Chapter Four

4.7K 183 111
                                    

#CYECChapter4


PAGKATAPOS kong magproseso ng purchase payments, nag-unat muna ako saka naghikab.

Iginala ko ang paningin ko sa paligid at napansin kong wala na rin namang customers at nagliligpit na rin sina Chas at Sandro. 6:50PM na rin kasi at kailangan ko na ring mag-ayos ng mga gamit ko para makauwi na rin ako.

Habang pini-print ko 'yong pinapa-print ni Sandro na mga papeles, napatingin ako sa entrance door dahil biglang bumukas iyon.

Napahinto ako sa ginagawa ko at napatitig sa kanya habang naglalakad siya papunta sa 'kin.

Pagkahinto niya sa harapan ko ay agad siyang ngumiti. "Kain tayo bago pumunta sa bahay mo?"

Napatitig lang talaga ako sa kanya at hindi pa rin makapaniwala na nandito siya ngayon sa harapan ko.

Akala ko ay hindi ko na siya makikita ulit.

Sino ba naman kasi ako para balikan pa ulit niya? At paano niya nalaman na nandito ako? I don't remember telling him about my workplace.

I broke out of my trance when Chas suddenly appeared right beside me. "Grabe ang sweet. Pinuntahan ka talaga niya," mahinang sabi niya sa 'kin saka ako siniko.

Nagtataka akong napatingin sa kanya at agad naman na ngumiti ng malapad si Chas. "Kagabi bago kayo humiwalay sa 'min ni Sandro, tinanong ako ni Hope kung saan tayo nagtatrabaho. Tinanong ko muna kung bakit niya tinatanong, tapos sabi niya gusto ka raw kasi ulit niyang makita."

Hope cleared his throat and tapped the counter table kaya napunta muli sa kanya 'yong atensyon ko.

"Yeah, sure. Tara?" wala sa sarili kong sagot kay Hope.

Ngumiti ulit siya saka nagpaalam kina Chas at Sandro. Sabay kaming naglakad ni Hope palabas ng Paria Book Store at hindi ako makakuha ng tiyempo para makapagsalita.

"How was your day?" pagbasag niya sa katahimikan.

Nanatiling diretso sa dinadaanan ko 'yong paningin ko. "Okay naman kasi nakatulog naman ako kahit papaano."

Pagkatapos no'n ay pareho na kaming naging tahimik hanggang sa makarating kami sa Buono. Nagustuhan niya rin daw kasi 'yong mga kinain namin kagabi kaya gusto niya pa raw subukan 'yong iba pa nilang mga pagkain.

"Can you tell me more about yourself?" bigla kong sabi habang hinihintay namin sa mesa namin 'yong mga in-order namin.

He was ticking his finger repeatedly on the table and stared at my eyes. "Save that for later, Ciem. We still have a long night to go," saad niya kaya napatango agad ako. Sabi ko nga, eh.

"Did you really say that?" tanong ko ulit kaya nagtataka niya akong tiningnan.

"Na gusto mo ulit akong makita? Sinabi mo ba talaga kay Chas 'yon?" ulit ko.

"Ah . . ." There was silence for a second but he immediately broke it. "I said that to know where I could find her. She's actually my type," he said, shrugging nonchalantly.

"Ah . . ." Agad akong umiwas ng tingin at napakagat sa ibabang labi ko. Bakit ba nag-expect ako? Ano bang kahibangan ang sumagi sa isip ko?

"Matagal na ba kayong magkaibigan?" tanong niya sa 'kin.

Dapat ko ba siyang sagutin? Eh, sinira niya na ang mood ko.

"We're not actually friends. We just work at the same place, that's all."

"Not bad. Matutulungan mo pa rin naman siguro ako?"

Napakunot ang noo ko. "Saan?"

"Hindi pala ako humihingi ng tulong sa 'yo. Sinisingil pala kita sa utang mo," bigla niyang sabi kaya napataas ang kilay ko.

Close Your Eyes, CiemWhere stories live. Discover now