Naging maayus naman ang dinner sapagkat hindi rin naman nagtagal dahil puro kami pagod sa byahe. Si Gavin ay nagtantrum narin at gusto nang magbihis dahil antok na. Hindi rin pwede magtagal ang matanda dahil nga ay mahina na ang pangangatawan nito.

Napagpasyahan na sa susunod na araw ay may parting gaganapin para sa turn over ng mga posisyon sa kompanya nila at doon narin din daw kami ipapakilala sa publiko at mga kakilala nila sa industriya. Syempre Kinabahan na naman ako. Itong panghuhusga na hindi ko maiwasan. I'm sure may nagbabash lalo pa at City Bachelor si Blake bago paman nagpadistino sa Cebu.

Lahat kami ay sa mansion umuwi nang gabing iyun maliban syempre sa pamilya ng Tita Shane niya na sa kabilang bloki lang din naman ang kanilang mansion. Ang kanyang mga pinsan ay may kanya kanya na daw'ng condo kung kaya naghiwahiwalay din ng landas.

"Bakit hindi kasama Rain si Myrell?" Tanong ni Blake Kay Bella na nasa likod ng kotse, sa amin ito sumabay dahil sira ang kotse nito.

"I have no idea, but just wanna tell you something... Nakabalik na si Sofia." Sabi niya.

Bahagyang nagulat si Blake at napabilog ang bibig.

"Owh!"

They both smirked and smiled creepily. Kapagkwan ay natawa nalang din ang dalawa. Nakakainis ang magkapatid na ito, para namang wala ako,ah.

Sino kaya si Sofia?

"Kumusta na nga pala si Tito Rick?" Tanong niya uli nang matahimik.

Humikab bahagya si Bella, palatandaan na antok at pagod na ito dahil walang gana itong tumingin sa labas ng kotse at sinandal ang siko sa bintana at hinilot ang sintido.

"His recovering, kaya nga napauwi si Sofia dahil masama talaga ang lagay ni Tito. Si ate Chicky narin ang umalalay kay Tita Lian dahil alam mo naman si Zick hindi iyun titigil hanggat hindi napaparusahan ang gumawa nito Kay Tito. Buti nalang din maasahan si kuya Thad sa mga bata. Hay, Kawawa nga naman si Tito Rick."

Nagtuloy pa ang usapan nila tungkol doon hanggang sa nakarating na kami sa mansion nila. And wow! Parang palasyo sa lawak at laki. Ang mga nwebles ay pang Europa at ang mga chandeliers! My God, Kahit magkayod kalabaw ako ay alam kong hindi ko ito maaaford. Mag fountain sa harap ng bahay at ang lawak ng harden, may swimming pool sa likod na makikita kapag epapark ang mga kotse sa gilid. Ganito pala talaga ang buhay nila. Kung sa bagay condo nga ni Blake ay ang gara na ano pa kaya ang bahay nila.

May nag-assist sa amin na dalawang maids kasama ang magandang babae na nakangiti.

"Ito na ba siya Ijo? Naku, ang gwapo." saad ng matanda na sinisilip ang tulog ng si Gavin.

"Yes, Nana Terry." Sagot naman ni Blake.

"Siya nga pala, ako si Terry. Matagal na akong naninilbihan sa pamilyang ito. Binata pa lang yang daddy nitong si Blake." Mahinang sabi nito na sumabay sa amin papasok ng bahay.

"Naku, nakakahanga po kayo. Ako din pala si Alysson. At Anak ko si Gavin." Sagot ko dito na nakagaanan ko agad ng loob.

"Anak natin!" pagtatama naman ni Blake sa aking gilid. Si Bella ay nauna dahil pagod na raw.

Natawa naman si Manang Terry.

"Hay naku, ang baby namin dati ay may baby na ngayon..." Malumanay niyang sabi.

Sa salas ay naroon pala sina Tita at Tito. Mukhang hinintay kami dahil tumayo agad pagkapasok namin.

"Awh, nakatulog na pala ang munting prinsipe." Saad ni Tita Amber at hinalikan sa ulo si Gavin.

"Sige na, magpahinga na kayo. Handa narin naman ang kwarto mo Blake. Nilagyan ko lang ng crib, yung inyu dati. Haha, Nakakatuwa lang. "Natawa pa niyang sabi.

His Beautiful LiarOn viuen les histories. Descobreix ara