Prologue

9.1K 266 81
                                    


Started writing this story: June 24, 2021

Finished writing this story: February 6, 2022


#CYECPrologue



DON't fall asleep, Ciem.

It was a mantra. I repeated it to myself every night to make it through the hell that was sleep.

Sa panaginip ko ay palagi akong nakakakita ng babaeng umiiyak sa isang sulok ng kuwarto ko. Madalas din ay may dugo sa sahig, at nakaririnig ako ng mga sigawan sa labas ng kuwarto ko.

These vivid nightmares often cause distress throughout my day. I find myself thinking back to scenes from the nightmares, feel afraid of what happened in my dream, or worry about having more nightmares.

I had to learn to view my sleeplessness as a gift, but I feel too exhausted all the time. Nakakapagod kayang kalabanin 'yong sarili mong isip. Tapos ang nakakainis pa, kahit anong laban ang gawin mo, hindi ka pa rin nananalo. Kaya ang nangyayari, napapagod ka lang sa huli.

Nang makaramdam ako ng antok ay agad kong kinagat ang sarili kong braso. Sa sobrang diin nang pagkakakagat ko ay napahinto ako ng magsimula itong magdugo.

Agad na dumaloy ang hapdi sa balat ko, at maya-maya'y kumirot na ito.

Mabilis akong tumayo at pumunta sa banyo para hugasan ang sugat ko.

Habang dumadaloy ang tubig sa braso ko ay napatitig na lang ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili ko.

Ilang araw na akong walang tulog at kitang-kita 'yon sa mukha ko.

I know I should sleep, but I just couldn't do it.

Pagod na pagod na ako. Gusto ko na lang magpahinga . . .

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now