Chapter 15 "The Most Painful Thing"

27 2 0
                                    

*Yuri*

Hinayaan ko na dito muna magstay si Jessie. Alam ko kasi na she's not really okay. Sobra nyang wasted at mukang ang dami nyang nainom.
Ngayon, she is peacefully sleeping. Kanina kasi nung nakita ko sya, she's in sober. Nakabatay lang ako sa kanya habang natutulog sya. I don't know what happened pero mukang di nya pa kaya ngayon. Naisip ko na lumabas na muna sa kwarto para makapagpahinga din ng biglang dumating ang kapatid ko.

"How is she?"  Yun agad ang tanong nya saken.

"She's asleep. Muka naman okay na sya"  simpleng sagot ko.

"How about you? Okay ka lang?"

Bigla akong natahimik sa tanong nya. Am  I okay? Napanuod ko kasi yung isa sa mga picture nila sa news. Nainterview pa sya tapos sabi ni Jessie sila na daw. Nung mapanuod ko yun, halos hindi ako makahinga. Parang nasaksak yung puso ko. My world stops that moment pero ipinilit ko sa sarili ko na kailangan kong magpatuloy. 

"Okay lang ako ate, walang problema saken"  matipid kong sagot then she suddenly hugged me. 

"Hindi mo kailangan maging martyr okay?"  sabi nya lang saken then iniwan nya na muna ako. 

Pag-alis naman ni Ate, naisip ko na ipagluto si Jessie ng makakain nya para paggising nya maging okay na yung pakiramdam pero bigla naman nagring yung phone ko at halos mabitawan ko yung phone ko nung makita ko kung sino yung tumatawag. 

Aero calling .. 

Nag-aalangan akong sagutin pero baka importante ang tawag nya kaya naman sinagot ko na kahit sobrang hindi ko alam kung ano yung sasabihin ko sa kanya. 

"Aero?"  yun agad ang bungad ko sa kanya.

[Hmmm ~ Yuri, kamusta?]  nagtaka ako kasi ganun agad yung sabi nya saken. Sigurado naman ako na hindi naman to' tatawag lang para mangamusta. 

"Ayos lang naman ako pero hindi lang naman yan ang itinawag mo diba? Anong problema?"  I asked him straightforwardly. 

[Kasi baka nakita mo si Jessie, hindi kasi sya bumalik dito sa dorm namin] 

Parang nakaramdam na naman ako ng kung anong tumusok sa puso ko. Hinahanap nya si Jessie. Nag-aalala sya dito. Pinigilan ko yung sarili ko na umiyak. Ayokong maramdaman nya na naapektuhan pa din ako. I took a deep breathe.

"A-andito sya sa amin. Ako ng bahala sa kanya I guess, may pinagdadaanan kasi sya. Kapag okay na sya, ako mismo maghahatid sa kanya"  sabi ko na lang. 

[Okay lang naman sya diba?] 

"Okay lang sya" 

Then we ended the call. Naramdaman ko na naman na unti - unting bumubuhos yung luha ko pero agad ko itong pinunasan. Walang anu - ano, napansin ko na nagising na si Jessie. Maga pa din ang mata nya pero muka naman syang ayos na. I offered her na umupa para mahainan ko sya ng food ng pwede nyang makain. 

"Jessie, kamusta pakiramdam mo? Nahihilo ka ba?"  tanong ko sa kanya. 

"Hmmm ~ okay na ako, sorry kung naabala pa kita"  sabi nya  naman saken. 

To Be With You [One Snob Part2] CompletedWhere stories live. Discover now