Chapter 13

3.8K 121 4
                                    

Chapter 13

BUONG oras si Nysie na nakatulog sa byahe papauwi sa pilipinas. Kaya nang makarating sila ay agad siyang pumunta sa starbucks ng airport. Hindi na niya sinama pa si Jayson dahil alam niyang busy ito. Matapos nitong nagpaalam sa kanya ay nagmamadali itong umalis patungo sa bahay nito dahil may kukunin pa daw itong mga papeles do'n bago pumunta ng Russia.

He look in rush and she understands him.

Nang makaorder na siya ng Frappuccino na trip niyang inumin sa ngayon ay umupo na siya sa pinakamalapit na mesa sa counter. Habang sumisimsim ay may napansin siyang lalaki na matiim ang titig sa kanya. Just by judging, he seem to be the same age as her.

Ipiniling nalang niya ang kanyang ulo at inabala ang sarili sa kanyang cellphone. And when she got bored, she look up and notice the man that still looking at her.

At first, iniisip niyang normal lang na tingin 'yon. Pero habang tumatagal ay nagiging creepy na. Paano niya nasabi? Well, he's looking at her furiously! She didn't even saw him blink once.

Nginitian niya ito ng konti at dala ng order niya, umalis siya sa coffee shop. She felt uncomfortable.

She was just blocks away from that store when she felt someone following her. Nang lumingon siya ay agad napakunot ang kanyang noo nang makita 'yung lalaki na nakatingin sa kanya sa loob ng coffee shop.

"Yes?" Tanong niya rito.

Napakamot muna ito sa batok bago nagsalita. "Uhm, hi." Inilahad nito ang kamay. "I'm Khen." Pakilala nito.

Tiningnan lang niya ang kamay nito tsaka nagsalita. "Nysie is my name. So if you don't mind, I'll go now." Saad niya at agad na pumara ng taxi.

She didn't bother herself thinking to the man she just met. Ang iniisip niya ay si Jayson. Kung kumusta na ba ito ngayon.

I feel like seeing him so sudden.

NANG makarating sa bahay ay nagtaka siya nang wala siyang nadatnan sa loob ng bahay. Her sister is not here and she's worried. It's weekend kaya paniguradong wala itong klase ngayon.

"Where did she go?" Tanong niya sa sarili nang madatnan ang napakatahimik na silid ng kanyang kapatid.

Kinuha niya ang cellphone sa kanyang bulsa at agad na tinawagan si Serenity. After five rings, she answered.

"Yes?" Tanong nito na nasa kabilang linya.

"Where are you?"

The other line went silent. Napatingin siya sa kanyang cellphone upang alamin kung naputol ba ang tawag pero hindi naman.

"Serenity? Are you still there?"

"Uhm. Y..yes ate. Uhm... may group activity kasi kaming gagawin kaya nandito ako sa bahay ng kaklase ko para tapusin iyon ngayon. Ipapasa na kasi sa lunes."

"Ganoon ba? Take care, okay?"

"Yes. I'm hanging up, bye."

Hindi pa siya nakapagpaalam nang patayin na nito ang tawag. Nysie look at her phone with confusion.

What's with her sister? Himala ata na nakipag-cooperate ito sa kaklase. Serenity prefer to do some activities alone instead of asking for help from other people. Kaya takang-taka siya sa inaakto ng kapatid niya.

Hmm. That's new.

Nagkabit balikat nalang siya at nagtungo sa kanyang silid. May jet lag pa siya kaya kailangan niyang matulog muna.

"SIR, the accounting department just came and wanted you to sign this papers." Saad ng sekretarya ni Jayson.

Nang mailapag sa mesa nito ang mga papeles ay napasandal siya sa kanyang leather chair at napabuga ng hangin. Kagagaling niya lang sa Russia para ayusin ang gusot na nangyari doon. Nagkaroon kasi ng problema sa shipping ng mga bagong release na mga kumot na gagamitin ng mga turista kapag gusto nitong manatili sa hotel na pagmamay-ari niya.

The Possessive Playboy (Tadhana Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang