Chapter 11

4.5K 134 4
                                    

Chapter 11

NYSIE didn't bother herself arranging her things. Nang makarating siya sa UK ay agad siyang sinundo ng mga staffs na inutusan para sunduin at dalhin siya sa hotel na tutuluyan niya pansamantala. Ngayon ay nakatihaya lamang siya sa kama habang nakatitig sa kesame.

Images of Jayson and her having dinner made her smile. Because of that, she can feel it. Nararamdaman na niyang nakapasok na ang binata sa puso niya, at alam niya rin sa sarili niya na hindi na niya ito mapipigilan pa. Besides, having him around makes her feel happy, somehow.

Napaupo siya sa kama nang marinig na tumunog ang phone niya. Kinuha niya ito sa pouch niya at tiningnan ang caller. Napatawa siya nang mahina nang makita ang caller.

Mr. Handsome calling...

Right. He and Jayson exchanged numbers last nigh, and she's not the one who put that name. She immediately pressed the answer button and lay on the bed again.

"Hey." Bati niya sa binata. "Napatawag ka?" Tanong niya.

"I'm glad na nakarating ka na diyan. Do you know that I miss you?" Agad nitong sagot. Mabuti nalang at sa phone lang niya ito nakausap, nang sa ganoon ay hindi nito makita ang pamumula ng pisngi niya.

"'Yon lang ba ang itinawag mo?" Tanong niya ulit ng may munting ngiti sa kanyang labi.

"Yes. Nasaan ka ngayon? Are you resting? Nakakaabala ba ako?" Mahina siyang natawa sa sinabi ni Jayson.

"Nagpapahinga nga ako. I have a fashion show this night so I want to rest to gain energy." Saad niya.

"Okay, rest. Gotta go now, see yah." Huling sabi ni Jayson at binabaan siya ng telepono. Napakunot ang noo niya.

Okay? What was that?

Nagkabit balikat nalang siya at nilagay ang kanyang phone sa bedside table tsaka bumalik sa pagkakahiga. She felt sleepy because of her jet lag. And she did what her mind was shouting, and that is to fall asleep.

Hindi alam ni Nysie kung ilang oras na siyang nakatulog, basta paggising niya ay medyo madilim na sa labas. Kinuha niya ang kanyang cellphone para tingnan kung ano na ang oras, only to find out that it's still 5 pm. Bumangon siya at lumapit sa bintana ng kwarto tsaka hinawi ang kurtina. Nakakapagtakang madilim na samantalan alas-singko pa lamang ng hapon. It's too early. Kung dati na umaabot pa ng alas-otso ng gabi bago dumilim ang kalangitan, ngayon ay alas-singko palang.

Maybe, I'm not just used to it.

Ipiniling nalang niya ang ulo at pumasok sa banyo para mag-ayos. The fashion show will start at exactly 7 pm. Habang nasa ilalim ng shower, biglang pumasok sa isip niya ang event na dadaluhan. It's not just an ordinary event. Lahat ng mga sikat na fashion designer ay nandoon at ang mga napiling model ay galing sa iba't-ibang sikat na entertainment all around world. She felt excited. Though, this is not her first time to attend such a big fashion show.

Matapos maligo ay nakaroba lang siyang lumabas ng banyo at binuksan ang maleta niya. Kinuha niya ang dalawang box sa loob at nilagay sa kama pagkatapos ay binuksan ito. The first box contains the red backless dress na kapag sinuot niya ay nasasayad sa lupa. It has this slit design na nakakapag-expose ng maputi niyang legs. Ang pangalawang box naman ay naglalaman ng isang red killer heels na limang pulgada ang taas.

At dahil maaga pa naman ay naisipan niyang magbihis muna ng isang denim jeans at blouse na pinaresan niya ng doll shoes na puti at lumabas ng hotel room. Para sa isang sikat na designer tulad niya, kailangan niyang maging conscious pagdating sa pagpili ng damit na susuotin. But nah, jeans and blouse makes her feel comfortable.

The Possessive Playboy (Tadhana Series #1)Where stories live. Discover now