Ch 48 " Awaken "

13 0 0
                                    

*Aero*

Lahat kami nagpanic sa kung ano yung nangyayari kay Yuri. Her heart stops from beating ..

Pinalabas muna kami ng doctor nya to conduct a tests. Dinala agad sya sa operating room. Lahat kami ,  punong - puno ng kaba. Kung ano - ano yung tumatakbo sa isip namin. Nakabantay lang kami sa labas ng ER.
Inabot ng ilang oras ang operation nya. Sa totoo lang ,  ayaw namin na lumabas yung doctor kasi parang di namin magugustohan ibabalita nya sa amin.
The moment na lumabas sya sa ER ,  isang malungkot na expression ang bumungad sa amin.

" Doc ,  ano pong kalagayan ng anak ko ?"  Tanong ni Tita Theresa.

Hindi nakasagot ang doctor agad - agad. Unti - unti na kaming nawawalan ng pag - asa.

" Mrs ,  we really did our best. Sinabi ko naman sa inyo na ihanda nyo ang sarili nyo sa ganitong pagkakataon. We tried our best to revive pero huminto na ang puso nya ,  makina na lang ang bumubuhay sa kanya. It's up to you " 

Wala ni isa sa amin ang gustong maniwala sa mga sinabi nya. Kita namin yung hindi pagtanggap ni Tita. She really want her daughter to live.

" Wala kang kwenta ! Buhayin mo ang anak ko ! Nagbabayad naman kami ! "  pinaghahampas nya ang doctor pinigilan lang sya ni Tito.

" We'll sign the waiver "  lahat kami nabaling ang atensyon kay Tito Yuu.

" Yuu ! Ano ba ! Lumaban ka naman para sa anak natin ! "  sobrang nagiging emosyonal na ang lahat.

" Gusto mo bang mahirapan ang anak natin ! Tyo lang din ang papatay sa kanya ! Dagdagan lang natin ang paghihirap nya Theresa ! "  napansin namin na pinipigilan lang ni Tito ang mga luha nya.

Out of nowhere ,  nabaling ang atensyon namin kay Shane.

" Let's give it a one last shot tito. I have a feeling na lumalaban pa si Yuri ,  kahit itong 24 hrs na to' let's wait for her. "  nakiusap sya.

" Saan nyo pa nakukuha ang lakas ng pananalig nyo "  tanong ni Tito..

" Sa diyos at kay Yuri po mismo "  matipid na sagot ni Shane.

Naisip muna namin na maghiwa - hiwalay. Kinailangan nila tito na mag - ayos ng mga documento. Magkakasama silang pamilya. Si Irish naman ,  bumalik muna sa hotel nya.   Ako ,  nasa garden lang ako ng hospital.

" Hmm "  I was surprise nang puntahan ako ni Shane sabay abot ng energy drink saken.

" Thanks "  yun lang sabi ko.

Naupo sya sa tabi ko. We were filled with silence at first but I break it.

" Bakit mo nasabi yun ? Anong pinanghahawakan mo ? "  I asked her.

Narinig ko syang magbuntong - hininga before she gave me an answer.

" Nararamdaman ko kasi yung presence nya na gusto nya pa tyong makasama ,  may naghohold back lang sa kanya. "  sabi nya saken.

Hays ,  minsan talaga si Shane ,  may mga nasasabi na kikilabutan ka na lang bigla. Para bang ang lakas - lakas ng intuition nya sa mga bagay - bagay.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu