Chapter 05

7.2K 192 13
                                    

Chapter 05

"Hindi! Hindi kami aalis sa lugar na 'to! Magkamatayan man!"

Naningkit ang mga mata ni Jayson sa nasaksihan mula sa pinapanuod na telebisyon. His friend, Voss just told him about watching television early in the morning. Ginising lang talaga siya nito mula sa mahimbing niyang pagkakatulog para lang mapanuod ang balita. Gusto niyang ibaon sa lupa ang mga taong naging dahilan kung bakit nakapasok ang media sa lugar kung saan kasalukuyang ginagawa ang hotel nila.

Those mother-fuckers should be rooted in hell for letting the media enter inside their construction site, and those damn reporters!

Kinuha niya ang kanyang cellphone na nasa bulsa nang marinig itong magring at sinagot ang tawag habang nakatutok parin ng mga mata sa tv.

"Who's this?" Malamig na tugon niya sa tumawag.

"What is this issue all about, son?!" Napapikit siya ng nariin nang narinig ang galit na sigaw ng kanyang ama.

"I have no idea why it comes out, dad. But don't worry, I'm currently working on it." Kalmadong saad niya ngunit sa kaloob-looban ay gusto na niyang manuntok sa sobrang galit.

"Make sure that you will handle this mess, or else ako mismo ang gagawa ng paraan para hindi matuloy ang proyektong pinagkaka-abalahan mo." Pananakot nito bago siya pinatayan ng tawag.

Marahas niyang tinapon sa sofa ang kanyang cellphone at pumikit ng mariin. Umagang umaga pa lang pero bwesit na bwesit na siya. And no! Gagawa siya ng paraan para malutusan ang problemang ito! Hindi niya hahayaang mawala nalang ito basta basta. He'd been planning about building a hotel in Cebu ever since, dapat matuloy ito.

Dali dali siyang pumasok sa banyo upang maligo. Pagkatapos no'n ay sinuot niya ang isa sa kanyang mga tuxedo at lumabas na ng kanyang penthouse. Sumakay siya sa elevator at nagtungo sa parking lot, pagkatapos ay sumakay siya sa kanyang Porsche at pinaharurot ito.

Nang makarating siya sa kompanya. Tuloy tuloy lamang siya sa paglalakad at hindi pinansin ang mga empleyado na panay bati ng good morning sa kanya. That damn news is enough to ruin my fucking day! Damn it!

Nang makapasok siya sa opisina niya ay agad niyang binagsak ang sarili sa kanyang swivel chair at pinakatitigan ang mga papeles na nakalatag sa mesa niya.

"Come in." Malamig na tugon niya nang marinig na may kumatok sa pintuan. Pumasok ang limang kalalakihan na may dalang mga folder at agad na yumuko nang makarating sa harapan niya.

"Sir, we recieved a call from the workers in cebu and said that they are currently working on it. Nagpadala na rin po kami ng mga securities para paalisin ang media na kalukuyang nagkakagulo roon. And as for the people who are rallying, ginagawan na po ng paraan ng mga pulis at bombero para mapaalis rin sila do'n." Saad ng isa niyang empleyado.

Tinanguan niya lamang ito. "You may leave." Saad niya sa stress na boses. Nilapag muna ng mga empleyado niya ang mga papeles na kanina pa hawak ng mga ito at tuluyan nang lumabas ng kanyang opisina. Hindi nagtagal ay pumasok sa loob ang sekretarya niya at katulad ng mga empleyadong kakaalis pa lang, may inilapag rin itong mga papeles. Ngunit mas marami pa ito.

"The board members gave you an hour to troubleshoot this problem, Sir." Saad nito at yumuko muna bago umalis.

Muli siyang napapikit ng mariin at sinandal ang sarili sa kanyang swivel chair. Sa 'di kalaunan ay biglang pumasok sa isip niya 'yong babae sa party ng mga magulang ng kaibigan niyang si Jace. Nysie is starting to invade his mind again, and that added to the irritation he feels at the moment.

He then remembered the night they shared together. That memory is enough to make him feel bother again. Hindi niya alam ngunit nakaramdam siya ng pagkamiss sa dalaga. Gusto niya itong makita. He wanted to kiss her! He wanted to wrap his arms around her waist. Damn it! Kahit kailan ay hindi siya nakaramdam ng ganitong pagkasabik sa isang babae. Only Nysie can make him feel that way.

The Possessive PlayboyWhere stories live. Discover now