Chas at Sandro pero wala ako sa mood makipag-usap kaya tumango lang ako at dumiretso na muna sa customer service area para iwan 'yong bag ko sa desk ko.

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now