Chapter 11 "The true feelings"

25 1 0
                                    

=Yuri's Pov=

Kung saan saan ko na pinasyal tong Japinoy na kasama ko. Marami na din akong Filipino dishes na pinatikim sa kanya na nagustohan nya. Ewan ko ba dito sa lalaki na to, Pilipino din naman pero naninibago pa din sa mga bagay-bagay. It's been 2days magmula nung makabalik kami dito. Ayun sa 2 days namin, wala kaming ginawa kundi ang mamasyal. Sadyang mayaman ata tong kaibigan ko kaya all expense paid kami pati yung hotel na tinutuloyan namin. Aba ! Wag kayong mag-isip ng kung ano kasi magkahiwalay kami ng kama kahit nasa iisang kwarto kami.
This is our third day and ang goal namin, maghanap ng space kung saan pwede magtayo itong si Ryo ng art works nya. Tinotoo nya nga yung sinabi nya na mag-iinvest sya dito sa bansa para doon. We are about to take are breakfast. Naisip ni Ryo na magpacater na lang. Habang hinihintay namin, gumawa ako ng french toast para sa aming dalawa and milk. Habang sya naman, abala sa panunuod ng tv.

"Aero Liel Fernandez, di umanoy' may non-showbiz girlfriend?"

Nakuha yung atensyon ko nung marinig yung news sa tv na yun. Halos mabagsak ko yung baso na hawak - hawak ko. Hindi ko magawang matingnan yung nasa tv pero hindi ko din maalis yung atensyon ko. Nakita ko na si Aero yun at kasama si Jessie. Hindi masink - in sa utak ko yung mga sinasabi nya pero luminaw ang lahat nung biglang tanongin ng reporter si Aero tungkol sa kanila.

[On screen scenario]

reporter: Aero ~ kaano - ano mo nga ba itong non - showbiz girl na kasama mo?

Aero: Let's say mahalaga sya saken, I am trying my best to win her heart pero ayoko syang madamay sa industry na to so pwede balato nyo na to' saken..

[Show interrupted]

Nawala bigla yung atensyon ko ng biglang ilipat ni Ryo yung station. Hindi ko din namamalayan na lumuluha na din pala ako. Ayoko sanang makita ni Ryo but it's late. Kaya naman bigla nya akong nilapitan at niyakap para i-comfort.

"Hey, we're not here para sa stupid na balita na yan okay? We're here para din mag-unwind so don't mind it okay?" sabi nya saken then he brushed away my tears.

I fixed and compose myself hanggang sa dumating yung breakfast namin. Medyo nawala ako sa mood and alam naman yun ni Ryo kaya naiintindihan nya ako. Hindi nya sinasabayan yung mood ko. Nung tapos na kaming magbreakfast we need to fixed ourselves para makaalis. I was about to take my shower pero Ryo stopped me.

"You sure you'll be okay ? Gusto mo ako na lang muna umalis?" tanong nya saken.

"Well, okay lang, tingin ko mas kailangan kong gawing busy yung sarili ko para hindi ko maalala yun." then I just gave him a faint smile.

Hindi na ako nagtagal at pumasok na ako sa loob ng comfort room. I faced myself in the mirror and bigla ko na namang naalala yung sa interview. I can't believe na mangyayari yun. Pero ano bang karapatan ko. I took a deep breathe then sinimulan ng magshower at mag-ayos. Nung okay na ako, si Ryo naman. Naisip ko na magikot - ikot muna sa may garden ng hotel at para makalanghap ng sariwang hangin. Out of nowhere, may narinig akong tumutugtog at isa yung pamilyar na boses. Sinundan ko kung saan nagmumula yun and I was shocked nung makita ko sya.

This time I surrender
My everything forever
Life doesn't matter
Just our souls together

Bigla syang napahinto ng makita nya ako. Alam ko na nagkita na kami sa airport kanina kaya hindi na dapat kami magulat pero wala ehh ~ hindi lang siguro namin ineexpect ang plano ng tadhana. Wala isa sa amin ang gustong magsalita.

"Ahh/kamusta" we both said in unison.

"Well, everything is okay, nakakamissed yung Pilipinas" he answered plainly.

To Be With You [One Snob Part2] Completedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن