Chapter 35 " Forgiveness"

5 1 0
                                    

*Yuri*

Masayang - masaya ako kasi kahit papaano , nagkaroon kami ng oras ni Aero. Wala akong pasok ngayon. Naisip ko na magstay na lang muna dito sa bahay. Maaga akong nagising. I decided to make some breakfast for Ryo.
Habang nagluluto ako , napatingin ako sa wedding ring namin. Ang daming tumakbo sa utak ko. Will I hurt Ryo again ? Dahil dun , di ko napigilan na umiyak.

" Hon ? " nagulat ako sa presensya nya. Agad kong inayos ang sarili ko.

" G ~ good morning Hon. Nagluluto na ako ng breakfast mo " I brushed away my tears.

Agad nya akong nilapitan at niyakap nya ako ng mahigpit. Nakaramdam ako ng comfort sa kanya.

" If there is something wrong , you can tell me okay ? " sabi nya saken.

Hindi ko magawang masabi sa kanya yung nararamdaman ko. I don't really want to hurt him. I want our relationship last forever.

" I'm okay. " hinaplos ko sya sa pisngi.

After nun , pinagpatuloy ko ang paghahanda ng breakfast and after nun , kumain na kami. Hinayaan ko lang na magkwento ng magkwento si Ryo hanggang sa matapos kami.

" Oo nga pala hon , since pareho tayong walang pasok , let's go out " aya nya saken.

Napaisip naman ako bigla. Sa totoo lang , ayoko sana. Mas gusto kong magstay dito but I decided to said yes kasi ayoko syang madismaya.

" S ~ sure " sabi ko sa kanya.

Nakita ko na sobrang saya nya. Then kumilos na kami at nag - ayos. We decided to go in an ocean park.
Mga 2:30pm kami nakarating. Naglakad - lakad lang kami at tumingin sa isang oceanarium kung saan nakakita kami ng iba't - ibang klase ng sea creatures.

" Nagustohan mo ba dito ? " tanong ni Ryo.

" Oo naman hon , sobrang ganda dito." I simply answered.

" Dito ka lang , bibili lang ako ng makakain natin " sabi nya saken.

Sinunod ko naman sya. Naghanap ako ng mauupuan. Out of nowhere , hindi ko akalain na makikita ko si Aero dito. Mag - isa lang sya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Nag - aalangan akong lapitan sya but my heart tells me to do so. He was quite surprise nang makita ako.

" A ~ Aero " tawag ko sa kanya.

" Yuri ? What brings you here ? " napakablank ng expression nya.

Siguro , kung naaalala nya pa ako , masaya sya na makita ako.

" Kasama ko ang asawa ko , we decided to go on a date dahil pareho kaming walang trabaho. Ikaw ? Are you with Jessie ? " I asked him.

" Wala , I am just waiting for her. Susunduin ko sya after her shoot " matipid nyang sagot saken.

" A ~ ahh , okay " sabi ko sa kanya.

Then we were filled with silence. Napansin ko na dumating yung order nya. It is filled with tomatoes. Alam kong bawal sya dun so kinuha ko yung food nya at inalis yun para di sya magka - allergy.

" H ~ here , alam ko kasing di ka kumakain nyan kasi allergic ka " I told him.

Punong - puno ng curiosity yung titig nya saken.

" Gaano mo ko kakilala Yuri ? " nagulat ako sa tanong nya saken.

Napahinga akong malalim. Ayoko sanang ipilit ang sarili ko pero siguro ito yung paraan para maalala nya ako.

To Be With You [One Snob Part2] CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon