Chapter 08

5.2K 133 2
                                    

Chapter 08

NYSIE somehow consider their date tiring, but she can't admit it. Being with him is nice. Hindi niya akalain na makakaramdam ulit siya ng kakaibang saya, at dahil iyon sa binata. She didn't know that he's more than jamming to be with than what she expected. Habang magkasama sila, hindi niya nakita ang pagiging arogante nito. He act like a simple man despite to his very wealthy life.

At ngayon, habang magkaharap silang nakaupo ng binata habang nagpapahinga ay hindi niya mapiligilang titigan ang gwapo nitong mukha. He's really blessed to be in handsome department. Kaya siguro maraming babae ang nahuhumaling rito. No wonder, kanina habang namamasyal sila ay panay ang titig ng mga babae sa kanya ng may pagnanasa. He should be in jail for possessing such face, pero wala eh, sadyang pinagpala talaga.

It's pass 6 pm pero nasa amusement park parin silang dalawa. Pakiramdam ni Nysie ay bumabalik siya sa pagkabata dahil sa pagkasabik niya na subukan ang iba't-ibang klase ng rides. Lalo na ngayong kakaiba ang excitement na nararamdaman niya habang kasama ang binata. He had this something that excites her for no reason.

"Hindi pa ba tayo uuwi?" Biglang tanong niya sa binata. Tumingin ito sa kanya pagkatapos ay ngumiti. Sa totoo lang ay medyo nabitin siya dahil ang bilis lumipas ng oras, pero okay na 'yon. At least nagkaroon siya ng panibagong masaya na karanasan.

Hinintay niyang sumagot ang binata pero walang salita ang lumabas sa bibig nito. Nakatitig lamang ito sa kanya at biglang tumayo. He pulled her wrist at drag her somewhere, hanggang makarating sila sa lugar kung saan maraming nagpipicnic.

Namangha siya sa sobrang ganda ng lugar, hindi niya alam na may ganito pala dito, and of course, she wouldn't know. Talagang iniiwasan niya na puntahan ang mga lugar kung saan makakaramdam siya ng matinding pangungulila sa mga magulang niya. Not until now.

Nakangiti niyang pinagmamasdan ang mga tao na masayang kumakain kasama ang mga mahal nila sa buhay, habang ang iba naman ay tumatawa habang naghahabulan.

Nabaling ang tingin niya sa binata at laking pagtataka niya nalang nang makita na may hawak na itong basket at isang kumot. He spread the blanket and open the basket that's full of food. Halatang pinaghandaan nito ang balak gawin.

Nang tuluyan nang mailapag sa kumot lahat ng pagkain na laman ng basket ay tiningnan siya ng binata at pinaupo sa harap nito kung saan mapagigitnaan nila ang pagkain na agad naman niyang sinunod. As she sat to the blanket, she can feel Jayson's gaze towards her. Nararamdaman niyang muli na naman siyang tinitigan ng binata.

"I know that this is common for those who dated, but still, I want to do it with you. Bata pa lang kasi ako ay palagi na kaming nagpipicnic ni Mommy kasama si Daddy. They said that doing this kind of stuff together with the love of your life is one of the best way to have a conversation and deepen your relation. Noon, hindi ako naniniwala, pero ngayon, I actually believe that this is indeed a great idea." Tapos tumawa ito ng mahina na tila ba may inaalalang masayang ala-ala.

"I don't know if this food will reach your standards, but I hope so." Muling sambit nito at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya.

"Ikaw nagluto nito?" Tanong niya sa binata.

He smile shyly and massage his nape slowly, "yes." Sagot nito at nag-iwas ng tingin. She saw him blush and she wanted to take a picture of it so that she could keep it. Pero agad din 'yong nawala nang kunin niya ang pinggan na nasa kamay nito at siya na mismo ang naglagay ng pagkain. She put a small amount of viand in her plate and took a bite of it.

Nakatingin lamang siya sa binata habang nginunguya ng pagkain na nasa bibig niya at dahan dahang tumango. "It taste good." Tanging sambit niya. Natawa siya ng mahina nang makita ang paghinga ng maluwag ng binata.

The Possessive Playboy (Tadhana Series #1)Where stories live. Discover now