"Oh the whore," Sabi ni Kyleen

Napa iling ako, whore agad? Di pwede fame whore muna? Grabe.

"Hi Macey Ramirez," Sabi ni Vesta

"Hello Vesta Laxamana,"

Ngumiti siya. Jusme. Ano na naman nasa utak nitong babaeng to?

"I heard kayo na daw ni Stheno?" Tanong niya

"Hindi naman ako nainform, isa ka na pala sa mga stalker ko."

Biglang tumalim yung tingin niya sa akin, "I won't spend my precious hours just to stalk someone like you. You're not worth it,"

Napa hinga ako ng malalim, tuck some strands of my hair behind my ear at saka ngumiti ng pagkabait bait sa kanya, "Well, looks like you're spending your precious minutes on me already."

Nanlaki yung mata niya at magsasalita na nang bigla akong magsalita ulit just to shut her up.

"I've gotta go Vesta. I hate that I have to spend my precious minutes on you because you always want to. Now if you may excuse me,"

Nginitian at dinaan ko lang sila papasok ng cr. Kainis. Crying moment ko na sinira pa ng Vesta na yan.

Nagdadabog ako at pinapatay bukas yung gripo nang pumasok si Venus. Kambal ni Vesta.

"Hi," Bati niya habang naka ngiti

"Hello," Bati ko din at kunyari nagpupunas ng mukha

"Ikaw pala si Macey. Thank God nakita na din kita in person."

"Uh, yeah?"

"Palagi lang kasi kitang nakikita sa school paper o kaya sa mga picture but I never got the chance to see you."

"Ahh," ngumiti ako. Impossible. I'm always wandering around the campus to check on everything. At palagi akong nagsasalita sa stage pag may program. Imposible na hindi pa niya ako nakikita.

"Tama nga sila sayo," patuloy niya

"Ha?"

Tumawa siya. Mahinhin.

"Maganda ka nga talaga."

WOW. Coming from my worst enemy's sister, take note, TWIN sister, maganda ako. Shocking truth ito.

"Thank you,"

Ngumiti siya at pinagpatuloy yung paglalagay ng powder sa mukha niya gamit yung sponge

"By the way, sorry sa inaasal ng twin sister ko ha,"

Naka tingin lang ako sa kanya. Pagkatapos akong tawaging whore ng kakambal mo, papatawarin ko?

"Are you asking me to forgive your sister beyond everything she had done onme? She called me a whore."

Binalik niya yung hawak niyang compact sa loob ng bag niya saka tumingin sa akin nang naka ngiti, "No. I'm asking you to give more patience on her. She doesn't know what she's doing."

Napa ngiti ako ng sarcastic, "Lahat nang bagay sa mundo nawawala. Nauubos. Pasensya ko pa kaya?"

"I know you're a good person. Hindi ka magugustuhan ni Stheno kung hindi."

"You know Stheno?"

ngumiti ulit siya at inilahad yung kamay niya sa harap ko, "Venus Laxamana. Stheno's ex girlfriend."

Napanganga ako sa sinabi niya. WT?!

Ngumit siya ulit, "Sige Mace una na ako sayo." She winked at lumabas na nang cr

Juego De Rol Series; Duology #1: I'm Fated To Love YouWhere stories live. Discover now