Chapter Ten

3.4K 159 49
                                    

#CYECChapter10


"MOM'S inviting you this coming weekend. Birthday kasi ni Dad," saad niya habang nilalagyan ng vegetable salad 'yong plate ko. Alam niya kasing madalang ako kumain ng gulay at nakadepende pa iyon sa mood ko.

Nakita niya ang pag-aalinlangan sa mukha ko kaya nagsalita ulit siya. "You can bring your friends with you, if you want."

"Friends?"

"Workmates, sorry. 'Di ka nga pala friendly," pagbibiro niya kaya natawa ako.

"Okay, I'll ask them to come with me. Gusto ko rin kasi talagang makita sila Tito. Sobrang miss ko na sila. Kaso nahihiya akong pumuntang mag-isa. Baka akalain nila tayo na ulit."

Napataas ang kilay niya at tumango-tango para sumang-ayon sa 'kin.

"Wala ka bang pasok ngayon? Bakit pinuntahan mo 'ko dito? Malayo 'tong lugar namin sa inyo ah?"

"Wala akong klase 'pag Monday. Why would I go see you kung may klase ako? E'di nagalit ka pa sa 'kin," umiiling na sabi niya kaya napangiti ako. Now he knows his priority, and I'm glad about it.

Pagkabalik namin sa bookstore, bumungad sa 'kin si Chas na may mapanuksong tingin. Si Sandro naman ay abala sa trabaho, at si Hope naman ay wala na. Nakaalis na siguro. 1PM na rin kasi.

"See you this weekend?" nakangiting sabi ni Adam at agad akong tumango.

"I'll be there. I promise," sagot ko saka ko siya hinalikan sa pisngi. "Ingat, Adam."

Natawa ako ng mahina nang makita ko kung paanong mabilis na namula ang mga pisngi ni Adam dahil sa ginawa ko.

No'ng umalis si Adam ay naging abala na ulit ako sa trabaho. Si Chas ay maya't maya akong kinukulit kung sino si Adam, kaya napakuwento tuloy ako ng konti sa kanya tungkol kay Adam at kung sino siya sa buhay ko.

No'ng magsasara na kami ng bookstore ay sinabi ko rin sa kanila na iniimbita rin sila ni Adam na sumama this weekend. No'ng una ay ayaw ni Sandro, pero dahil mapilit si Chas ay nagawa niyang mapapayag si Sandro.

Lumipas ang weekdays na gano'n lang ulit ang nangyari. Pumapasok ako sa trabaho nang walang kahit na ilang oras na tulog. Nanghihina na rin ako minsan pero bumabawi na lang ako sa pagkain ng tama. Sa pagkain, tubig, at vitamins na lang talaga ako nakakakuha ng lakas. No'ng nakaraang Wednesday naman ay kahit papaano nakaidlip ako. 'Yon nga lang, grabe na naman ang iyak ko no'ng magising ako dahil nalaman kong nakatulog ako. I really hate the thought of it. Kahit tapos na akong matulog, takot na takot pa rin ako na nakatulog ako.

Pagsapit ng Sabado ng hapon ay si Hope ang sumundo sa 'min nila Chas. Sinama rin pala ni Chas si Hope para naman daw hindi lang ako ang may Adam. Minsan ang sarap takpan ng unan ni Chas sa mukha, eh.

Buong biyahe namin ay puro kuwentuhan lang nina Chas at Hope ang tanging naririnig namin ni Sandro. Tahimik lang kasi kami ni Sandro at madalang dumaldal, pero may mga oras naman na nagsasalita talaga kami ni Sandro.

Habang nakaupo ako sa likuran ni Hope ay bahagya akong pumagitna sa kanila ni Chas para ituro sa kanya ang direksyon pagkapasok na pagkapasok namin sa Vera City. Malawak kasi ang Vera City at medyo maraming pasikot-sikot bago makarating sa bahay nila Adam kaya ako na mismo ang nagturo ng direksyon kay Hope para 'di na kami maligaw o mataglan.

Nang sa wakas ay makarating kami sa tapat ng bahay nila Adam, pinarada ni Hope ang sasakyan niya sa gilid.

"I missed this place," nakangiting sabi ko habang nakatingin sa malaking bahay nila Adam.

"Kailan ba huling punta mo dito?" tanong ni Sandro.

"No'ng naghiwalay kami," sagot ko. "And that was six years ago," dagdag ko pa.

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now