Chapter Five

4.2K 167 56
                                    

#CYECChapter5


I laid in my bed, my heart beating so fast. I knew this would be a long night again. He's not here with me to make me feel okay.

Pinilit ko ang sarili kong manatiling gising. Maya't maya ko ring kinakagat ang sarili kong braso hanggang sa magdugo ito.

Nagpunta ako ng banyo para hugasan ang sugat ko at pinagmasdan ko ang sarili kong braso. Napakadami kong peklat dahil sa mga kagat na ginagawa ko sa braso ko para lang manatili akong gising.

Mas gusto kong saktan ang sarili ko kaysa makatulog ako.

Pinigilan ko ang sarili kong tawagan si Hope dahil ayaw kong makaabala sa kanya. Sanay naman na akong hindi natutulog at maliit na bagay na lang sa 'kin na wala siya. Bago pa man siya dumating sa buhay ko ay talagang kinatatakutan ko na ang pagtulog kaya palagi akong nananatiling gising. Hindi na bago sa 'kin ang ganitong sitwasyon.

Lumipas ang ilang oras at unti-unti nang lumiwanag sa labas ng bintana. Nasisinagan na rin ng araw ang balat ko, senyales na kailangan ko nang bumangon para gawin ang routine ko.

Naglinis ako ng bahay. Paulit-ulit lang ako sa pagpunas ng sahig sa kuwarto ko kung saan maraming dugo sa panaginip ko. Hindi ko alam kung bakit, pero nakasanayan ko nang linisin ang bandang iyon. Dahil na rin siguro sa walang katapusang pag-iisip ko sa imahe ng dugo na nagkalat sa sahig ng kuwarto ko.

Just like the normal days, I have to go to work despite the sleepless night.

Pagkapasok ko sa double door ng Paria Book Store, bumungad sa 'kin si Chas na malapad ang ngiti habang nakatitig sa phone niya. Panigurado, kausap niya na si Hope.

"Ciem!" bati niya sa 'kin saka siya lumapit sa 'kin at isinabit ang kamay niya sa braso ko. "Nakakakilig kausap si Hope!"

Nagsalubong ang kilay ko. Mukha bang interesado ako sa lovelife niya?

Sinenyasan ko si Sandro na hilahin palayo sa 'kin si Chas kaya agad siyang natawa at lumapit sa 'min para hilahin si Chas palayo sa 'kin.

"Working hours, Chas. Mamaya ka na lumandi," awat sa kanya ni Sandro kaya napasimangot si Chas at labag sa loob na inilagay ang phone niya sa drawer.

Lumipas ang buong araw, gano'n lang ulit. Naging abala kaming tatlo sa trabaho. Naubos nga ang energy ko doon sa isang babae na halos nabasa na lahat ng blurb ng mga libro sa shelf tapos wala namang binili kahit isa.

"Kailan daw babalik si Hope?" tanong sa 'kin ni Chas habang naglalakad kami sa sidewalk.

Tumatama na sa balat ko ang malamig na ihip ng hangin. Ber months na rin kasi kaya ganito kalamig tuwing gabi.

"Hindi ko alam. Bakit sa 'kin mo tinatanong? Kayo ang magkausap." Ngumiwi ako.

"Hindi ka ba niya tine-text?"

"Hindi," simpleng sagot ko.

"Wala bang social media accounts 'yon? Hindi ko siya ma-search, eh."

Matalim ko siyang tiningnan at inirapan. "Siya ang tanungin mo, 'wag ako."

"Ang sungit naman nito!" reklamo niya saka siya tumawa. "Sorry na, first time ko, eh," dagdag pa niya kaya napailing na lang kami pareho ni Sandro.

My phone buzzed with a text so I immediately pulled it out from my pocket.

It was a text from Hope.

Kumusta? Nakatulog ka?

"Dito na 'ko. Ingat kayo," paalam ko sa kanila dahil malapit na akong lumiko sa kabilang kanto. Kumaway naman silang dalawa sa 'kin bago sila nagpatuloy sa paglakad. Kakain pa kasi sila sa Buono.

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now