Chapter 07

5.8K 150 1
                                    

Chapter 07

PARANG wala sa sariling napatitig si Nysie sa kanyang repleksyon sa salamin. When morning came, hindi siya mapakali nang maalala ang sinabi ni Jayson sa kanya kahapon. He seem so serious about dating her.

Oh, gosh. What am I going to do?

Huminga siya ng malalim at tumayo para mag-ayos. For the first time in her life, she wanted to look pretty. Alam naman niyang may itsura na siya, she's contented to the beauty she had, pero iba ang iniisip niya ngayon. Hindi niya alam kung ano ang meron pero gusto niyang maging maganda sa harap ng binata.

Nasa matinong pag-iisip pa ba ako? Napakamot nalang siya sa kanyang batok at nag-ayos. She wore a simple gray ripped jeans, fitted white shirt and black heels. She tied up her hair into ponytail at naglagay ng kakaunting kolorete sa mukha.

Hmm. This is enough. Sabi niya sa sarili at lumabas ng kwarto dala ng maliit niyang sling bag. Pumunta siya sa kusina para sana kumuha ng tubig nang madatnan niya ang kapatid na busy sa pagde-decorate ng pasta. She look so serious kaya mahina siyang napatawa. Naisip niya kasing hindi naman gano'n kahirap na magdecorate ng pasta para maakit ang iba na kainin ito. You just need to add some leaves as a topping then done. But in her sister's current state? Hindi niya alam kung ano na naman ang pumasok sa isip nito. Talagang minsan ay hindi niya maintindihan ang takbo ng isip ni Serenity.

"You're weird." Napatingin siya sa kapatid nang marinig niyang nagsalita ito. Natawa ulit siya ng mahina at uminom na ng tubig. "You're leaving? But it's Saturday." Tanong nito sa kanya.

Tumikhim si Nysie at nilagay sa sink ang basong ginamit bago humarap sa kapatid na nakakunot noo'ng nakatingin sa kanya.

"I have to go somewhere." Tanging saad niya at umalis na ng kusina. Nakangiwi siyang lumabas ng bahay. Yeah right, it's Saturday. Dapat nasa bahay lang siya ngayon at nagde-design ng mga bagong damit o di kaya nagpapahinga. That man is pressuring her somehow. Ngayon lang niya naisip na baka niloloko lang siya nito. Baka wala naman talagang katotohanan ang sinabi nito kahapon.

Bakit naman kasi ito makikipag-date sa kanya, 'di ba? There's no reason for him to do that. Aside to the reason that he wanted to have her heart, body, and mind, alam niyang may iba pa itong gusto sa kanya. Pero ano naman 'yon?

"Finally, you're here."

"Goodness gracious!" Napaigtad si Nysie sa gulat nang may narinig na nagsalita. She breath in heavily while cupping her chest. Nag-angat siya ng tingin sa lalaking nagsalita.

She feel like she's floating in could-9 as soon as her eyes landed to Jayson who's standing in front of her. Bumilis ang tibok ng puso niya nang magtama ang mga mata nilang dalawa. Nakasuot ito ng red polo, faded jeans at white rubber shoes. Damn! He looks so hot just by wearing that simple outfit. Kung may makakakita man sa kanilang dalawa ngayon, malamang ay iisipin ng mga ito na isa silang college student.

"What?" Tanong ng binata nang mapansin na nakatitig lamang siya sa kanya. She look away and did a fake cough.

Nang hindi siya mapakagsalita ay hinila siya ni Jayson papasok sa sasakyan. Ito rin mismo ang nagsuot ng safe belt na mas lalong nakakapagpabilis ng tibok ng puso niya. She don't know what's really happening to her whenever he's around. Parang hindi siya mapakali at basta basta nalang bibilis ang tibok ng puso niya. And everytime their face is just inches away, pakiramdam niya ay nagwawala ang buong sistema niya.

Goodness! Ano bang ginagawa ng lalaking 'to sa 'kin?

"Where to?" Tanong niya nang magsimula na itong magmaneho. Jayson look at her and gave the smile that surely melt her heart.

The Possessive Playboy (Tadhana Series #1)Where stories live. Discover now