Chapter 18

3.8K 94 6
                                    

Chapter 18

PANAY ang hingang malalim ni Nysie habang nakaupo at hinihintay kung ano nang mangyayari sa susunod. Jayson let her stay in his office while he's busy with his phone. Hindi niya alam kung ano na ang gagawin. She's worried about her sister. Dapat hindi ito nadamay kabaliwan ni Kianna dahil wala naman itong ginagawang masama.

Matapos ng ilang minuto ay kinuha niya ang kanyang cellphone sa pouch na dala at tinawagan ang kapatid. Pero nakailang ring na ang lumipas wala pa ring sumasagot.

"Serenity, please answer..." mahinang sambit niya habang patuloy itong tinatawagan.

"The number you have dialed is either unattended or out of coverage area, please try your call later."

Pabagsak na binaba na ang kamay at pumikit.

Bakit niya hindi sinasagot ang tawag ko? Goodness, where are you, Serenity?

Muli siyang huminga ng malalim tsaka tumayo at nilapitan ang binata na may kausap sa telepono.

"Jayson..." tawag niya sa pangalan nito.

Mabilis itong tumingin sa gawi niya at tinapos ang tawag. He then walk towards her and caress her cheek. "Bakit? May problema ba?"

"My sister. I can't contact her---"

"She's with my friend. Hwag ka nang mag-alala. He will take a good care of her."

Nakahinga siya ng maluwag sa sinabi nito. Godness. Why my sister? Why not me? She just wanted her sister to graduate without having any problems. Pero sa mga nangyayari ngayon, mukhang magkakaroon talaga siya ng malaking problema. She knows that issues are just going to pass by, but in person's mind, it will take time to be forgotten. Serenity can handle hard core problem by herself, but gossips? Her sister had a good IQ, but EQ? Mahina ang kapatid niya pagdating sa mga emosyon. At 'yon ang ikinabahala niya.

"Sweetheart, stop worrying, okay? Everything will be alright, I assure you that. I'll do anything I can." Ani Jayson at niyakap siya. She hug him back and rested her head on his chest. Masuyong hinagod ng binata ang likod niya at hinalikan siya sa noo.

"Sino pala ang kaibigan na tinutukoy mo?" Tanong niya kapagkuwan.

"You remember Dean Montecillo? At Prise and Jace's parents' wedding anniversary? Aside from being a chef, he is also a teacher and he's handling an advisory. Nagtatrabaho siya sa skwelahan ng kapatid mo. He said that he's also working for the issue to end."

Somehow, she feel relaxed. Hindi niya masyadong kilala ang lalaki pero alam naman niyang mapapagkatiwalaan. Nang tumawag kasi ito sa kapatid niya at tinanong ang lokasyon na kinaroroonan ay bakas ang matinding pag-aalala sa boses nito.

Napakunot ang noo niya at iniisip kung anong issue ba ang hinaharap ng kapatid niya at kung paano nasabi ni Kianna na pareho silang malandi. What was that mean? Anong ginamit nitong dahilan upang siraan ang kanyang kapatid?

"May problema ba?" Tanong ng binata sa kanya.

Sinalubong niya ang tingin nito. "Alam mo ba kung anong issue ang kumakalat na may kinalaman sa kapatid ko?"

"I don't know. Dean didn't told me. Alam niya kasing sasabihin ko sa 'yo at ayaw niyang mag-alala ka para sa kapatid mo, and Serenity didn't wan't to give you a problem."

Napabuntong hininga siya. "She don't want to give me a problem but I caused her one."

Agad siyang inalo ng binata. "It'll be over soon."

GABI NA nang makauwi si Nysie sa bahay niya. Pagkatapos siyang ihatid ni Jayson ay nagpumilit itong magstay muna para may makasama siya. Kaya naman ay pareho silang nakaupo sa sofa sa sala habang nanonood sa Discovery Channel. Hindi niya alam ngunit sa bawat minutong lumilipas ay nararamdaman niyang para siyang naduduwal.

The Possessive PlayboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon