Chapter 40 " Moving On"

8 0 0
                                    

*Aero*

Isang buwan na yung nakakalipas nung huli kaming magkausap ni Yuri. Doon na talaga natapos ang lahat - lahat sa amin. After nun ,  wala na akong balita sa kanya. Sinubukan ko syang i - message sa lahat ng sns nya ,  pero lahat yun nakadeactivate na. Wala na akong way para makausap sya. Gusto kong kalimutan sya but my heart can't do it.

" Okay ka lang ba kuya ? " biglang tanong saken ni Carol.

Magkasama kami kasi meron kaming recording kung saan magkacollaborate kami. Binigyan ko lang sya ng isang pilit na ngiti.

" Okay lang ako ,  kulang lang sa tulog kasi inasikaso ko yung song natin " palusot ko na lang.

" Tsh ,  kaya ba pati ako di mo din kinakausap? "  we were both surprise sa presence ni Shane.

Binaling ko yung atensyon ko sa kanya then I gave her a hug.

" Ahh ,  labas muna ako " paalam ni Carol.

Nung kami na lang naiwan ,  inabutan ko sya ng maiinom tsaka makakain.

" Bakit ka pala napadaan dito ? "  I asked her.

" Well , we just want to invite sa opening ng bagong branch ng bar namin ,  here "  inabutan nya ako ng invitation.

" T ~ thanks. Nga pala ,  have you told Yuri about this ? "  I asked her.

" Yeah ,  pero di sya makakauwi. And alam mo na ang rason kung bakit. She's doing fine. Isa pa ,  she's ~ 2 weeks pregnant " nagulat ako sa sinabi ni Shane.

She's 2 weeks pregnant ..

She's doing fine ..

I know this will happen. Dapat tanggap ko na pero masakit din pala. I am waiting for her for a month na magkausap kami but she totally deleted me from her life. Sana ako ,  magawa ko din yung gnagawa nya ..

" S ~ she's okay "  I gave Shane a weak smile.

" Di ba kayo nagkakausap ? " tanong ni Shane saken.

" Hindi ,  pero it's okay. Ito naman yung dapat. Malaman ko lang na okay sya ,  I'm cool with it "  sabi ko na lang.

Bigla namang lumapit si Shane saken then she gave me a hug just to comfort me.

" Mahal mo pa sya ,  nakikita ko yun. Sa totoo lang , me and Keeno are really rooting for both of you pero ,  may mga bagay na di talaga pwedeng ipilit "  she told me.

Hindi na lang ako nagresponse. After nun ,  umalis na din naman si Shane. Ako naman naisip ko na umuwi na total tapos na yung recording namin..

Habang nasa byahe ako ,  meron akong isang book store na nadaanan. Napatingin ako sa video ads ,  I saw Yuri. She's really stunning. Hindi ko maalis ang titig ko. I decided to stopped there for a while. Nakatingin lang ako sa video ads nya. Out of nowhere ,  may isang parang high schooler na nakatingin din sa ads nya.

" Ang ganda - ganda mo po talaga ate Yuri ,  di ka po nagbabago kahit kailan "  dinig kong sabi ng dalaga.

Di ko maiwasan na matuwa kapag may naririnig akong nagcocompliment sa kanya. Binaling ko yung atensyon sa dalaga.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now