"Mabilis ka." Nakangiting wika ni Azur Lilytel.

Ngumiti lang si Gerould at sinugod si Azur. Nababalutan ng itim na liwanag ang kaniyang kamao at direkta niya itong isinuntok sa binata. Pinigil naman ito ni Azur gamit ang kaniyang nagliliwanag na palad.

Nang magtagpo ang kamao at palad, isang malakas na puwersa ang pumalibot sa paligid. Gayunpaman, hindi pa dito nagtatapos ang pag-atake ni Gerould. Nagliwanag rin ang apat niyang daliri at isinaksak niya ito sa tagiliran ni Azur. Hindi inaasahan ng binatilyo ang atakeng ito kaya naman tumama sa kaniya ito at nakaramdam siya ng pananakit ng tagiliran.

Mabuti nalang mayroong defensive Rare Armament si Azur Lilytel kaya naman hindi siya sobrang napuruhan.

"Ngayong nasaksihan ko na ang iyong totoong lakas, hindi ko maikakailang malakas ka nga pagdating sa mano-manong labanan. Naiintindihan ko ring mas malakas at sanay ka sa akin sa larangang ito. Pero..." sandaling tumigil si Azur sa pagsasalita at hinawakan ang kaniyang interspatial ring. Agad na lumitaw ang isang napakagandang pilak na espada. Kumikinang-kinang ito sa kamay ni Azur at mapapansing sa sobrang linis at linaw nito ay lumalabas na ang repleksyon na para bang isa itong salamin. Ngumiti si Azur at nagpatuloy, "Hindi ka mananalo pagdating sa totoong laban."

"Mn? Gusto kong malaman kung karapat-dapat ka nga bang tawaging Sword Genius." Tugon ni Gerould at hinawakan niya rin ang kaniyang interspatial ring.

Lumitaw sa kaniyang kamay ang isang mahabang sibat. Isa rin itong top-tier Rare Armament gaya ng kay Azur ngunit mapapansing medyo mahina ang aurang inilalabas nito kumpara sa inilalabas ng espada ni Azur.

Pinaikot ni Gerould ang sibat sa kaniyang kamay at sumugod sa kinaroroonan ni Azur. Itinutok niya ng talim nito sa binata at mapapansing nabalutan na rin ito ng magkahalong itim at pulang liwanag. Mabilis ng pagsugod at bawal galaw ni Gerould kaya naman agad niyang naabot ang kinaroroonan ni Azur. Handa at alerto si Azur kaya madali niya lang itong nasalag.

Isang malakas na tunog nang nagtagpong metal ang umalingaw-ngaw sa buong istadyum. Nagkiskisan ang dulo ng talim ng sibat at ang katawan ng espada. Ngumiti si Azur at bigla na lang siyang tumalong paatras. Kahit na malayo, iwinasiwas niya ang kaniyang espada. Nagkaroon ng malakas na hangin patungo sa kinaroroonan ni Gerould kaya naman nanlaki ang kaniyang mata. Agad siyang umiwas at tumalon sa kabilang gilid ngunit nahagip pa rin ang kaniyang kaliwang pisnge.

Nagkaroon ng maliit na hiwa rito kaya naman tumulo ang dumugo mula sa pisngi ni Gerould. Hinawakan ito ni Gerould at pinunasan gamit ang kaniyang kaliwang kamay. Napangiwi siya ng mapansin niyang iwawasiwas na naman ni Azur ang kaniyang espada. Mabilis siyang sumugod patungo sa binata dahil mayroon siyang naintindihan, hindi siya mananalo kung lalabanan niya si Azur Lilytel sa malayuan!

--

"Nasa hindi kanais-nais na sitwasyon si Gerould Faust. Kung magpapatuloy ito, hindi siya mananalo kay Azur Lilytel." Malumanay na wika ni Sect Master Noah.

"Kakayahan ito ni Azur Lilytel at hindi niya kasalanang mas magaling siya kaysa kay Gerould Faust sa larangan ng pagkahawak ng armas." Biglang tugon ni Finn Doria.

Napalingon naman si Sect Master Noah at ang iba pa sa kaniya. Ngayon na napansin muli nila si Finn Doria, napapaisip tuloy sila, kaya ba ng binatilyong ito na tapatan si Azur Lilytel?

Sa kabilang banda naman ay naikuyom ni Lore Lilytel ang kaniyang kamao habang pinagmamasdan ang laban. Nasa hindi mgandang relasyon sila ni Azur at hindi niya gusto ang kaniyang nasasaksihan. Habang tumatagal, napapagtanto niyang mas lumalayo ang lakas nilang dalawa ni Azur at dahil dito, mas nawawalan na siya ng pag-asa upang makuha ang posisyon ng Family Head sa hinaharap. Kung walang himalang mangyayari, siguradong si Azur Lilytel na ang uupo bilang Family Head sa hinaharap. Habang iniisip ito, hindi mapigilan ni Lore Lilytel na makaramdam ng galit at pagkamuhi.

Legend of Divine God [Vol 2: Trial by Fire]Where stories live. Discover now